Chapter 13

4 0 0
                                    

After 3 mos, I'm here again. Ang damimg typos and I know napakaboring niya pero ayoko lang masayang idea ko noon sa story na to. Hahahahaha. Way back 2014 I guess? Nanghihinayang lang ako. Dahil sa community quarantine, I remember na may story pala ako na dapat i-publish hahahaha. Walang masyadong nagbabasa pero continue ko na lang. :)

———

After namin magbill out sa seafood restau ay dumiretso na kami sa pinakamalapit na mall. Sabi ko na lang ay mag-arcade kami. Pumayag naman siya. Parang excited pa siya dahil nakita kong nakangiti ang mga mata niya.


Di kami nagkikibuan sa kotse. Hanggang ngayon nakakaramdam ako ng init dahil sa nangyari kanina. Para akong batang kumain kasi! Hay.


Nakarating kami sa mall ng ganong situation. Sinabi ko na lang na hintayin niya ako sa loob para i-park ang kotse. Tumango naman siya.


After kong i-park ang kotse. Pumasok na ko sa loob ng mall dahil di ko siya nakita sa entrance.

Naglakad-lakad ako hanggang sa nakita ko siya sa isang book store. Lalapit na sana ako sakanya nang may nauna sakin. Nawala ngiti sa mga labi ko nang makita ko kung sino yun.




Si Sir Josef.


Kaya ba pumayag siya? Kasi nandito si sir?

Nakita kong ngumiti si Zula kay sir. Pinagmamasdan ko na lang sila na masaya. Minsan naririnig ko pa boses ni Zula. Bakit ako hindi ko magawa yun?

Ngumiti ako ng mapakla at tumalikod. Siguro dito na matatapos yung date namin. Kung date nga ba to. Di parin ako umaamin. Torpe.

Pumunta na lang ako mag-isa sa arcade. Nagbasketball na lang ako para mawala yung bigat ng nararamdaman ko. Pero tumitingin na sakin ang ibang tao dahil kadalasan walang pumapasok sa shinu-shoot ko. Napabuntong hininga na lang ako.

Hindi ako hinahanap ni Zula. Hinahanap ba niya ko? Mukhang masaya na siya. Takte. Kauumpisa ko pa lang feeling ko busted na agad.

Kailangan ko na bang sumuko?

Nagpunta ako sa video game para maglaro na lang ng street fighter. Ubusin ko na lang oras ko. Ako parin naman sumundo kay Zula, dapat ako maghatid pauwi.

Tinext ko na lang siya.

Me: Zula, once you're done, sabihin mo lang and I'll bring you home. Enjoy!

Para akong tanga.


Dapat kanina palang hinila ko na siya palayo kay sir. Pero ayoko naman maging bastos. Ayoko naman na minsan na nga lang siya ngumiti, aalisin ko pa yun. Wag na lang. ayoko sirain ang mood niya.

Habang naglalaro ako ng street fighter may tumabi sakin. Hindi ako makalingon kasi sunod-sunod ang atake ko sa opponent ko. At na-KO na nga. Nang lungunin ko nakita ko ang nakangiting maamong mukha ni

"Sena?" nagwave siya sakin at ngumiti ulit. "Nakita kitang pumasok. Akala ko hindi ikaw pero ikaw nga." Lumingon siya sa paligid. "Ikaw lang?"

Bakit? Bakit kapag wala na kong pag-asa kay Zula, dumadating ka?

Bakit Sena?

"A-hh. Hindi ko sigurado eh." Alanganing sagot ko. Tumawa naman siya.

"Ha? Bakit? Kanina ba meron tapos nawala?"

You.Where stories live. Discover now