Chapter 9:

39 1 0
                                    

Parang bahay ko na uli yung studio ko sa dami ng gagawin.

So, eto ako ngayon. Inaaral yung gagawin na concept ng collaboration.

Napakahirap naman. Ayoko ng ganito. Ako lang mag-isa, ang hirap kaya palawakin ng utak when it comes to music.

Sorry guys pero hindi talaga ako musician, dancer po talaga ako. Mas may common sense ako pag sayaw ang pinag-uusapan.

I try my best na aralin yung concept dahil iniwan nanaman ako ng manager ko na napakabait (sarcastic) para daw matuto ako.

Sinabi niya pa sakin, "Di'ba gusto mo maging independet, aalis ako, aralin mo mag-isa yan ha?"

Galing di'ba? Palakpakan para sa kaniya. Haist.

Gusto maging independent pero hindi yung literal na mag-iisip ako mag-isa!

"Gosh, I really need a break."

Hininto ko muna ang pagbabasa at pagaanalyze.

Nanood muna ako ng mga dances with a partner para alam na namin ni Shua yung gagawin.

Actually, di pa kami nakakapag-usap kung ano ba talaga ang gagawin namin.

It's not my first time na sumayaw with a partner.

Solo artist kasi ako kaya kung kani-kaninong back up dancer ako napupunta.

Habang nanonood ako ng mga sayaw ay biglang may kumatok sa studio ko.

May buzzer naman, bat di niya pindutin?

Lumapit ako sa pintuan at binuksan 'yon.

Syempre alangan, isara ko e sarado nanga joke.

Pagkabukas, niluwa nun si Joshua na ang lalim lalim ng eyebags.

Malalim nanga yun, pinalalim niya pa lalo.

"You look exausthed."

"Yes, Cai, yes." Joshua said.

Matagal kaming nagtitigan sa may pintuan at narealize ko na di pa pala siya nakakapasok.

"Uhh, can I come in?"

"Oh, sorry. Sige pasok."

Umupo siya sa may sofa at tinignan yung laptop ko.

"Anong pinapanood mo?" Shua asked.

"Sayaw. Mas maganda kung may guide padin tayo."

Nilibot niya ng tingin yung studio ko.

"Why are you here?" I asked him

"We need to meet for this performance Cai, masisiraan na ako ng ulo sa kakaisip kung anong gagawin ko." Joshua said habang nakapikit na para bang pasan niya na yung mundo.

"You can do that, Joshua. So, where do we start?" I asked

"Kung paano sasayaw ng may partner?"

Natawa ako sa sinabi ni Joshua. Sa tanda niyang yan, di niya pa alam?

"Really?"

"Swear, hindi pa ako sumasayaw nang may partner sa stage. Lalo na pag babae? I only dance kapag kasama ko kagrupo ko."

"Don't worry. May magtuturo satin, duh? Tska you're a professional. Kaya mo yan."

Napaisip siya ng mga ilang segundo.

Maya maya ay napatingin siya sa nay keyboard at nakita yung pinag-aaralan ko na concept.

Kinuha ni Joshua yun at binasa.

You Made My Dawn (Hong Joshua) FanficWhere stories live. Discover now