47

250 8 13
                                    

Angie's Point Of View

Nakita ko iyong post ng Xavierian Updates pero wapakels ako roon. Alam ko naman ang totoo at ng mga kaibigan ko.

Alam naman naming sino ang source na tinutukoy roon, si Ginger. Wala talaga magawa ang mga iyon, pare-parehas sila ng mga kaibigan niya. Sina Ari and Arisse.

Umupo ako at kinuha ang aking jug para uminom ng kalabitin ako ni Farrah.

Napalingon ako sa kanya, "bakit?"

"Nabasa mo na?" Sabay pakita niya iyong post ng Xavierian Updates.

Tumango ako rito, "kanina pa Farrah. Pabayaan mo niyan, malamang si Ginger ang nagpapost niyan." Sabi ko na lang sa kanya.

"Hindi talaga nagsasawa niyang mga 'yan sa grupo natin. Una iyong Arisse, then si Ari and itong si Ginger. Walang kasawaan." Nababagot na sabi ni Farrah habang umiiling.

"Gusto nilang maghabol sa mga lalaking 'di naman sila gusto." Sabi ko na lang.

"Goodluck, Angie. Sila Nicca bababa maya-maya para manood ng laban mo. Si Mia nasa swimming, laban ni Night." 

Dumating ang oras ng laban ko, taga-business administration ang aking kalaban. Magaling daw 'to sabi ni Mia.

Sumigaw ang mga schoolmates ko. Handa na ako.

Nag-iinit na ang aking kamay at patuloy na humihiyaw ang mga ka-schoolmates ko.

"Go Angie!!"

"Go Master! Kaya mo iyan!!"

Napapailing na lang ako sa ginagawa nila.

Natapos ang laban sa set 3, hindi ko na pinatagal. 

"Ang galing ng hampas mo, Gie!" Saad ni Kian sabay tapik sa braso ko.

"Gusto mo i-try kung malakas ba iyong  hampas ko?" Sabi ko rito pero umiling lang siya.

"Sina Jasper and Cedrick ang laging umaaway sayo."

"Tangina mo, nandamay ka pa!" Sabay batok ni Jasper.

"Kanina pa may kinikilig dito," asar na sabi ni Phillip at tinulak si Ken papalapit sa akin.

"Sigaw kung sigaw niyan kanina." Tumatawang sambit ni Lemon.

Lahat pala talaga sila bumaba pwera sina Night and Mia, alam kong may laban si Night magkasabay ang laban namin.

Kumain muna kaming lahat sa isa sa mga fastfood na malapit sa campus.

"Congratulations! Pareho pa kayong panalo ni Night! Champion na ba?" Sabi ni Rico. Bias talaga ang isang 'to.

"Ako na champion na talaga. Walang silbi mga kalaban. Hinihintay ko na lang awarding." Yabang ni Night. Pero, infairness may ipagyayabang naman kasi.

"Sayo rin ba iyong butterfly and backstroke?" Pagtatanong ni Zidane. Proud namang tumango ang isa.

"Iyong isa lang hindi, pinabayaan ko na." Mayabang na sabi nito.

Kaya pinagbabatukan siya ng mga lalaki. Mukhang 'di naman siya nasasaktan, tumatawa pa nga si Night.

"Tama na, guys! Nasasaktan na si Night!" Pigil ni Mia sa kanila.

Bumulong sa akin si Ken, "ang saya ng barkada niyo." Sabay ngiti niya sa mga ito.

---

"Ready ka na ba?" Pang-aasar ko sa kanya.

Tumango naman siya sa akin, halata siya mukha niya na kinakabahan siya. Hahahaha.

Pumasok kami sa gate, sumalubong sa akin si Bruno - ang labrador naming aso.

"Woooh! Angie!" Sabay tago niya sa likod ko.

"Wait! Hindi ka niya kakagatin. Tignan mo nga nakaupo lang at nakatingin si Bruno sayo," sabi ko sa kanya habang tinuturo si Bruno.

"Gusto ka ni Bruno, kumakawag buntot niya. I-tap mo iyong ulo niya." Sinunod naman niya ang sinabi ko.

"Oh, diba? Mabait. Tara na pasok na tayo!" Sumunod siya sa akin habang nakatingin pa rin sa kanya si Bruno.

"Mommy! Nandito na kami, kasama ko si Ken!" Lumabas si mommy galing kusina, naka-apron pa siya.

"Oh, Ken! May sasabihin ka raw sa akin, Angie?"

Tumango siya kay mommy at lumapit dito para magmanong, "Opo, tita pero mamaya na lang po mukhang busy pa po kayo."

"Nagluluto kasi ako for our dinner, dito ka na kumain, ha! Sinabihan ko na rin sila Tina na nandito ka sa amin. Bakit ka pa kasi nag-apartment pwede namang dumito ka sa amin." Sunod-sunod na sabi ni mommy.

"My, akyat na muna ako. Magbibihis." Tumango lang siya sa akin at winestra ang kanyang kamay paalis sa akin.

Bago pa ako makaakyat narinig ko pa silang nag-uusap. Si mommy talaga chismosa minsan.

Nagpalit lang ako ng pambahay at bumaba na agad baka ginigisa na ni mommy si Ken.

Nasa ikatlong palapag palang ako ng makita sila mommy na nagkukwentuhan sa sofa at wala na siyang apron.

"Si Angie nakababa ka na pala, sinabi na sa akin ni Ken lahat-lahat. Ikaw talaga, bakit ayaw mong sabihin sa akin, ha? Pabor na pabor nga ako sa panliligaw ni Ken sayo! Ikaw na bata ka!" Sabay kurot niya sa tagiliran ko nang makababa ako.

"Aray, 'my!" Awat ko sa kanya.

"Sinabi mo na?" Baling ko sa kanya.

"Oo, na-corner na ako ni tita," sabay kamot niya.

"Talagang dapat sa amin ka mag-dinner. Naku! Matutuwa ang tito mo, Ken, gustong-gusto ka rin niya para kay Angie." Hala! Si mommy kinikilig? Teen-ager ka mom?

Tumayo si mommy, "ibabalita ko kay Tina ang tungkol dito. Naku, isa rin niyon, matutuwa iyon panigurado!" Pumalakpak pa siya.

Nanay ko ba talaga 'to?

Nang mawala siya sa paningin namin ni Ken, hinarap ko siya sa akin.

"Sabi ko sayo sabay natin sabihin!"

Kumibit siya sa akin, "na-corner nga ako ni tita, master. Kaya nasabi ko na. Sorry na agad." Urgh! Nagpapaawa pa agad.

"Alam mo namang si mommy, madaldal iyon sasabihin niya agad."

"Alam ko na kung sa'n ka nagmana..."

"Anong sabi mo? Bumubulong bulong ka pa diyan. Rinig ko naman!" Yinakap niya ako.

"Sorry na," nagpapaamo na siya.

"Nakuuuu! Magkakaroon na agad kami ng apo!"

Napatayo kami sa sigaw at nakita namin si mommy na nagtitipa sa kanyang phone

"Tita/'My?"

𝚄𝚗𝚋𝚛𝚎𝚊𝚔𝚊𝚋𝚕𝚎 || 𝚂𝙱𝟷𝟿 𝙺𝚎𝚗 [FIN] ✓Where stories live. Discover now