Chapter 5

11 1 0
                                    

Nakatitig parin ako. Ganun din siya.

"Uhmm. A-ano. Ano kasi-"

Tinitigan niya ako at umalis.

Ano ba yan, Xy! Tss.

Sinundan ko siya at wala sa loob kong hinawakan ang kamay niya.

Ang lambot. Nakakabakla.

"Zula, sorry..."

Binitawan ko bigla ang kamay niya dahil nakatingin siya ng masama sa kamay ko.

"...kanina." Dugtong ko.

"Babo." Maigsing sabi niya at tumalikod.

Babo? Ano yon? Takte Xy! Tsansing ka. Pero syet. Malambot talaga.

"Z-Zula!" Sigaw ko. Huminto siya pero hindi siya lumingon.

Lumapit ako sakanya.

Hinawakan ang balikat niya.

"Sorry." Sabi ko at tumalikod. Alam kong iirapan niya ako at kaya hinawakan ko ang balikat niya.

"Xy." Napahinto ako ng tinawag niya ang pangalan ko. Sa oras na to, minahal ko na ang pangalan ko na dati ayoko dahil pang babae. At Ang ganda ng boses niya.

Lumunok ako. Medyo matagal bago ako lumingon. Paglingon ko, wala na siya.

Nakita ko ang gate. May post-it note.

"Distribution of papers." Ang nakasulat.

Hwag mong sabihing...

-
Umuwi ako ng medyo okay.

Medyo. Oo. Ewan. Nalilito ako.

Alam ko, aasa na naman ako. Ayoko. Sa fiction lang nangyayari ang lahat pero bakit ganoon na ngayon si Zula.

Bakit parang unti-unti...

Hindi! Pinapaasa mo lang ang sarili mo Xy.

Alam ko! Pero hindi ko maiwasaaan!

Iwasan mo kasi!

Paano?!

Ewan!

Ang lalaki kong tao pero para akong babae kung mag-isip.

Tsk. Ewan!

Kanina pa ako pabalik-balik sa kwarto ko. Halos hindi ako makatulog. May pasok pa naman bukas. Syetttt!

"Xy."

Syettt! Bakit ang ganda ng boses niya?

Ano ba Xy! Umayos ka nga!

-1:43am-

Takte! Hindi ako makatulog. Ang magaling kong insan hindi nagpakita. Nakooo. Bahala sila ni Ver.

-2:47am-

Lubdublubdub. Hanggang ngayon?!

Mahal ko talaga siya 'no?

Kanina ko pa siya iniisip.

Naalala ko yung post-it. Distribution of papers. Nakalimutan ko!

Kinuha ko ang mga papers na bigay ni sir. At napansin ko ang note na nakasulat.

'Text me. +6391554*****'

Sinave ko yung number. Number yata ni Sir.

Inisa-isa yung papel. Grabe! Mamaw si Zula. Almost perfect na. 2 mistakes lang. Nakakahiya ako. 10 mali ko! Yung iba mataas naman. Ang talino niya.

You.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon