Pikachu

259 11 1
                                    

So ayun nga nakasakay ako ngayon sa motor si Ken nagda drive parang bubble head yung ulo ko shemay ang bigat nung helmet, di ko alam san din ako hahawak jusko di ako humawak sa bewang niya ah dito sa may likod ako nakahawak naku baka pagkamalan pa niya na gusto ko siya mahirap ma-issue kapatid. So nakikita ko na yung SM North malapit lapit na siya at natatakot akong magdrive dito sa Suson na to dahil ang bilis magpatakbo feeling ko kung hindi ako nakakapit kanina pa ako nalaglag eh, hanggang sa medyo nag traffic na tas naghahanap siya ng sisingitan papasok ng entrance ng parking ng bigla siyang napagewang kasi biglang may sumulpot na sasakyan narinig ko siyang nag 'Tsk' tas eto naman driver ng kotse sinigawan pa kame na di daw kami tumitingin eh siya nga itong sumulpot nalang eh, buti nalang hindi ako nalaglag shemay kasi nakakapit ako sa bewang ni Ken, Yep that's right... ANO?! NAKAKAPIT AKO? SA BEWANG NI KEN?! HOYYYY! WAIT LANG! SA PAGKAKAALAM KO NAKAKAPIT AKO SA LIKOD EH AT NGAYON ANDITO NA? SHET tatanggalin ko sana yung kamay ko sa bewang niya ng bigla niyang binilisan yung pagpapaandar sa motor edi lalo lang humigpit hawak ko nakurot ko pa nga ata kase nabigla katawan niya, pero buti nalang agad kaming nakahanap ng pag pa parkingan jusko kamusta buhok ko te nasa kung saan saan na, bumaba ako ng motor at tinary kong tanggalin yung helmet pero bat hindi pumapalag shemay ayaw matanggal, tinary kong hilahin, hanapan ng pipindutan at i adjust yung strap di parin matanggal.

"Amina nga." Gesture niya sakin na lumapit sakanya, lumapit naman ako kasi nawalan nako ng pag-asa na matatanggal yun no di ko alam pano eh.

"Thank you." Pasasalamat ko nung natanggal niya yang sinumpang helmet sa ulo ko shemay na yan kala ko tuluyan ng di matatanggal eh

"Saan ka pala pupunta?" Tanong niya habang inaayos ko yung buhok ko at damit

"Ah dyan lang sa may KFC siguro hintayin ko si Cas." Sabi ko tas tinitignan niya lang ako

"Cas?" Tanong niya

"Ah, yung bestfriend ko yun magkikita kasi kami dun." Sabi ko tas tumango siya "Eh ikaw?" Tanong ko sakanya.

"Sasama ako sayo." Sabi niya ng napaka plain at walang emosyon, luh?

"Ha.. Ha?" Pinapaulit ko pero yung sagot niya ang nakakainis

"Hotdog." Sagot niya tas lumakad na siya papuntang entrance sumunod naman ako

"Wala ka bang lakad? o pupuntahan?" Tanong ko sakanya.

"Wala kaya nga sumama ako sayo eh, chaka gusto ko lang mamasyal." Sabi niya tas tumitingin tingin sa paligid tas tumango lang ako at kinuha yung cellphone ko

"Cas? Andito nako sa SM North asan ka?" Text ko kay Cas tas biglang nag beep yung phone ko

"Andito parin kina Leslie di ko naman inexpect na mag so SONA to sakin daming sinasabi wala naman akong naiintindihan english ba naman." Reply niya natawa lang ako

"Sino yan boyfriend mo?" Tanong ni Ken ng nakataas yung isang kilay umiling ako ng nakangiti

"Hindi, yung kaibigan ko di pa daw tapos yung interview niya." Sabi ko tas narinig ko lang siyang mag 'Hmm.'

"Text moko pag papunta ka na ah? Laro lang ako sa may arcade." Text ko sakanya sabay lagay sa bulsa ko yung cellphone

"San mo balak pumunta?" Tanong ko kay Ken

"Wala, Ikaw ba san ka pupunta?" Tanong niya

"Tara punta tayong Tom's world?" Aya ko tas tumango naman siya

Naglakad kami papuntang Tom's world ang medyo maraming tao sa Tom's world ah, pumila kami para makabili ng tokens mga pang lima kami siguro, tumitingin tingin ako sa paligid nakikita ko yung mga tao na natutuwa sa mga nilalaro nila, nag e enjoy sila sa pagpusta pusta sa mga isda at sa race at syempre gustong gusto kong nakikita yung gigil at kung gaano sila ka competitive na manalo, wala nag e enjoy lang ako na nag e enjoy din sila, lumalapit nako sa cashier ng napansin ko nawala si Suson sa tabi ko tumingin ako sa paligid di ko siya mahagilap aba iniwan na ata ako? Bumili nako ng 100 pesos na token tas tumitingin tingin ako anong magandang laruin, mukhang wala akong type ah so naglakad muna ako tas nakita ko ang daming tao sa bandang dulo tas tinignan ko yung tinitignan nila, ah yung just dance pala na laro yun naa amaze sila dun sa sumasayaw na lalaki, medyo kamukha ni Ken ah tas napatingin ulit ako nung na realize ko na kamukha ni Ken patapos na yung kanta tas tinodo na ni Ken shemay si Ken pala tong sumasayaw pano siya napunta dito? Tinitignan ko lang siya habang sa natapos na yung kanta, nagpalakpakan yung mga tao, nagsikerengkeng yung mga babae tili tili pa nabasag ata eardrums ko sakanila kaya medyo lumayo ako at naghanap ulit ng pwedeng laruin, ayun mag warm up muna ako sa basket ball medyo kumonti na yung mga naglalaro busy sa panunuod ng sayaw eh, naghulog ako ng token tas naglaro nako, medyo marunong naman pala ako ng basketball infairness ngayon ko nalang na realize tas nung natapos na hanggang round 2 lang ako aber biglang may nag 'Ehem' sa likod ko nagulat tuloy ako

It's You | Ken Suson AU | TagalogWhere stories live. Discover now