9

404 8 2
                                    

Kendrick Cato Jimenez POV:

Napatingin ako sa wristwatch ko, napaaga ako ng punta.

Pumasok ako sa bar kung sa'n nagpeperform kaming lima. Descents bar ito at walang illegal transaction dito.

Tinanguan ko ang mga empleyado, mga naglilinis at nag-aayos na sila.

Lumapit ako sa bartender na ngayon nagpupunas ng kanyang counter, "Aries, nandiyan na si Manager?"

"Kanina pa, Ken. Mukhang mainit ulo. Hindi maganda timpla." Tumango ako rito.

Hindi ko na lang siya pupuntahan, baka masigawan pa ako, ba't maaga ako.

Pumunta ako sa maliit na room na nandito, na malapit sa office ni manager. Itong room na ito ay restricted para sa aming lima.

May dalawang single bed, isang desk, television, aircon at 32 inches na tv.

Maaga pa naman, matutulog muna ako.

• • •

'nakatulog ba ako? Sumakit lang ulo ko.'

Bumangon ako at nilibot ang tingin sa kwarto, mukhang wala pa sila.

6:30pm na. 30 mins na lang mag-uumpisa na ang gig.

Lumabas ako at sumalubong sa akin ang makukulay na ilaw sa gitna nang bar.

Nagba-vibrate na naman ang phone ko. Binuksan ko ito at bumungad sa akin ang GC namin.

Mga abnormal talaga 'tong mga 'to.

"Mas nauna pa nga ako sa inyo. Wala pang 4 ng hapon, nandito na ako. Ako pa mahuhuli."

Nakita ko si Duke na nasa counter at kausap si Aries. Hindi siguro alam ng isang 'to, nandito na ako.

Lumapit na ako kay Duke at kinalabit ito.

"Aga mo, Ken?!" Wow! Gulat na gulat.

"Kanina pa ako rito. Mas nauna ako sayo." Bagot kong sabi sa kanya habang nakatingin sa phone, mga 'di nagmamadali.

"First time mong nauna, ha? Naunahan mo pa ako."

Hindi ba p'wedeng matuwa na lang siya? Nahahawa na rin si Duke sa dalawa, e.

"Walang prof kaya nauna ako, kaysa namang umuwi pa ako." Tumango naman ang huli.

May lumapit sa amin na waitress, "Maghanda na raw kayo sa gig niyo,"

Tumango kami ni Duke sa sinabi ng waitress. Tumingin ako sa wristwatch ko, 20 minutes na lang.

"Nandito na kami! Buti na lang umabot!" Seryoso sila? 20 minutes na lang at mag-uumpisa na ang gig.

"Buti umabot kayo, mainit ulo ni manager." Bulong na sabi ni Duke sa kanila.

Gulat iyong tatlo. Buti na lang talaga umabot kayo, kung hindi sermon kayo mamaya.

"Buti na lang tinakbo na natin, Wil! Ayokong mahuling umuwi mamaya." Nanginginig na sabi ni Phil.

"Bakit ang aga mo?" Ito na naman tayo. Paulit-ulit na lang dapat ang tanong?

Hindi ba p'wedeng maging masaya sila at nauna ako kaysa ma-late.

"Walang prof." Simpleng sagot ko sa kanila.

Kinalabit ako ni Aries kaya dumako ang tingin ko sa kanya.

Kinunot ko ang aking noo ng tumingin sa kanya.

"Si manager, tawag yata kayo." Sabay turo sa office ni Manager.

Tawag nga kami. Pinapalapit niya kami sa kanya.

Sabay-sabay kaming lumapit kay manager, kailangan sumunod agad bago bumuga ng apoy, mahirap na.

Nakapaikot kami sa kanya at nakatingin ng diretso kay manager.

"Ken," baling nito sa akin, "Ikaw ang unang magpeperform, gusto nilang bungad ay Hindi tayo pwede by The Juan." Wow! Pang-Broken.

"Bagay sa kanya ngayon niyan, manager." Sabay tawa ni Phil.

Siraulo. Mamaya ka sa akin. Tawa ka pa, ha.

"Ayos ba sa'yo, yun, Ken?" May magagawa pa ba ako? Manager na namin nagsabi. Tumango na lang ako.

8pm. Sumilip ako sa labas at ang dami na ng tao. Lahat mga naghihitay sa mga kakantahin namin.

"Ready na ba kayo?" Masigla at malakas na sabi Manager.

Lahat kami mga tumango at tumayo para pumunta sa stage.

Nasa unahan na kami at nakaupo sa isa sa mga upuan dito. Naka-reserved na ito para sa amin.

"Goodluck, Keeeen!"

Mga siraulo.

Humakbang na ako at nasa harap na ako ng maraming kabataan, kaedad namin at matatanda na nagkakasiyahan ngayon.

"Mic test. Uno... Dos... Tres... Handa na ba kayo!!" Isang malakas na sabi ko sa kanila.

Ito ang passion ko. Ang pagkanta.

Lahat sila mga sumigaw at nagsitalunan.

Handa na nga sila.

Nag-umpisa ang tugtog. Bagay nga sa akin ang kantang ito.

Nag-umpisa na ako, lahat sila tumahimik at mukhang dinadama na rin ang kanta. Mapanakit naman kasi.

Nang dumating sa chorus, lahat sila'y sumabay sa pagkanta.

Hindi tayo pwede
Pinagtagpo pero 'di tinadhana
Hindi na posible
Ang mga puso'y huwag nating pahirapan
Suko na sa laban
Hindi tayo pwede

Sobrang sakit ng kantang ito. Tagos para sa mga taong nagmahal, nagmamahal at patuloy na nagmamahal pero 'di nasusuklian.

May tao namang nandiyan na pero 'di natin napapansin, taong dinadaanan lamang natin at taong kaibigan lang ang turi sa atin.

Kay bigat na ng damdamin
Bakit 'di pa natin aminin?
Dahil sa una pa lamang
Alam nating wala tayong laban

Sabi ko na nga ba
Dapat no'ng una pa lamang
'Di na umasa
'Di naniwala

'Di naman ako umasa, e, dahil una palang kaibigan lang tayong dalawa.

Friendzoned. Shit.

Hindi tayo pwede
Pinagtagpo pero 'di tinadhana
Hindi na posible
Ang mga puso'y huwag nating pahirapan
Suko na sa laban
Hindi tayo pwede

Natapos ako sa pagkanta, at tinignan silang nanonood sa akin. May ibang umiiyak at ang iba ay nakatulala sa isang sulok.

Tusok kung tusok ang kanta sa mga dibdib namin.

"Damang-dama, Ken?" Natatawang tanong ni Phillip.

Siraulo. Parang siya 'di naka-relate sa kanta.

"Manahimik na, guys!" Saway sa amin ni Wil.

"Ikaw na, Cullen, humanda ka na." Tumango lang ang isa.

Cool lang. Coolang sa pansin. Hahaha

Natapos ang gig namin na matiwasay at maayos. Lahat ay nagsaya at nalasing. Tsk.

"Ken, una na kami sayo, ha!?"

"Sige, gusto ko pa kasi mabuhay." Sigaw ko pabalik kay Cullen.

"Bwisit!" G47it na g47it uxtong manakit.

Tumakbo na uli ang jeep na sinasakyan namin. Si Duke na lang ang kasama ko. Same apartment kami. Ka-roommate ko pa. Sawang-sawa na ako sa mukha ng isang 'to.

Nang makarating sa apartment, humilata agad ako sa kama. Nakakapagod na araw pero sulit.

𝚄𝚗𝚋𝚛𝚎𝚊𝚔𝚊𝚋𝚕𝚎 || 𝚂𝙱𝟷𝟿 𝙺𝚎𝚗 [FIN] ✓Where stories live. Discover now