1st - Alone

23.2K 337 5
                                    

Pauwi na ako sa aming bahay mula sa trabaho. Halos mag-aalas syete na rin ng gabi ay dumaan muna ako sa tindahan ni Aling Puring sa kanto upang bumili ng pasalubong kay Mama.

"Aling Puring pagbilan nga po ng pancit." sabi ko habang ngumiti sakanya.

"Oh heto iha, dinagdagan ko na iyan para sa inyo ng Mama mo."

"Naku maraming salamat po! Matutuwa po si Mama. Hehe heto na po ang bayad." sabay abot ko sa pancit at nagpaalam na sa tindera upang makauwi na ako. Sigurado akong matutuwa si Mama dahil sosorpresahin ko siya sa birthday nya. May binili rin akong cake para pagsaluhan naming dalawa.

Habang papalapit na ako sa bahay ay napansin kong tila nakasarado ang pinto at madilim sa loob. Ang alam ko di naman umaalis ng ganitong oras si Mama dahil na rin sa sakit niya. Nakaramdam ako ng di maipaliwanag na kaba at nabitawan ko ang pansit at cake na hawak ko at tumakbo sa bahay.

"Ma! Mama nandito na po ako!!! Ma buksan niyo ang pinto!" sigaw ko, halow maiyak na ako sa kaba dahil walang sumasagot. Agad kong kinuha ang susi sa bulsa ko at binuksan ang pinto.

Tumambad sa akin ang nakalupasay kong ina na wala ng buhay.

Halos gumuho ang mundo ko ng lumapit at madama ko ang malamig nyang katawan.

"Mama!!! Diyosko tulungan nyo ako! Ang mama ko!!" ibinuhos ko ang iyak ko at pagdadalamhati sa nangyari. Kaarawan pa man din niya ngunit eto ang nadatnan ko. ANg walang buhay kong mama.

3 days later...

"Nakikiramay kami sayo Celine." sabi sa akin ni Aling Puring na di ko napansin na nasa tabi ko na pala. Tatlong araw na akong tulala at di umaalis sa tabi ng kabaong ni Mama.

Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala sa nangyari.

Wala na si Mama.

Wala na ang itinuring kong bestfriend at number one fan ko.

Wala na akong maiiyakan sa tuwing nalulungkot ako.

Wala na ang magtatanggol sa akin.

Wala na ang pinakamamahal kong babae sa mundo.

I'm alone.

Tatlong araw na di pa ako natutulog at kumakain. Tatlong araw na magang maga ang mga mata ko. Halos manhid na ang buo kong katawan dahil sa nangyari. Para na akong patay.

"Anak, kumain ka. Makakasama sa kalusugan mo iyang ginagawa mo. Kung nandito pa ang mama mo, sigurado akong malulungkot siya sa nangyayari sayo. Mugtong mugto at halos nangayayat ka na rin." pag-aalo sa akin ni ALing Puring na hindi umalis sa tabi ko. Kasama ko rin ang mga taong malalapit sa amin ni Mama at mga kapit-bahay.

"Bakit po ganon? Ang aga naman po ata?" at di ko na napigilan ang pag-agos ng mga luha ko. Kaming dalawa na nga lang ni Mama ang magkasama, iniwanan niya naman ako.

"Anak, may plano ang Diyos. May dahilan siya kung bakit nangyayari ang lahat ng ito." di ko na kaya at tila babagsak ako ano man oras kaya yumakap ako ng mahigpiit sa pangalawang itinuturing kong ina.

"Celine." isang maawtoridad na boses ang tumawag sa akin. Di ako maaaring magkamali sa boses na iyon. Agad akong umaklas sa pagkakayakap kay Aling Puring.

Tinignan ko siya ng matalim. SIya ang dahilan kung bakit lalong naghihirap ang mama ko. Di na baling ako ang mahirapan, wag lang si Mama.

"What are you doing here?" sabi ko sakanya. Buong lakas ang tumayo at tiniigan sya. Ngunit I saw his eyes.

Is that sadness?

Guilt?

I don't know. Ang alam ko siya ang dahilan ng lahat ng paghihirap ni Mama.

I'm here to give you my condolence." at tumango ito sabay harap kay mama na ngayon ay payapa ang mukha.

"Umalis ka na dito." sabi ko. Galit ako sa kanya.. Galit na galit ako sa tulad nya dahil wala siyang kwentang ama.

"Celine, please. I want to see your mother."

"Masaya kana ba ha!? Ilang taon mong pinahirapan si mama at hinayaan mo lang kami! Wala kang kwenta kaya get lost!" di ko napigilang sigaw sa kanya. Di ko alam ang mararamdaman ko dahil naghalo halo na ang galit, lungkot at pighati ko.

Narinig ko ang bulung-bulungan. Di alam ng mga tao rito na ang ama ko ay si Ronald Sevilla. Ang isa sa matatayog na businessman ngayon. Pero kung gaano man siya katagumpay ngayon, siya naman ang pinakaawalang kwentang taong kilala ko.

"Please Celine, hayaan mo akong bumawi sa inyo kahit ngayon lang. Ako na ang bahala sa lahat. Please anak." at tuluyan ng lumuhod sa harapan ko at tumatangis ang lalaking napakamapangyarihan na kahit sa isang pitik lang ay kayang gawin ang lahat.

"Mahal mo ba ang mama ko?" di ko napigilang itanong.

Tumingin siya sa akin at matagal ito bago sumagot. Alam kong napapahiya na siya sa ginagawa niya ngunit di ko alam kung paano niya natatagalan ang kahihiyan.

"Yes. Definitely yes." sagot nito.

"Bakit mo kami pinabayaan? Bakit iniiyakan ka pa rin ni Mama? Di mo alam kung gaano siya kalungkot. Matinding sakit ang binigay mo sakanya. Kahit di siya nagsasabi sa akin, nararamdaman ko, na sobrang nasasaktan na siya. Ngunit kahit ganoon, ang di ko maintindihan ay..." di ko na naituloy ang sasabihin ko ng bumuhos ang aking mga luha ngunit lakas loob ko siyang tinitigan muli..

"Di ko maintindihan na mahal na mahal ka pa rin niya!"

Nakita ko sa mga mata niya ang lubos na kalungkutan. Tinignan niya ang mama ko at ibinuhos na niya ang kanina pang nagbabadyang luha.

"Sandra... I loved you till the first day I saw you. Nahulog na ako sayo. But things didn't fall into pieces. Mahal na mahal kita Sandra. But I was arranged to marry a woman whom I don't love. Galit na galit ako nung nalaman ko iyon kasabay na nalaman kong ipinagbubuntis mo ang anak natin. Galit na galit ako dahil sa kabila ng pagiging makapangyarihan ng pamilya ko, di ko magawang ipaglaban ang babaeng pinakamamahal ko! Napilitan akong magpakasal at iwasan ka para ikaw na rin ang lumayo sa akin. Hindi ko kayang ipagtabuyan ka kaya ako na ang umiwas. Dahil kung hindi, sasaktan ka ng pamilya ng babaeng pinakasalan ko. But the truth is, mahal na mahal kita Sandra!!"

Napanganga ako sa sinabi ng lalaking ito. Tinignan ko ang mga taong nakikiramay at tila nakikisimpatya ang mga ito sa ama ko.

"Anak, mukhang totoo ang sinasabi ng ama mo. Patawarin mo na siya. Sige na."

"Celine please. Let me do everything for the very last time." wala na akong nagawa kundi ang tumango bilang pagsang-ayon at tumalikod na.

Privately MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon