You Break Me Up

184 9 9
                                    

Katapos nung graduation hinatid daw ni Ken yung mga gamit ko pati yung phone, di ko chine check kung anong meron sa phone ko, pero chinarge ko siya buong araw lang akong iyak ng iyak nakatunganga, at di alam anong gagawin ko nagaalala si mama pero sabi ko okay lang ako, niyayaya niya akong kumain pero wala talaga akong gana, pinapaalam ni mama na gusto daw akong kausapin ni Ken kaso ayoko, at the moment gusto ko lang mapag isa, i analyze anong nangayyari, at maka get over sa lahat actually pumasok si mama sa kwarto ko.

"Ma ayokong kumain." Sabi ko tas naramdaman ko na may umupo sa tabi ko

"Alam ko, andito ako para di ka yayain kumain, andito ako as a mama mo as a best friend mo, gusto ko lang malaman ano bang nangyayare, kasi sa nakikita ko nasasaktan ako sa ginagawa mo, di man ako yung nakakaramdam pero alam kong masakit." Sabi niya at humarap ako sakanya

"Okay lang ako ma." Sabi ko

"Alam mo, lahat ng nagsasabi ng okay lang sila alam kong hindi sila okay." Sabi ni mama nakikita ko yung lungkot sa mata niya kaya umupo ako

"Ma?" Tanong ko

"Oh?" Sagot niya

"Anong naramdaman mo nung may iba si Papa?" Tanong ko

"Hmmm, Masakit syempre." Sagot niya

"Yun lang?" Tanong ko

"Hindi, Masakit sa part ko na nambabae siya, masakit din aminin sa side ko na may bago na siyang mahal, masakit i admit sa sarili mo na wala ng KAYO, masakit sa maraming way syempre." Sagot niya

"Anong mas masakit yung sinabi sayo o yung siya mismong nagsabi sayo?" Tanong ko

"Para sakin mas masakit kung galing sa taong mahal ko." Sabi niya tas tumango ako

"Ma, wala na kami ni Ken." Bulong ko sabay yuko

"Alam ko." Sabi niya tas hinawakan yung ulo ko

"Ma ansaket lang." Naiiyak nako rinig sa boses ko "Ansaket lang na hindi ko man alam if mahal ba talaga ako ni Ken o hindi, Hindi ko alam if totoo ba yung mga ginawa niya o hindi, Ang sakit lang malaman na mahal niya pa yung dati niyang girlfriend na fiance niya na ngayon." Sabi ko habang umiiyak

"Ang hirap masaktan diba? pero mas lalong mahirap di masagot yung mga tanong na iniwan niya." Sabi ni mama

"Ma, hindi ko alam if nagkulang ako ma, ma hindi ko alam kung ginawa ko ba yung best ko, ang alam ko lang binigay ko naman yung love na gusto niya, di pa ba enough yun? di pa ba sapat na mahal ko siya ano pa ba gusto niya? bat kailangan niyang mambabae?" Tanong ko na medyo lumalaks na yung boses at the same time pahagulgol nako

"Maaaaa, ang sakit ng dibdib ko ayokong aminin pero masakit, everytime na iisipin ko na mas mahal niya si Leslie masakit maaaa, sobraaaa." Sabay kabog sa dibdib ko "Ma iniwan niya kong clueless, iniwan niya kong basag ng ilang milyong piraso yung puso ko ma, deserve ko ba to?" Tanong ko di ako makahinga ng maayos dahil sa sobrang hagulgol

"Di mo deserve lahat ng to anak, pagsubok lang to nak, ganyan talaga pag nagmamahal di ka pwedeng magmahal ng walang katumbas na sakit kaya nga nakakatakot pag naging masaya ka ng sobra kasi di mo alam anong klaseng sakit yung katumbas nung babalik." Sabi ni mama niyakap niya ko

"Ma, ayoko na." Bulong ko

"Di ka pwedeng sumuko, simpleng sakit lang yan marami pang darating magpakatatag ka Tep, Magpakatatag ka, di ka nabubuhay para sumuko sa isang lalaki lang, binuhay ka ng Diyos dahil may dapat kang gawin, pagsubok lang to para mapalakas ka, di pwede agad suko, dapat lumalaban ka." Sabi niya naiiyak nadin si mama

It's You | Ken Suson AU | TagalogWhere stories live. Discover now