Dami pang gustong sabihin
Ngunit 'wag nalang muna
Hintayin nalang ang hangin
Tangayin ang salita
I'm driving along EDSA with the band, papunta kasi kami sa gig namin bukas sa Baguio. We decided to go to Baguio ngayong gabi dahil less traffic at para makapahinga na rin dahil 8am ang calltime sa venue. I was about to enter NLEX nang magsalita si Agnes sa tabi ko
"Hey, antok ka na? Palitan na kita."
"Uhm hindi na, maya nalang tayo magpalit kapag nag-stopover tayo sa Binalonan."
"Ok sige."
"Pahinga ka na lang rin muna, para may lakas ka mamaya magmaneho."
"Uhm, okay. Just wake me up kapag pagod ka na ha."
"Copy."
Nasa harapan nakaupo si Agnes dahil bukod sa siya ang tourguide namin ay siya lang rin ang marunong magmaneho, kaya kami ang magkakapalitan mamaya. She's been my crush simula pa noong nabuo ang banda around 3 years ago. Ewan ko ba, hindi naman siya stand out like the other girls out there pero parang may kakaiba sa kanya na nagpapakalma sa akin kapag nase-stress ako. She has that energy onstage na mararamdaman mo kahit nasa kabilang parte ka pa ng stage.
I took a glimpse of her at napansin kong nakatulog na pala siya. Medyo naka-incline naman ang upuan niya pero parang nilalamig siya kaya kinuha ko yung scarf sa leeg ko para ikumot sa kanya. Gamit ang kanang kamay ko ay ikinumot ko unti unti yung scarf.
**After 12345 hours**
Nakarating na rin kami sa hotel na tutuluyan namin at pagkatapos kausapin ng manager ang receptionist at ibinigay na ang room assignments. Magkakasama ang boys sa isang connecting room while kaming girls ay sa isang connecting room din.
"Pat! Tabi tayo dun sa isang room!" -A
"Sure, sige dun nalang tayo hehe." -P
After we got settled sa rooms namin, etong si Agnes, yung ref kaagad ang binuksan. PG talaga. Ako naman ay nag ayos na ng gamit at magna-night rituals na. Paglabas ko ng CR, nadatnan ko siyang nakahiga na at nagcecellphone.
"A, tapos ka na maghilamos?"
"Oo, dun ako kila Jam naghilamos, tagal mo lumabas eh."
"Saglit lang kaya ako. Grabe ka rin sakin"
"Tara let's sleep na, dito nalang tayo sa malaking kama magsleep tapos yung gamit natin sa kabilang bed."
"Sure."
After settling down, nahiga na kami at pumikit na ako. Actually sanay naman kaming magkasama sa iisang kama kasi lagi siyang nakikitulog sa condo ko. Pero ewan ko ba, bakit parang ilang na ilang ako ngayon sa hindi ko malamang kadahilanan. Ang matindi pa nito, pagkahiga ko ay kinuha niya ang braso ko para gawing unan. Medyo nanigas pa ang buong katawan ko pero narelax din pagkatapos ng ilang segundo. Nakatalikod siya sa akin at ako naman ay nakatihaya, habang nakabaling ang ulo ko sa kanya. Dahil sa ginawa niya, ang kaninang antok na nararamdaman ko ay napalitan ng kaba na may slight kilig hehe.
Pagkalipas ng tatlumpung minuto ay pinatay ko na ang lampshade sa tabi ko, at pumikit na rin. I was about to slip into dreamland when Agnes moved. Napamulat ako nang wala sa oras dahil humarap siya sa akin at yumakap. MAAAAAAA HINDI KO LANG KATABI YUNG CRUSH KOOOO!!! NIYAKAP NYA PA AKOOOOO. Hindi ko macontain ang kilig dahil sa sobrang lapit niya sa akin. Wala na, nainlove na ako nang tuluyan.
*kinabukasan*
Dahil nga sa naganap kagabi, sobrang babaw lang ng tulog ko. Slight movements lang ni Agnes, nagigising kaagad ang diwa ko. Kaya naman, puyat na puyat ako. Nang nagmulat ako ng mata, bumungad sa akin ang natutulog na si Agnes. Tinitigan ko lang siya na para bang itinatatak ko sa memorya ko ang bawat hubog ng kanyang mukha. Sa sobrang occupied ko sa pagtitig sa kanya, nagising na pala siya at nakatitig sa akin.
'Wag mo akong sisihin,
Mahirap ang tumaya
Dagat ay sisisirin,
Kahit walang mapala...
Pag nilahad ang damdamin,
Sana'y di magbago ang pagtingin
Aminin ang mga lihim
Sana'y di magbago ang pagtingin
JE LEEST
ONE SHOTS!
Algemene fictieFor more surreal reading, please listen to the songs corresponding sa title ng mga Short Stories natin. Enjoy reading! Paalala po, lahat ng nakasaad sa istoryang ito'y pawang bunga lamang ng aking malikot na imahinasyon.
