Chapter Ten

33.2K 1K 165
                                    

Chapter Ten

Pagkahatid sa kanya ni Balagtas sa bahay ni Baltazar ay nilibot niya ang tingin sa buong bahay. Mas maganda ang bahay nito at puno ng mga display ng kotse. Hinila niya ang maleta sa kwarto at binuksan niya ang master bedroom.. Pagpasok niya ay madilim kaya binuhay niya ang ilaw. Pagbukas niya ay nagulat siya ng bumulaga sa kanya ang kwarto na may portrait pa niya. Napamaang siya at lumapit sa kama. Nakita niya ang kalat na mga sobre kaya kumuha siya ng isa at binuksan niya. Nabasa niya na sulat ito ng isa sa mga admirers niya. Tinignan niya lahat at puro sulat ng admirers niya. Napaisip siya at napasinghap.

Agad na umalis siya sa bahay at nagtungo sa prisinto. Lumapit siya sa information officer at ni-request kung pwedeng makausap si Baltazar.

"Almarez, may bisita ka." dinig niyang sabi ng police. Hinintay niya sa visitors area si Baltazar at nang lumabas ito ay may akbay itong dalawang babae na sexy. Nakaramdam siya ng sakit at umiwas ng tingin. Napakapit siya sa bag niya na nasa kandungan at napayuko.

"Anong kailangan mo?"

Nag-angat siya ng tingin rito. Nakatayo pa rin ito habang akbay pa rin ang dalawang babae na hinahaplos ang dibdib nito at tiyan.

"Maaari ba tayong mag-usap." aniya.

Ngumisi ito, "Nag-uusap na tayo." pilosopo nitong sabi at natawa dahil tila ba ginagawa siya nitong katatawanan, "okay. Girls, mauna na kayo sa loob. May kakausapin lang ako." sabi nito sa mga babae nito.

"Bilisan mo, Bal. May session pa tayo." mapang-akit na sabi ng isang babae at humalik sa pisngi ni Baltazar.. Umiwas siya ng tingin at hindi na niya ata kaya pa.

Nang makaalis ang dalawang babae ay padarag na naupo si Baltazar tila labag sa loob nito na makausap siya. Alam niya na galit ito sa kanya kaya ito nakakulong ngayon.

"Magsalita ka na at may gagawin pa ako." sabi nito.

Napabuka ang bibig niya at gustong sabihin ang mga nakita niya. Pero hindi niya alam ang sasabihin ngayon dahil nawala ang lakas ng loob niya na magsalita.

"Ano? Magsasalita ka ba?" naiinip nitong tanong sabay hampas sa lamesa kaya napaidtad siya at napahawak sa tiyan niya. Narinig niyang napabuga ito ng hangin kaya tinignan niya ito, "sabihin mo na ang nais mong sabihin." ulit nito.

"B-Bakit may portrait ako sa bahay mo?" tanong niya.

Natawa ito at ngumisi, "Iyon lang ba ang pinunta mo at inistorbo mo pa ako?" ani nito na kinalungkot ng puso niya. Ang sakit nitong magsalita at para bang balewala na siya rito.

"I-Iyon lang.. K-Kung ayaw mo na ako makausap, aalis na ako. Pasensya na." aniya na nauutal dahil pinipigilan niya na maiyak. Tumayo siya pero nagulat siya ng hampasin muli nito ang lamesa.

"Sinayang mo lang ang oras ko." sabi nito at tumayo. Tinignan siya nito ng seryoso kaya pinangatugan siya ng tuhod. Napahawak siya sa tiyan niya at dumaing. Napaupo siya at mas lalong sumakit ang tiyan niya, "Shit! Mahal?"

Napatingin siya kay Baltazar na inalalayan siya habang nag-aalala na nakatingin ito sa kanya. Napadaing siya sa sakit.

"M-Manganganak na ata ako." sabi niya at huminga ng malalim.

"Shit! Shit! Tulong! Manganganak na ang asawa ko!" sigaw nito at binuhat siya.

"Kami na ang bahala sa kanya. Hindi ka maaaring lumabas, Almarez."

Sinakay siya agad sa ambulansya ng polisya at napatingin siya kay Baltazar na nakatingin sa kanya.

"Pasamahin niyo na ako. Hindi ako tatakas. Sasamahan ko ang mag-ina ko." pilit nito sa mga pulis.

BROTHER-IN-LAW ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon