Nagawa nyang tawagan si Eid pero ang sagutin ang ilang beses kong pagtawag sa kanya, hindi nya nagawa?

“Bugoy...”           Eid.

****other line speaking

 “Oo andito pa sya.”       

****other line speaking

“Isasabay ko na sya? Bakit?”

****other line speaking

“Si Tanya?”         Bahagyang sumulyap sa akin si Eid, yung mga mata nya parang uneasy. At bakit nabanggit si Anja sa usapan? Magkasama ba sila?

****other line speaking

“Oh sige, ako na ang bahala. Bye.”

End of Call.

Nagkatinginan muna sila ni Reesh bago nya ako kausapin.

“Ah. Tinkerbell isabay ka na daw namin. Nagkaron daw kasi ng emergency eh.....”

“Kina Anja?”                       putol ko sa iba pa nyang sasabihin.

He nodded to me, so it’s a yes. Gusto ko pa sanang itanong kay Eid kung anong klaseng emergency at bakit kailangan pa ni Anja si Yam sa tabi nya, pero minabuti ko na lang na panatilihing tikom ang bibig ko.

Tahimik akong sumakay sa kotse ni Lei (Eid), habang pinapaulit ulit kong kinukumbinsi ang sarili ko na wala akong dapat ipagalala, wala akong dapat ikatakot, wala akong dapat ikaselos, dahil ako na ang girl friend ni Yam, ako na ang mahal nya, ako na ang mayari ng puso nya. Tiwala lang Tin, magtiwala ka lang sa pangako nya.

ZACHARY’S POV

Whew! Sa wakas, nakarating na din ako sa practice room. Halos isang oras na akong late. Patay na naman ako sa manager namin, sermon na naman ang aabutin ko nito.

Eh kasi naman si Tanya, hindi ko maiwan. Naabutan ko syang iyak nang iyak sa labas ng gate ng bahay nila. Nagkita daw silang muli ng daddy nya, at hindi maganda ang nangyari. Nag-away daw sila dahil hanggang ngayon hindi pa din sya maipakilala nito bilang anak. Humingi na lamang daw sya ng isang pabor mula dito pero hindi din daw sya nito mapagbigyan. Lumong lumo sya nang makita ko.

“5-6.... 5-6.... 5-6-7-8!”

Dinig na dinig ko dito sa labas ng practice room ang boses ng choreographer ng grupo namin. Pumasok na ako kaagad. Lumingon naman sllang lahat sa akin.

My Mystery GirlWhere stories live. Discover now