He parked the car in front of a very familiar place. This is one of the most memorable places for us.

Marami kaming mga masasayang alaala dito. It is also her favorite place. Nakaramdam na naman ako ng lungkot.

Paglabas namin ng sasakyan ay dinig na dinig ko ang ingay nila.

"Mas pogi ako sa kanya Mang Paosio. Obvious na obvios naman diba?" pagyayabang ni Axe.

Looks like the twins are having a silly argument again.

"Paanong mas pogi ka sa kanya, kambal kayo." sagot naman ni Mang Paosio.

"Sa kambal, may isa pa ring mas pogi Mang Paosio." pagdadahilan pa rin ni Axe.

Sumingit naman sa usapan si Ace. "Mga bata pa lang tayo Axe lagi nang sinasabi sa atin na ako ang mas pogi."

Umugong ang kantiyawan at napahinto lamang sila saglit nang pumasok kami.

"Ang tagal ninyo. Tumgots na kami." hirit ni Henry.

"Mag-order na kayo. Nandito na ang manlilibre." sabay nguso ni Neil sa akin.

Mukhang mapapasubo na naman ako nito.

Umoder sila ng tig-isang bowl ng noodles.

Ilang araw na rin akong walang ganang kumain. Pero dahil takam na takam sila ay parang ginaganahan na rin ako.

Nagpatuloy sila sa kuwentohan at kantiyawan. Naisip pa nga ni Duke na magparamihan sila ng mangkok ng noodles na mauubos. At dahil masiba naman sila sa pagkain, lahat ay pumayag. Hindi na rin nila ako pinilit na sumali.

Lumapit si Mang Paosio sa akin at inabot ang isang box ng hopia.

Ito ang paborito niyang kainin. Tuwing nagpupunta kami dito ay halos nakaka-ubos siya ng isang box. Nag-uuwi pa siya palagi nito. She loves hopia. Tila hindi siya magsasawa.

Kung nandito lang siya ay marahil nakikipag-paramihan din siya ng noodles na mauubos. Malakas din iyon sa kainan.

"Pahingi niyang hopia bro." sabi ni Mike sabay kuha ng isa.

"Pahingi rin ako." si Duke.

Hanggang sa isa-isa na silang kumuha ng hopia.

"Wala ba kayong balak tirahan ako ng hopia?" someone said.

Pagkarinig ko sa boses niya ay nakaramdam ako ng kaba.

Nasa likod ko siya pero hindi ko kayang lumingon. I don't know if I have the courage to face her. My guilt hinders me from looking at her.

Matagal ko na rin siyang hindi nakikita. The last time I saw her, she was still in the hospital.

Naging kritikal ang kanyang kalagayan. The gunshot at her back was fatal. Natamaan nito ang spinal cord niya. She was unconscious for a week.

The doctor said that she will wake up. We were relieved upon hearing that but we were devastated when he gave us the news.

"Magigising ang pasyente. Give her some more time. However, when she wakes up, maaaring hindi na siya makalakad."

I was dumbfounded. Hindi na siya makakalakad at dahil iyon sa bala na dapat ay para sa akin.

I cannot bear seeing her like that. Hindi ko makakaya at hindi ko matatanggap iyon.

From that day on, hindi na ako dumalaw ulit sa kanya.

Neil kept me updated. He was in the hospital almost everyday kahit pa nagpapagaling din ito.

Neil informed me when she woke up. Pagkagising niya ay hinanap daw niya ako. The boys tried to convince me. Kinausap nila ako at sinubukan akong dalhin sa ospital para dumalaw pero nagmatigas ako.

I don't want to see her. She is awake but I don't want to see her suffering.

After two weeks ay nabalitaan kong hindi na nga siya nakalakad pa. She had to undergo series of therapies upang makalakad ulit. Walang kasiguradohan pero kailangan niyang subokan.

Kahit ganoon ay maaari pa ring maging permanente ang kanyang pagkalumpo.

Araw-araw ay pinilit ako ni Neil na dalawin siya. How can I visit her if my guilt is eating me? Hindi ko mapigilang sisihin ang sarili ko sa nangyari sa kanya. Kasalanan ko ang lahat.

Days passed and I never earned the courage to see her. Nabalitaan ko na lang na nakalabas na siya ng ospital.

I avoided hearing news about her kaya naman tuwing magkakasama kami ng mga boys ay hindi siya napag-uusapan.

"Ayon! Akala namin hindi ka na makakahabol Miss Perez." bakas ang saya ni Neil.

Nagsitayoan ang iba at sinalubong siya.

"Astig ng wheelchair mo Miss Perez." sabi ni Ace. "Puwede ko ba iyan mahiram minsan?"

Malakas na batok ang binigay ni Axe sa kanya.

"Huwag kayong magsakitan." si Herrera.

Kasama pala niya si Herrera sa pagpunta dito.

"Sir ikaw pala taga-tulak ng wheelchair ni Miss Perez." sabat ni Bruce.

Tumawa lang si Sir Herrera ng mahina.

Nakikinig lang ako sa kanila. Hindi ko na natiis pa. Tumayo ako at lalabas na sana doon nang naramdaman ko ang paghawak niya sa aking kamay.

"Don't leave Jazz."

I slowly looked at her. Walang nagbago sa kanya. Ganoon pa rin ang itsura niya. Ang pagkakaiba lang ngayon ay lagi na siyang nakasakay sa wheelchair.

When I saw her legs, I wasn't able to hold back my tears anymore. Suot niya ang pink sneakers na regalo ko noong birthday niya. I knelt and sob.

Umiyak ako ng umiyak. Inilabas ko lahat ng aking sama ng loob. Inilabas ko ang bigat ng aking damdamanin. Umiyak ako na parang isang bata. Ngayon lang ako umiyak ng ganito sa tanan ng buhay ko.

She caressed my head. I know that she is comforting me. Hinayaan niya lang akong umiyak. When my cry has eventually subsided, iniangat niya ang aking ulo.

"Namiss kita Jazz." I expected her to say hateful words to me. Akala ko ay masasakit ang mga salitang maririnig ko sa kanya pero nagkamali ako. She is still the loving and caring Perez that I know.

"Forgive me Perez." I started crying again.

"Wala kang kasalanan Jazz. Please stop blaming yourself." sagot niya.

"How can I forgive myself? Hindi ka na makakalakad dahil sa akin. Kung hindi mo sinalo ang bala na para sa akin, sana ay hindi ka nalumpo. Sana ay nakakalakad ka pa ngayon."

"I only lost my legs Jazz. Oo. Marahil ay hindi na ako makakalakad pa. Pero aanhin ko ang mga paa ko kung ikaw naman ang nawala. I'd rather be like this for the rest of my life than to lose you Jazz. I don't have regrets. Hindi ako nagsisising nailigtas kita."

Wala na akong nagawa kundi yakapin siya. Namiss ko siya. Akala ko ay hindi na mangyayari ang araw na ito. Akala ko ay hindi na ako makaka-ipon ng lakas para harapin siya.

Niyakap din niya ako ng mahigpit. I felt her tears on my shoulders. Umiiyak na din siya. Maging ang mga boys at si Sir Herrera ay napaiyak na rin.

Kumalas siya sa pagkakayakap at pinunasan ang aking mga luha.

"Tama na ang pag-iyak. Ang mahalaga ay nandito ako. Nandito tayo. Magkakasama tulad ng dati." she said.

Isa-isang yumakap ang mga boys sa kanya. Ilang sandali lang ay nagpatuloy na sila sa pagkain.

Nakangiti na siya. Her smile is my medicine. I know that in the right time, I will be able to forget what happened and forgive myself.

"Anong gusto mong kainin Miss Perez?" tanong ni Sir Herrera.

"Mang Paosio. Isang noodles para kanya."

I looked at her and after a long time kahit papaano ay nagawa ko na ring ngumiti.

"At isang box ng hopia."

My Teacher is a GangsterWhere stories live. Discover now