Chapter Three: Problema Problema Problema...

374 9 6
                                        

0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0

Monday July 2.

Nagtatrabaho ngayon sina Ella at Frankie. Anong trabaho nila you ask?? Gaya ng sinabi ng principal nila "Make your passion your profession." Kaya ngayon nagtatrabaho sila sa Clark Square [parang isang maliit na open plaza for Clark U students and other guests]. Sila ang in charge sa entertainment, kaya paminsan sumasali sila sa mga live bands o sila ang gumagawa ng playlists para sa background music. Mga after school nila 'to ginagawa.

"Frankie, gumawa na tayo ng playlist." Tinawag ni Ella si Frankie, busy kasi siya sa stage, nagseset-up ng amps at inaayos ang mga instruments. Bumaba na siya sa stage at tinabihan niya si Ella.

"Elle, hindi na kailangan diba sabi ko darating si Marco at ang banda?"

 

"Para bukas." sagot ni Ella.

"Ay oo nga, wala na bang magooffer na maglilive performance bukas??"

 

"Wala namang lumalapit sa 'kin, ee ikaw? May lumalapit ba sa 'yo??"

 

"Wala ee, o sige gagawa tayo ng playlist.... she will be loved Maroon 5." sabi ni Frankie

"Ano pa."

 

"Lucky by Jason Mraz and Colbie Caillat" May boses na sumasalita sa likod nila. Tumalikod sila para tingnan kung sino yun.

"Marco." sabi ni Frankie "Nandito ka na pala."

"Obviously Frankster. Hi Ella."

 

"Hi Marco!" Sagot ni Ella tapos out of nowhere tumakbo si JJ. 

"Uy! Uhhh... Say You Like Me by We the kings." sabi ni JJ. " phew...kapagod tumakbo. Ba't mo kasi ako iniwan?!" Sigaw niya kay Marco.

"Oops." sabi ni Marco. "Stop complaining ang help meh." Umakyat silang dalawa sa stage at tinatapos nila ang trabaho ni Frankie.

"Sandali. Ba't sila magkasama?" tanong ni Ella.

"Malay ko ba... Gitara by parokya ni Edgar." Napalingon si Ella kay Frankie. Ngumiti lang si Frankie sa kanya.

*Boogsh* *Clunk*

Sabay silang tumingin sa stage, may nagawa si JJ at Marco sa mga drums.

"Haha ahhh Frankie?...baka naman kailangan nila ng tulong..." sabi ni Ella.

From Clueless to ComplicatedWhere stories live. Discover now