35. RUNAWAY HEIRESS

3.2K 123 0
                                    

I joined my parents sa table nila. Kasama ko rin sa table sina Neil, Thom at Gray. Nasa same table din ang parents nila.

I am feeling uncomfortable dahil kanina pa ako tinataponan ng tingin ni Condrad Cheng. Ano bang problema niya sa akin?

Hindi ko naman mapigilang titigan si Maximilion Chua. Siya nga talaga ang daddy ni Perez dahil kitang kita ko ang resemblance nila. They have the same eyes and nose. Para siyang male version ni Perez.

Naputol ang pag-iisip ko nang magsalita si Condrad Cheng.

"You have very handsome and very polite sons. Sigurado akong sila ang papalit sa mga puwesto ninyo in the near future. Saan sila nag-aaral?" tanong niya. Alam naman niya kung saan kami nag-aaral. I don't know kung bakit kailangan pa niyang tanongin ito.

"Our sons go to the same school Mr. Cheng. Lahat sila ay nag-aaral sa Patterson High School." magiliw na sagot ni dad sa kanya.

Nakita ko naman ang reaction ni Mr. Chua nang mabanggit ang PHS. I'm sure alam niya na doon nagtuturo ang anak niya.

"You better train these children as early as now. Hindi biro ang mga magiging responsibilities nila sa hinaharap. Mga taga-pagmana sila." dagdag pa ni Mr. Cheng.

"Kaya nga lagi namin silang pinagsasabihan na pagbutihin ang pag-aaral Mr. Cheng. We are not getting any younger. Sila ang tanging aasahan namin na magpatuloy ng mga family businesses at pati na rin sa mga political careers namin." sabi naman ni mom.

Tahimik lang si Mr. Chua. Condrad Cheng does most of the talking.

"How about you Mr. Chua? Sino naman ang magiging taga-pagmana mo? Is it a son or a daughter? You have established an empire in the business world. Nararapat lamang na may magpapatuloy nito." said Neil's dad.

Hinihintay ko ang magiging sagot ni Mr. Chua.

"Ang magiging taga-pagmana ko ay ang aking nag-iisang anak. I have a daughter." He has a husky and a deep voice.

Naramdaman ko naman na nakatingin sa akin si Neil.

"You should have bring her here Mr. Chua. It would be our pleasure to meet your heiress." my mom has said.

"My daughter is a very complicated individual. Our relationship is complicated too. I think she still needs time to realize na siya at wala ng iba ang tanging magpapatuloy ng lahat nang sinumulan ko." I can hear a hint of sadness in his voice.

"I am fire and she's ice. Our philosophies and personalities always clash. Iba ang gusto niyang gawin sa buhay niya. But a Chua can never change his fate." he added.

Napaisip ako sa huling sinabi niya. Iiwan ba ni Perez someday ang pagtuturo para palitan ang ama niya?

"Where is she now?" lakas loob kong tinanong. Alam ko ang sagot sa tanong ko pero gusto kong malaman ang isasagot niya.

Condrad Cheng is glaring at me. Tinignan din ako ng mga iba pang kasama ko sa table. Hindi naman siguro masama ang magtanong.

"She's just out there. His daughter is quite stubborn." Si Condrad Cheng ang sumagot sa tanong ko.

Pero nagsalita rin kalaonan si Mr. Chua. "My daughter loves to run away. Kaya nga ang tawag ko sa kanya ay my runaway heiress."

Hindi na ako kumibo pa. Cheng's gaze seems to give me a burning sensation. Gusto ko nang umalis pero I don't want to be impolite.

Sana ay matapos na ang gabing ito. Masyado na akong maraming iniisip.

Lumipas ang mga oras na iisa lang ang nakatatak sa isipan ko.

Si Perez ang runaway heiress ng Chua Empire.

My Teacher is a GangsterWhere stories live. Discover now