Chapter 12

4 0 0
                                    


Nakarating kami sa isang seaside restaurant. Ayoko kasing pumunta kami sa mataong lugar dahil alam kong hindi siya magiging comfortable. Di naman siya nagreklamo kasi di naman siya kumikibo. Isang seafood restau ang pinasukan namin.


Binigyan kami ng menu ng waiter at pinagmasdan ko lang si Zula habang mamili. Di ko maiwasang mapangiti sa mga nangyayari at sa mga naisip ko kanina. 


Suddenly, I want to be bold and brave.


Kasi pakiramdam ko sasabog ako sa sobrang saya. Kaya di na ko masyadong kinakabahan. Pero I don't want to be impulsive syempre.


Nakangiti parin ako nang tumingin siya sakin. Di ko maalis ngiti sa labi ko. Di na yata ako si Xy. 


Napa-iwas naman siya. Siguro ay gusto niya lang akong tanungin sa gusto kong dish. 


"Nakapili ka na ba, love?" napatingin si Zula habang nanlalaki mata. Natawa ako ng palihim. 


Hoy, Xy. Ang naughty ko yata. Pero kasi may reason naman.


"Anything's fine." maikling sabi niya ng makabawi. Hinawakan ko ang kamay niya. "Let's choose together then." sabi ko at lumipat sa tabi niya.


Naramdaman ko ang pagform ng fist ni Zula. Alam kong sumusobra  na ako sa pagte-take ko ng advantage sa kanya pero sayang kasi ang pagkakataon.


"How about Crab stuffed sole? I think this one is good too..." sabay turo ko sa isa pang dish. Di siya nagsasalita pero tumango na lang siya.


Nagbigay naman ng best seller and menu of the day nila ang waiter kaya sinubukan na lang namin yun.


"Sir and ma'am, thank you for choosing our resto as part of your date. Because you chose us, you have 20% discount in your bill later. Enjoy!"


Pagkaalis na pagka-alis ng waiter ay lumipat na ko sa upuan ko kaharap kay Zula. Alam ko any moment magagalit siya or iiwanan ako bigla or basta magagalit siya. Ginawa ko yun kasi...


"You..." panimula niya.


"Zula, k-kasi a-ano..."


"Why?"


"A-actually... please wag kang magagalit..."


"Go on." ramdam kong naiinip siya sa mga sinasabi ko kasi paliguy-ligoy pa ko pero kasi ang saya lang kasi pakiramdam ko di niya ako iiwan.


"N-nabasa ko k-kasing may discount sila kaya... I acted like we are couple... para makatipid at may marami tayong makain na iba pa ngayong araw."


Normally, girls would feel they aren't special kapag yun ang dinahilan mo sa kanila. As a guy, you need to give her the best you can give. Pero let's face the reality that we are still teenagers.

You.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon