Chapter Twenty-three: Clark games

Start from the beginning
                                        

"Oh my god! Parang camp challenge! ONLY WORSE!" sigaw ni Jen na nasa orange team kasama si JJ.

"Dalian mo kundi mahuhuli ka!" sigaw ni JJ, nauuna siya, lumingon siya kay Jen para tingnan kung okay lang ba siya. Pero nabigla siya nung biglang niyakap ni Ian si Jen out of nowhere at kinuha ang flag niya. "Jen!" sigaw niya

"TAKBO!" sigaw ni Jen, hinawakan niya si Ian para hindi niya mahabol si JJ.

"Okay lang Jen! Basta yakap yakap mo ako! Yiiie kinikilig ako sa 'yo :3" sabi ni Ian. Jen just rolled her eyes.

 "Yak Ian. Ginagawa ko lang 'to para kay JJ." sagot ni Jen. Ngumiti si Ian at niyakap niya si Jen ng mas mahigpit.

"Ako rin naman eh, para kay JJ. Kasi mabait ako at ibibigay ko na lang kay JJ ang panalo."

"Bitawan mo ako."

" 'Yoko nga, mamatay ka sa yakap ko."

"Tumigil ka diyan kundi hahalikan kita ulit!"

"O tapos? Problema ba yun?" biglang dumating si Andrew, hindi man lang nila napansin na ang lapit lang niya. Kinuha niya ang green flag ni Ian.

"Laro muna bago lande!" sabi niya sa dalawa saka tumakbo papalayo.

0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0

Tumakbo ng tumakbo si JJ, halos wala na ngang pakealam sa mundo, pati daan niya hindi tinitingnan kaya

*BOOGSH*

"Aray" napahiga ang dalawa sa sobrang lakas ng impact sa isa't isa. Hindi nagtagal nakaupo na sila.

"Hi..." bati ni Maddi, ngumiti lang si JJ sa kanya. Napansin niya na orange rin pala ang flag ni Maddi. Napansin rin niya na marami nang nakakita sa kanya kaya hinawakan niya ang kamay ni Maddi at tumakbo sila.

"Hey!" lumingon silang dalawa at nakita nila si Marco. Mas lalo silang bumilis dahil sa blue flag ni Marco.

"Shiiiiiiiiiiiiiiiit!" napatili si JJ. Hinila niya si Maddi, sa sobrang lakas ng hila niya halos madapa na silang dalawa. "Maddi....Mad-Maddi!"

"What?!" sagot ni Maddi, a little bit annoyed and at the same time a little bit amused.

"Maghiwalay tayo...okay? Bibitawan na kita, dun ka sa kabila tumakbo ha? 1....."

"....2....."

"3!" binitawan na niya si Maddi and they both ran in opposite directions.

0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0

Hinahabol ni Marco ang dalawa pero masyado silang mabilis. Napansin rin niya na nag-uusap sila sa isa't isa.

Nakuha pa nilang makipagchikkahan ha... Oh shit! What if they're talking about me?! Motherf-

Naputol ang pag-iisip niya nang makita niyang naghiwalay ang dalawa. Si JJ tumakbo sa kaliwa habang patungo naman sa kabilang direksyon si Maddi.

"Damn it! Where the fuck am I suppose to go now?!" tanong ni Marco sa sarili. Una tumingin siya sa kanan, sunod naman sa kaliwa. Maddi....JJ....Maddi.....JJ....Maddi....J---Graham?

Out of nowhere tumakbo si Graham papunta sa direksyon kung asan tumakbo si JJ. 

"Okay lang Marco! I got her (JJ)!" sigaw ni Graham habang tumatakbo.

From Clueless to ComplicatedWhere stories live. Discover now