Chapter 14: It Hurts

Start from the beginning
                                    

Magtatanghali na ng pumasok ako sa loob ng mansyon. Napatigil ako sa tapat ng pintuan ng mapansin na may kausap si Jens sa sala. Halos manghina ako ng makita kung sino ang kasama niya. 

Louwiee is indeed in front of Jens. Nakakunot ang kanyang noo habang nakikipag-usap. Jensein on the other hand was talking with a smile on her face. They seemed to be having a friendly banter.

"Oh hi, Arianne." 

Napapitlag ako ng marinig ang pangalan ko mula kay Jens. Hindi ako nakapagsalita. I stared at Louwiee. Both of them stared at me. And in that moment I realize how good they look together. Napakaganda nilang tingnan nang magkasama. 

My chest constricted. Hindi ko alam kung napansin ba ito ni Louwiee. Napansin kong natigilan siya nang huminga ako ng malalim upang pakalmahin ang masamang pakiramdam ko. Pilit akong ngumiti kay Jens bago nagpaalam na kailangan kong pumunta sa kusina. 

Napasandal ako sa pader ng kusina. Ito naman ang gusto mo, Iresh. Diba ginusto mo naman na magkaayos sila? Ayan na, ayos na sila at nagkabalikan na. So why you fucking feel this fucking shit of feelings?

Mahigpit kong hinawakan ang dibdib ko. Mabilis ang pintig nito. Huminga ako ng malalim. Please, calm down. Tumingala ako at sandaling pumikit para kumalma. Muli kong naalala ang mukha ni Louwiee na nakatitig sa akin. For a moment he almost looked worried. 

Dumating sila Angela kasama sina Jonard at Vixter na ipinagpasalamat ko. Tumungo ako sa kwarto ni Marv kasama si Angela. Umalis nga pala kanina si Marv dahil pupunta ito ulit sa boutique.

"Tell me what happened," Angela asked, worried. 

Umupo ako sa malambot na kama at saka ako humarap sa kaniya, "I guess you're right, Gela." I answered. Umupo rin siya sa kama at tumapat sa akin.

"Right what?" Naguguluhan nitong tanong.

"What you said about what if I'll regret my descision soon is right."

Angela tapped my back. Nagpakawala siya ng buntong hininga. "Don't mind that, Arianne. You did those things because you think what you did is right." 

"Sometimes kailangan nating masaktan para sa ikabubuti ng lahat." Saad niya. Maybe, hurting myself is one of the best thing I can do for the sake of everyone. 

KINABUKASAN ay hindi nagbago ang pakiramdam ko. Habang tinutulungan ko si Angela na magligpit ng mga pinagkainan noong lunch ay hindi ko sinasadyang mabitawan ang ilang plato sa sahig. Nabigla ako. Ito ang unang beses na nakabasag ako sa mansyon.

Hindi ako nakagalaw. I was dumbfounded with my own body's reaction. Lumingon si Marvie na paalis na ng kusina noong mga oras na iyon. Nagtataka na pinagmasdan niya ako.

"Are you okay, bess?" 

Hindi ako nakasagot. Nang makabawi ako sa gulat ay humarap ako sa kaniya at nag-sorry.

"It's okay ano ka ba, papalinis ko nalang iyan sa iba baka mabubog ka." 

Umupo ako para linisin ang mga nabasag na parte na nagkalat sa sahig. Akmang pupulutin ko ang mga ito nang marinig ko ang kaniyang boses dahilan upang tumigil ako.

"Leave it be," lumingon ako at nakita si Louwiee sa pintuan ng dining area. Tinitigan niya ako. Nanginginig ang mga kamay ko sa mga oras na 'yon. Umiwas ako ng tingin. Lumapit si Vixter at sinabi na siya na ang maglilinis nito. Wala akong magawa kundi ang tumayo.

"Please take a rest, Arianne." Sinabi ni Marvie. Halata sa mukha nito na nag-aalala siya sa akin.

Pagtingin ko muli sa pintuan ay nakaalis na si Louwiee. Pilit kong tinago ang nanginginig kong mga kamay. Tumango ako at nag-paalam na aakyat sa kwarto ni Marv. Pero bago tuluyang makaalis, napansin ko ang kakaibang tingin ni Marvie sa akin.

Our Messy Hearts ✔Where stories live. Discover now