I Love You

190 8 3
                                    

Ngayon andito ako sa mall mag ki christmas na kase bukas, ambilis ng panahon shet. Konting push nalang ga graduate na kami pero chaka ko na iisipin yan pag tapos at sure na talaga HAHAHA di ko alam anong bibilin kong regalo naglibot libot muna ako umagang umaga andito ako sa mall diba? kase tinamad ako nung kamakailan kaya ngayon tuloy ako namimili gahol ampotek. Ang hirap mag-isip ng bibilin para kay Mama, Papa, sa kapatid ko, Kay Cas at kay Ken myghad. So natapos ako ng mga mag tu twelve na sumakit ata paa ko tas biglang tumawag si mama.

"Hello ma." Bati ko

"Tep? San ka?" Tanong niya

"Asa mall pauwi nako." Sabi ko

"Ah sige. Umalis nako sa bahay may business trip kami biglaan lang punta kami sa Aklan baka bago mag New Year uuwi na kami." Sabi niya first time ko mag Christmas ng wala si mama shet sinong kasama ko?

"A... ah ganun ba ma? sige, Ingat kayo." Sabi ko

"Sige ikaw din sorry wala ako sa Christmas." Sabi niya tas ngumiti ako ng pilit kahit di niya nakikita

"Okay lang po." Sabi ko tas binaba niya na

Hays, ano kayang gagawin ko neto? It's me, myself and I ah. So umuwi nako tas nagbalot nako ng mga regalo, dahan dahan akong nagbabalot para maganda tagal kong inaral magbalot duh, di kasi ako marunong magbalot kaya eto ako trying hard kahit very hard na HAHAHAHA nakakailan nakong pambalot sa mga regalo dalawa palang nababalot ko shet. Tep galaw galaw kaya ba today? Nanunuod ako ng tutorial ng pagbabalot ng regalo sa laptop ko tas biglang nagring yung phone may tumatawag video call kaya pinause ko muna yung pinapanuod ko tas sinagot ko yung nagko call.

"Ano?" Tanong ko tas pinatong ko yung cellphone sa taas nung tapos ng binalot bali naka tapat sa ceiling

"Asan ka love?" Tanong niya

"Asa bahay, baket?" Tanong ko habang nagbabalot

"Anong ginagawa mo?" Tanong niya

"Nagbabalot." Sagot ko

"Ang aga mo naman maglalako ng balot." Sabi niya tas tumawa

"Tumawag ka ba para manginis?" Tanong ko

"Hindi, aayain kita." Sabi niya

"Saan?" Tanong ko

"Pasko naman punta tayong Baguio." Aya niya

"Sus, walang tao sa bahay, wala si mama." Sabi ko

"Sige tawagan ko muna." Sabi niya tas binaba yung call

Hahabulin ko sana kaso wala pinatay na kaya huminga nalang ako ng malalim tas nag focus na ako sa pagbabalot konti nalang tapos nako, mga after 10 minutes natapos nadin ako sa mga binabalot ko tas nilagyan ko na ng pangalan, nilagay ko na sa kwarto ni mama yung sakanya. Tas papunta na ako sa kwarto ko ulit ng nag ring nanaman yung phone ko pero call lang si Mama siguro to napaka kulet kasi ni Suson eh. Sinagot ko yung phone.

"Hello?" Bati ko

"Nak. Pupunta dyan si Papa mo may ia abot daw." Sabi ni mama

"Ah osige." Sabi ko

"Chaka pala nagpaalam na si Ken sakin, sumama ka na." Sabi ni mama

"Ngek. Kulet talaga." Sabi ko

"Ngayon lang naman kayo lalabas. Chaka wala kang kasama kaya Go ka na." Sabi niya tas huminga ako ng malalim

"Sige ma. Yung regalo mo pinatong ko nalang sa kama mo." Sabi ko tas nag 'Hm' Lang siya

It's You | Ken Suson AU | TagalogWhere stories live. Discover now