Chapter 75

1.9K 28 0
                                    

KRISTEN’S POV

“Congratulations Kristen!”

“Congrats Tin.”

“Great performance Tin.”

“Proud kami sa’yo Tin.”

Sunud sunod na pagbati sa akin ng mga kapwa estudyanteng nakaksalubong ko sa corridors ng MVH building. Back to school na ako matapos ang final elimination ng KSS4 kagabi. Although hindi man ako pinalad makapasok sa top3 at makapunta sa Korea para sa grand finale, naging magandang experience sa akin ang pagsali ko sa kumpetisyon. I gained new friends, came across some old peers and patch things up with them at madami din akong natutunan mula sa mga mentors at judges tulad ng mga techniques sa pagkanta para hindi na mastrain ang boses ko everytime I’m hitting high notes. Sa pagsasayaw naman, I learned to enjoy it much more now.

May mga ilang nagtanong sa akin kung hindi daw ba ako ang nalulungkot na hindi ako nakapasok sa finals. Yung lungkot parang hindi ko naman naramdaman, panghihinayang oo. I’m one step closer in achieving my dreams, konting decimals na lang makakapasok na ako sa Top 3, pero ganun nga talaga ang buhay, if it’s not meant to be, it’ll never be. Siguro may inilaan si Papa God na mas magandang opportunity para sa akin. Baka hindi sa harap ng camera, hindi sa ibabaw ng entablado, hindi nangangailangan ng makapal na kolorete sa mukha at mamahaling mga damit at sapatos.

“Best!!!!!!”         punong puno ng excitement na pagtawag sa akin ni Reesh. Nakatayo sya sa labas ng classroom namin.

“Sobrang aga mo namang bisitahin si Lei (Eid).”                  biro ko sa kanya.

“Silly. Late ka lang talagang pumasok today.”       pakunwari pa nya akong inirapan. Maya maya’y lumabas na din si Eid sa pinto at umakbay sa kanya. Kasunod nya din sina Stan, Alex at Dave pero wala ang boyfriend ko.

“Ano girls? Let’s check out the results?”                                yaya ni Eid.

“What results?”                                tanong ko sa kanila.

“Ay mayabang...”             hirit ni Alex.

“Porke’t alam na...”        dagdag ni Dave.

“Oo nga, eh di ikaw na...”             Stan.

“Ha? Ano bang sinasabi nyo? Result ng ano?”

“The year end exam, remember?”          Lei (Eid).

Oo nga pala. We took the Year End exams din last week. I almost forgot about that.

“Ngayon malalaman kung gagraduate kasabay natin ang mga bugoy na ‘to.”        Reesh.

My Mystery GirlWhere stories live. Discover now