Protector

164 7 0
                                    

Nagiiscroll lang ako sa facebook tingin tingin ng memes wala din naman akong gagawin ngayon, wala si mama nasa work, wala kaming lakad ni Cas kasi nasa Baguio sila ng boyfriend niya SANA ALL char, tas si Ken naman may training ngayon, kaya i have this day for myself, nag-iisip nga ako kung anong magandang gawin tas narealized ko na parang gusto ko din maglibot sa mall at bumili bili ng mga damit para kay mama chaka sakin hahahaha napansin ko kasing konti lang yung formal dress niya kaya ayun, pinush ko yung sarili ko na tumayo at maligo, tas nag-ayos nako tapos pumunta na sa Mall, mga isang oras ata akong libot libot dun o dalawang oras tas napansin ko ang dami ko na palang nabiling damit 2 sakin, 2 kay mama, 1 kay papa, 1 para sa kapatid ko at isa para kay Ken. Ewan ko ba kaya ayokong naglilibot napapagastos ako ng sobra sobra eh pero buti nalang talaga may ipon ako ng bonggang bongga. Kumain muna ako sa mcdo tas nag take out ako para kay papa at sa kapatid kong bunso tas biglang may tumawag via Video call kaya sinagot ko.

"Hello." Sabi ko with wave

"Hello love san ka?" Tanong ni Ken tas di ako nakatingin sakanya kasi naglalakad ako papuntang sakayan ng taxi

"Mall, baket?" Sabi ko

"Anong ginagawa mo dyan?" Tinanong niya

"Naglibot, Bumili at Kumain." Sabi ko

"Ahhh, San ka niyan pupunta?" Tanong niya ulit

"Daming tanong ah." Sabi ko tas sumakay nako sa taxi "Kuya Ortigas po." Sabi ko kay manong driver tas inayos ko yung mga paper bag

"Anong gagawin mo sa Ortigas love?" Tanong niya tas tinignan ko na siya

"Pupuntahan ko boyfriend ko, baket?" Pilosopo ko ulit tas tumingin siya ng masama

"Edi wow, Inortigas mo pa nasa school lang naman ako." Sabi niya tas tumawa

"Ewww." Sagot ko tas tumawa ako "Sinong nagsabi?" Tanong niya

"Wow, wow, wow ah. Edi ako." Sagot niya tas inirapan ko siya

"Ganyanan?" Tanong niya

"Oo." Sabi ko

"Edi ganyan." Sagot niya tas iniwas ko yung tingin sakanya

"Kumain kana tas magpahinga wag ka munang lumandi." Sabi ko tas tumawa siya

"Para ngang mas maganda pang lumandi kesa mag practice." Sabi niya

"Ngiiii. Edi go." Sabi ko tas tumawa siya

"Syempre sayo lang lalandi ayieeeee." Sabi niya tas kunyareng kinukurot yung screen

"Buang ka." Sabi ko tas tumingin yung driver "Siraulo tinignan ako nung driver tama na nga." Sabi ko tas tumawa siya ng malakas ako di ako makatawa shet

"Asan pinamili mo?" Tanong niya tas tinapat ko yung camera sa mga paper bags

"Dami ah." Sabi niya

"Oo kaya ayokong lumabas pero wala na eh andyan na." Sabi ko "Sige na mag pahinga ka na, magpa practice ka pa, kumain kana din." Sabi ko

"Opo boss." Sagot niya may saludo pa timang talaga

"Sige bye." Sabi ko tas umawat siya

"Sandali, susunduin kita." Sabi niya

"Wag na, magpahinga ka nalang." Sabi ko tas umiling siya

"Susunduin kita, di ako nagtatanong, duh." Sabi niya tas natawa ako

"Attitude ka sis?" Pilosopo ko tas tumango siya

"Oo. Sige na baka maligaw ka pa." Sabi niya tas nag wave ako

"Babye baliw." Sabi ko tas nag wave

It's You | Ken Suson AU | TagalogWhere stories live. Discover now