54

402 10 20
                                    

KENDRICK CATO'S POINT OF VIEW:

Hindi ko alam kung paano ako nagkagusto sa kanya. Hindi ko alam kung kailan at kung saan. Basta isang araw, s'ya na ang tinitibok ng puso ko, nagpapabilis, nakikita ng mga mata ko, in short, apple of my eye.

"Uy, Ken! Nakikinig ka ba sa akin? Kanina pa ako dumadaldal dito! Gosh!" Palihim akong napangiti sa kanya. Kaartehan talaga niya minsan.

Ang kanyang kanan kamay ay nakalagay sa kanyang noo habang umiiling-iling sa akin.

"Sorry, ang ganda kasi ng mukha mo, na-distract ako." Bigla niya akong kinapa ang noo at ang aking leeg.

"Wala ka namang sakit, Ken? Anong nangyayari sayo? Ngayon mo lang ako sinabihan ng maganda. Oh gash! Anong kinain mo ngayon? Bibilhin ko para sayo, para iyon ang kainin mo palagi!" Sunod-sunod niyang sabi sa akin. Kaya lalo akong nahuhulog, baka 'di na ko makaahon.

"Sa'n na nga ba tayo?" Pag-iiba ko na lang ng usapan. Umiinit na aking mga pisngi, baka mahalata pa niya.

She's rolled her eyes to me. Ganda ng mata niya. Brown eyes.

Lumipas ang ilang taon, hindi ko na napigilan, nagtapat na ako. Sabi nga nila Phil, baka maunahan pa ako nu'ng Vinz na iyon. Mahirap na.

Nagsend ako sa kanya ng mga cheesy quotes and cheesy jokes pero walang effect sa kanya. Nagmukhang biro lang ako para sa kanya. Na nangtitrip lang.

Sobrang sakit, alam mo iyong basag na nga tapos dinurog pa nu'ng malaman kong nagkakachat na sila ni Vinz. Ako dapat niyon, ako dapat nasa p'westo niya.

"Ken, balita sa campus, nililigawan mo raw si Ginger?" Kumunot aking noo sa sinabi ni Phil at nagtatakang tinanong siya, "Huh? Sa'n mo naman nakuha niyan?"

"Sabi-sabi sa campus. Dahil doon sa pinost niya sa fb. Iyong may hawak siyang bouquet of flowers." Bouquet of flowers? Wala naman ako binigay sa kanya na gano'n? Isang pirasong white flower ang binigay ko sa kanya.

"Hindi akin 'yon, Phil. Isang pirasong white flower ang binigay ko. Nahihibang ka na ba?" Sabi ko rito.

"Uh-oh, mukhang my fake news na kumakalat." Tsk.

Hindi ko alam kung paano haharapin si Angie dahil sa tsismis na kumakalat sa campus, sinabihan ko na si Ginger na i-delete ang post pero ayaw niya.

"Hindi mo ba kakausapin?" Pagtatanong ni Wil sa akin.

"Pagbalik na lang, handa na ulit ako umamin. Need natin manalo rito, Wil. Grupo natin ang nakasalalay." Tumango siya sa akin at tinapik ang aking kanang braso.

And, we won. Nanalo kami sa Battle of the bands na ginanap sa South Korea. Ilang bansa ang sumali at kami ang nanalo.

Makauwi lang talaga ako, aamin na ulit ako. Last chance na 'to, Ken. Need na natin siyang ligawan. Pumayag man o hindi.

Ilang days muna ang pinalipas ko, at agad ko siyang chinat. Wala ng atrasan 'to.

Nilahad ko lahat sa kanya kung gaano ko siyang kamahal simula noong tumuntong kami ng high school, and itong nag-college kami. Akala ko nu'ng una nagagandahan lang ako sa kanya pero iba na pala.

Lumalabas kami, nagpaalam din ako kila Tita, ayokong maging torpe sa nararamdaman ko. Akala ko masaya na ang lahat may problema pa pala kami. Sina Ginger and Vinz.

Kinausap ni Angie si Vinz, at tungkol kung anong mayro'n sila. Kapag nga naman sineswerte, kapatid lang turing niya kay Angie.

Nang kausapin ko si Ginger, naging komplikado pero hanggang sa tumagal natanggap na rin niya na si Angie talaga ang mahal ko at hindi siya. Na kaibigan at kaklase lang ang turing ko sa kanya.

"Ken, sa'n ka magwowork? O, baka magbabanda na kayo? Magko-compose ng song? May pa-mall show na rin kayo? Naku! Need ko ng humingi ng autographs niyo!" Napapangiti na lang ako habang nakatingin sa kanya.

"Ayan ka na naman!" Sabay palo niya sa akin, "ngumingiti ka na lang bigla-bigla! Inlove na inlove ka talaga sa akin, ano?"

"Wala, e. No choice, ganito talaga ako. Baliw na baliw talaga ako sayo. Mahal na mahal kita, Gie, since childhood."

Pinagpapalo-palo niya ako. Wala akong ginagawa kung hindi tanggapin ito at niyakap siya.

"Baliw ka talaga!"

"Baliw na baliw sayo... I love you, master!"

××××

...The End...

𝚄𝚗𝚋𝚛𝚎𝚊𝚔𝚊𝚋𝚕𝚎 || 𝚂𝙱𝟷𝟿 𝙺𝚎𝚗 [FIN] ✓Where stories live. Discover now