17. I SMELL TROUBLE

4K 120 0
                                    

Matagal na rin na walang ginagawang kalokohan ang boys ng hell section. Pero kahit ganoon, halata pa rin ang takot at kaba ng mga teachers pati na rin ng mga students sa amin.

We can't blame them. Many teachers became victims of our bad temper and impatience. Dahil wala kaming mapag-tripan sa section namin, we bully other students. Bukod sa mga teachers na nag-quit sa hell section or nag-resign dahil sa amin, marami rin ang students na nag-transfer o nag-drop to avoid us or to be free from us.

Those were the days. Ibang-iba na talaga ngayon. Simula noong siya ang maging adviser namin. Simula noong iniligtas niya kami ni Neil ay unti-unti nang nagbago ang mga bagay.

Nasa laboratory kami ngayon dahil Science ang subject. Someone appeared in the door. Si manong guard. He is looking for me. Pinapatawag daw ako sa guidance office.

Matagal tagal na rin iyong huling pagpunta ko doon. Bakit kaya ako pinapatawag?

I entered the office at nakita ko ang head na si Mrs. Villa. She signaled me to take a seat.

"Good morning Mr. Sison. I excused you from your class dahil may kailangan tayong pag-usapan. Ikaw lang muna ang pinatawag ko since ikaw naman madalas ang leader ng section ninyo." she said.

"What is the matter? Ano ang kailangan nating pag-usapan?" sabi ko.

"Yesterday, our office received a complaint and it concerns your section." Is she still surprised? Madalas naman talaga kaming maireklamo.

"Ano naman ang complaint nila sa amin?" tanong ko sa kanya.

"Pinasok ang faculty room ng MAPEH department. Sinira ang mga gamit at equipment. They say that some stuff are missing. At kayo ang sinasabi nilang gumawa noon. Actually, ang mismong head nila ang nagrereklamo."

Sanay na kaming inirereklamo pero wala kaming kinalaman sa nangyari. Hindi kumikilos ng kahit ano ang mga boys na hindi nalalaman ng lahat. Kaya alam kong we are not responsible of what had happened.

"Hindi kami ang gumawa niyan" sabi ko. That's the truth.

"Ok. Pero we still need to conduct an investigation lalo na't hindi biro ang nangyari. Please talk to your classmates. Inform them about this." She dismissed me after saying that.

Umalis na ako sa office. Hindi big deal sa akin ang sinabi niya. We didn't do it. Hindi ko na lang inisip pa ang mga sinabi niya at bumalik na agad sa classroom.

*****
Nasa tambayan kami ngayon dahil vacant time namin.

May kanya kanyang business ang boys. Natural na talagang maiingay at makukulit ang mga boys ng hell section. We've been like this since nang mapagsama-sama kami sa iisang section three years ago.

Nandito naman ako sa favorite spot ko at nakahiga. Masarap talaga ang hangin dito. I am about to close my eyes and get a nap nang biglang nagmamadaling dumating si Duke. Ano kayang nangyari? He's not usually like this.

Bumangon ako sa pagkakahiga to ask him pero naunahan na ako ni Axe. "Woah bro, teka lang. Bakit parang nagmamadali kang pumunta dito? May humahabol ba sa iyo?"

Habol hininga namang sumagot si Duke. "You won't like what I found out guys." What does he mean?

"Bakit? Ano ba iyon?" halos sabay naming tanong ni Neil.

"One of our teachers got hurt. Nakita daw siya sa may likod ng main building kahapon ng guard. Bugbog sarado at walang malay." sabi niya with all seriousness.

"May nag-vandal din sa harap ng office of the principal. At previously pinasok din pala ang faculty room ng MAPEH department." Duke added.

"Marami ka pa lang latest chika bro. Kailan ka pa nahilig diyan?" pangangantiyaw ni Ace.

"Hindi ito tsismis lang Ace. Hindi kayo matutuwa dito." Bakit ba hindi na lang niya kami diretsuhin?

"Stop beating around the bush Duke." I said. Malakas ang pakiramdam ko na alam ko ang susunod niyang sasabihin.

"Tayong taga hell section ang tinuturong may gawa ng mga iyon." Wala nang kumibo pa sa sinabi ni Duke.

I broke the silence. "Kahapon I was called by Mrs. Villa at tama si Duke. They thought na tayo ang pumasok at nanira ng mga gamit sa MAPEH department. Pero hindi ko alam na may iba pa pala silang ibinibintang sa atin."

Neil looks angry. "We don't have a good reputation here in PHS. Pero hindi magandang ibintang sa atin ang mga bagay na wala naman tayong kinalaman."

He is right. We face the trouble that we do. Kung kami ang gumawa, we will make sure na alam iyon ng lahat. But like what Neil has said, wala kaming alam sa mga incidents na iyon.

"Gumagawa ba sila ng paraan para mapaalis tayo dito? They know that's impossible." Thom said.

"Pero guys, masama ang pakiramdam ko sa mga nangyari at mga mangyayari. Somebody wants to destroy us." Tama si Gray. May isang taong gumawa nito at gusto niyang kami ang managot.

"We need to do something." Duke said.

"I smell trouble. Do you smell it too guys?" tanong ko at mukhang pareho kaming lahat nang iniisip.

My Teacher is a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon