Chapter Twenty-Two: Allen's Back

214 4 4
                                        

"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaah! JJ!" sigaw ni Jen. Biglang dumilat ang mga mata ng roommate niya at sa sobrang gulat (kung possible man yan) nahulog siya.

"Jenna! Ano ba?!" sigaw ni JJ, nakahiga pa rin siya sa sahig at sa sobrang pagod galing sa party hindi na siya bumangon pa, kahit na inis na inis na siya kay Jen.

"Jaaaaaay! Masakit ang ulo ko! Masakit ang katawan ko! At ang sakit ng lips ko! Parang sinapak JJ!" angal pa ni Jen, napataas ang isang kilay ni JJ.

"Naiintindihan ko kung bakit ang masakit ang ulo at katawan mo lasing kakagabi eh pero ang mga la--"

"HUWHAT?! LASING?1 IMPOSIBLE PARE! HINDI AKO GANUN!" sigaw ni Jen in her defense.

"Ahahahahahahaha! Hindi raw ganun! Ahahahahahahahaha!" sa sobrang kakatawa ni JJ wala nang lumalabas na boses sa kanyang bibig at pumapalakpak siya na parang sea lion. Tiningnan ni Jen si JJ ng masama, no hope, hindi pa rin siya tumitigil kaya tumayo na lang siya at dumeretso sa banyo. Padabog niyang sinara ang pinto at dun pa tumigil si JJ. "Ay... nagalit ang lasing?"

 May biglang kumatok sa pintuan nila kaya pinuntahan kaagad ni JJ, baka kasi si Lindsey nanaman  yan.

Bwisit!

Agad niyang binukas ang pinto, ning hindi lang man niyang chineck kung sino ang nasa kabila. Ayan tuloy--

"CUPCAKE!" sigaw ni Marco, nanlaki ang mga mata ni JJ. Hahalikan sana siya pero tinulak niya ang mukha nito papalayo.

"Eh... no."

"Why not? It's not like I've kissed you before..." sabi ni Marco. Nagulat naman si JJ.

"Ay hindi pa pala? So... anong nangyari kagabi..." bulong niya sa sarili.

"What?"

"Huh? Wala wala... ang lawak lang naman ng imagination ko... yuck, pati yun naisip ko kagabi... yiiieee." sabi pa ni JJ sabay nginig, tinaasan siya ng isang kilay ni Marco. "Oh ano?"

Biglang ngumiti si Marco sa kanya... yung pinamanyak... yung ngiting may binabalak... in short, yung ngiti ng mga walang hiyang matchmakers. "Nothing... wait a min--- you think I kissed you last night, didn't you?"

"Hindi a... ehem..."

"Errrrkaaaay.... you have such an imagination. It's cute...really Jay, it's charming, that big crush you have on me is starting to sink in huh?"

"GAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHH!!" sumigaw si Jen sa loob ng bathroom.

"What the?! Jenna! What the fuck are you doing in there?!" sigaw ni Marco sa direksyon ng bathroom door. 

*BOOGSH* biglang bumukas ang pinto ng banyo, lumabas si Jen na nagmumukhang drug addict.

"You look like shit sweetheart, were you doing drugs in there?" tanong ni Marco.

"Jen, ilang beses ko bang kailangan ipaalala sa 'yo na dapat magsuklay ka.... mahirap ba yan gawin??" sabi pa ni JJ.

"Uhhh... JJ, nandito ba si Ian kagabi? As in sa kama ko?" tanong ni Jen.

"Bakit??" nagtatakang tanong ni JJ, si Marco halos walang pakialam... parang may sariling mundo lang.

"Sagutin mo tanong ko!" sigaw ni Jen, nabigla ang dalawa.

From Clueless to ComplicatedWhere stories live. Discover now