Chapter Twenty-One

Start from the beginning
                                    

"H-Huh? I m-made you happy?"

"Of course! Kapag umuuwi ako noon sa mansyon after a break-up, tinititigan lang kita nang natutulog ka noon and I find myself smiling. After a heartbreak, you, Saphi...a mere sight of you brings hope to me. Dahil sa'yo, laging may pag-asa sa'kin na makakakilala rin ako ng lalaking tanggap tayong dalawa. I mean, kung mahal niya ako, tanggap nila ako kasama ka. From all the relationships I've been with, ang unang concern ko ay kung seryoso na ang isang relasyon, dapat tanggap ka ng lalaking iyon."

Napakurap-kurap si Saphi. Napapasaya niya pala ang Mommy niya...

"You know why no relationship had worked out? Dahil nakikipag-break ako sa lalaki kapag hindi ka nila tanggap. Di bale nang mahal ko siya pero pakakawalan ko siya. I'll just cry for a while. Pero ayos nang umiyak ako over a heartbreak, kaysa naman manatili akong magmahal ng lalaking hindi ka tanggap na parte ng pagkatao ko. At the end of the day, I will always have you, Saphi." Napayuko na naman ito. Her shoulders were shaking. "I-I'm sorry that I made it look like you never have a value for me, anak. Please forgive me for making you feel that you never made me happy. But, i'm telling you that's not true. Nagkamali lang talaga sa pagpili ko ng priorities. I was busy finding a perfect father for you but I forgot being mother to you. Saphi, baby, please... I know it's already too late, but let Mommy make it up to you."

"Mom..." Nakusot ni Sapphire ang mga mata. Ayaw niya nang umiyak dahil nag-effort kanina si Johann na patawanin siya at pasiyahin pagkatapos ay iiyak na naman siya? Pero kasi...naiiyak siya dahil parang tumataba ang puso niya sa mga sinabi ng Mommy niya. Hindi niya inaasahan na malaman ang mga iyon. Dapat pala noon niya pa sinabi ang mga hinanakit rito para maaga nitong nalaman ang side niya.

But, maybe, the time now was just right.

"I love you, anak. I love you. Hindi mo lang alam kung ilang beses akong nag-regret that I was not able to come to the special days of your life dahil lang inuna ko ang sarili ko. Hindi ko alam kung paano pa'kong babawi pero--"

"Mommy, you don't have to. The fact that I know now na napapasaya pala kita...na napapansin mo pala ako dati...na you always consider me in every relationships that you had...oh, Mommy, it's all okay now."

Her mother loves her truly in her own way.

Niyakap ulit siya ng Mommy niya na parang yakap nito sa kanya noong mas bata pa siya. Sumubsob siya sa dibdib nito.

"I guess, the happily ever after that I wanted to have for a very long time was already with me," bulong ng ina. "It's you, anak. You're my happily ever after."

Mas humigpit ang yakap niya sa ina at hindi na mapuknat ang ngiti sa mga labi ni Sapphire.

Ugh! Too much love for that night!

Thank you, God! You did hear my silent cries before. I almost thought You don't love me until Johann.

>>>>><<<<

LUMABAS ng kuwarto si Sapphire pagkagising na pagkagising niya kinaumagahan. Pagkatapos nilang mag-usap ng ina ay pinili nitong mag-overnight doon. Na-excite si Sapphire na makatabi ang ina kaya pumayag siya. Magkatabi sila sa higaan sa kuwarto habang ang kanyang mister na si Johann ay sa sofa natulog.

Okay lang naman daw rito dahil alam nitong gustung gusto nilang mag-ina na mag-catch up agad sa isa't isa.

She yawned as she head towards the living room. Nakita niya si Johann na natutulog pa sa sofa at nakatakip ang isang braso nito sa mga mata nito. Lumuhod siya sa tabi ng sofa at kinintilan ng halik ang mga labi nito.

Naalimpungatan si Johann. Naalis nito ang braso na nakatakip sa mga mata at mapungay ang mga mata nang dumilat.

"Misis..." He murmured with a hint of smile in his lips. "Ikaw ba ang nagpatikim sa'kin ng true love's kiss?"

The Friendly Wedding (Season 1 & 2) - PublishedWhere stories live. Discover now