"Hindi na. May pera naman ako."

Nakiba't-balikat ito, "Okay. Ingat."

Napalunok siya at napatango, "Aalis na ako." aniya at umalis. Paglabas niya ng bahay ay hindi niya mapigilan na mapaiyak. Malamig ang pakikitungo nito sa kanya at nasasaktan siya dahil kahit na bumalik nga ito sa tabi niya, parang lumayo na ang loob nito sa kanya.

Nagpahid siya ng luha at naglakad palabas ng village. Sumakay siya ng taxi at nagpahatid papunta kela Alice. Mula ng mangyari na nagtampo sa kanya si Alice ay hindi na ito dumadalaw o kinakausap siya. Ito na lamang ang malalapitan niya. Gusto niyang hingin muli ang payo nito.

Nang makarating sa bahay nito ay bumaba siya ng makapagbayad. Nang makaalis ang taxi ay lumapit siya sa gate at nag-doorbell. Maya-maya pa ay lumabas ito kaya ngumiti siya, pero agad nawala ang ngiti niya ng makitang may pasa ito sa mukha.

"Alice, anong nangyari sa 'yo?" tanong niya.

"Anong ginagawa mo rito?" umiwas ito ng tingin ng magtanong din ito.

"Gusto kong makausap ka.. At ang pasa mo.."

"Wala lang ito. Makakaalis ka na." ambang tatalikod ito ay nagsalita siya.

"Nag-iisa nalang din ako." aniya at napayuko.

"Anong ibig mong sabihin?"

Tinignan niya ito at napaluha siya, "Buhay si Baltazar, at ang Balagtas na nakakasama ko ay ang tunay na Baltazar."

Nakita niyang nagulat ito at hindi makapaniwala. Pinapasok siya nito at doon sa loob ito nagpakwento.

"Paanong nangyari na si Baltazar ang kasama mo at hindi si Balagtas?" tanong nito.

"Lumitaw si Balagtas ng gabing anibersaryo nina Mom. Nalaman ko ang totoo sa kaniya at nakilala ko siya. Sobra akong lutang na lutang sa natuklasan ko at hindi ko alam ang sasabihin kay Balagtas kung paano ako nagsisisi at hindi ko man lang nalaman na ang kakambal pala niya ang kasama ko."

"Grabe! Sabi na nga ba at hindi maganda ang pakiramdam ko sa Balagtas na nakakasama mo. Iyon pala ay ang hate na hate kong kakambal ni Balagtas." gigil na ito habang nagsasalita, bigla naman itong napatingin sa kanya na tila sasagap pa ng chismis, "so, anong nangyari pagkatapos? Anong nangyari sa kambal?"

Napahinga siya ng malalim at hindi niya maintindihan ang sarili na isipin kung kumusta na kaya si Baltazar sa kulungan.

"Pinakulong ni Balagtas si Baltazar." aniya na mahina ang pagkakasabi.

"Buti nga! Bagay lang sa kanya iyon, Bes. Buti naman at nakahanap ng katapat ang mayabang na 'yon." tuwang-tuwa pang sabi ni Alice. Bigla siyang nakadama ng awa kay Baltazar. Ayaw niya na may nakikitang tao na nalaman na nakakulong ito at sasabihin na nababagay rito ang makulong.

"Bakit ganyan ang reaksyon mo?" tanong nito at umusod pa palapit sa kanya, "huwag mong sabihin na nasasaktan ka at nakulong iyon? Mahal mo na ba siya, Bes?"

Napayuko siya at napaiyak, "Sa ngayon, hindi ko alam, Alice. Naguguluhan ako. Ngayong nalaman ko ang totoo at nakasama ko muli ang totoong Balagtas, nag-iba naman ang lahat. Malamig na ang pakikitungo sa akin ni Balagtas pero nandoon pa rin siya at concern sa akin.. Hindi ko ma-feel na nandoon siya."

"E, si Baltazar? Namimiss mo?" Tumingin siya rito at tumango siya na kinailing nito, "ano ba ang kamandag ng hayop na Baltazar na 'yon? Matapos ng ginawa niya ay namimiss mo?"

"Hindi ko rin maipaliwanag. Ngayong nakakasama ko si Balagtas, wala na doon ang dati kong nararamdaman. Para bang isa nalang kilala ang nararamdaman ko. Hindi ko naman alam kung bakit ako nasasaktan sa pandededma niya? Hindi ko alam kung bakit ngayon ay hinahanap ko naman ang pagiging mahigpit sa akin ni Baltazar? Parang mas gusto ko pa ang trato sa akin ni Baltazar, dahil alam ko na kaya niya ginagawa iyon dahil ayaw niya ako mawala."

BROTHER-IN-LAW ✓Where stories live. Discover now