Chapter Nineteen [part two]: HUWHAAAAAAAAAAT?!

314 8 5
                                        

 0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0

Monday na ulit at pinatawag ang lahat ng freshmen sa gym.

“Ba’t kaya tayo pinatawag??” tanong ni Mel kay JJ

“Malay ko ba. Hindi naman si Ma’am Pineda ang nagpatawag sa atin. Si Lindsey.” Sagot ni JJ

“Bwisit. Ano nanaman ba ‘to?? (-_-)“ Bulong ni Jen sa mga katabi “Sandali…. Asan na si Ella. Tsaka yung kambal??”

“Late siguro sina KK. Pero hindi ko alam kung nasaan si Ella.” Sagot ni Mel

“Saan na ba ang mga jowa ninyo??” tanong ni JJ

“Grabe. Jowa talaga?? Asan yung sa ‘yo??” tanong ni Jen

“Wala kaya akong boyfr—ay tama pala (-_-*) Nakalimutan ko, meron pala hehe.” Sabi ni JJ. ULOL!

Eh papano ko naman mareremember kung walang memory na maremember of me having a boyfriend.... -_- Ang maalala ko lang "Hey Jay let's be a fake couple! :D blah blah blah.." screw you Marco!

“Topakin… kulang ka sa tulog.” Sabi ni Mel

 0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0

Heto na si Ella…

Mag-isang naglalakad sa loob ng campus. Mag-isa sana pero…

“Hi Ella. Mag-isa ka lang??” biglang tumabi  si Vince. Sinabayan niya si Ella sa paglalakad. Grabe Vincent, ang FC mo na! Tumawag na kayo ng bantay lande total may nadonate na ang Clark eh…

“Oo, kakapasok ko lang.” sagot ni Ella “Hinahanap ko nga mga kaibigan ko. Nakita mo ba sila??”

“Hindi. Si….Frankie, hinahanap mo ba?” tanong ni Vince

“Siyempre, bakit? Nakita mo ba yun??” tanong ni Ella. Iniling ni Vince ang ulo niya

“Hindi rin eh… Pero sasamahan na lang kita. Tutal mag-isa lang rin naman ako.” Sabi ni Vince. Tumango si Ella habang ngumingiti

“Sige.”

"So I heard na may malaking announcement si President Fukushiwa, What do you think it is?" tanong ni Vince

"Hindi ko alam." sagot ni Ella. Vince naman, talagang hindi niya alam. Kakarating lang diba?!  "Ikaw? Alam mo ba?"

"Kaya nga nagtatanong ako sa 'yo diba? Haha" 

"Ay.. oo nga pala... So, pumunta ka ba sa Cosmo's kagabi??" tanong ni Ella

"Ay hindi. Hindi na ako sumama, it was a family thing for them so... " sagot ni Vince, tumango lang si Ella "So I heard na nagdinner kayo ni Frankie kasama ang family niya. Kumusta?"

"Okay lang. Natutuwa nga ako sa pamilya niya eh. Mga mababait sila, sarap nga'ng ulitin eh." sagot ni Ella, ang laki ng ngiti niya. Kitang-kita na masaya siya. Pero si Vince? Kumukulo na ang dugo, hindi nga lang halata

 "Aaaah ganun ba?" 

"Elle! Ella!" may narinig silang tumatawag kay Ella kaya't paglingon nila sa likod nakita nila si Frankie "Elle." lumapit na si Frankie sa kanila "So sorry, medyo late lang ako konti."

From Clueless to ComplicatedTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang