Confession Plan : Season 1 Finale

126 19 153
                                    

👓Hope👓

"Hope! I'm begging you please help me!" pagmamakaawa ni Althea habang nakaluhod sa harapan ko. Disclaimer lang, Hindi ko sinabing lumuhod siya sa harapan ko!  Kusa niyang ginawa 'yan and I'm enjoying every second of it! After ng lahat ng pang-aasar niya sa'kin since makilala ko siya, sobrang worth it ng nakikita ko ngayon. Kung hindi lang talaga yung demure na porma niya ang gamit niya ngayon ay malamang wala akong mararamdaman na simpatya para kanya.

Pero kahit gustong-gusto ko ang nakikita ko ngayon ay kailangan ng patigilin ang babaeng 'to dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao dito sa cafeteria.

"Hoy ano ba? pinapahiya mo naman ang sarili mo eh," habang inaalalayan ko siya patayo.

"No! Hindi ako tatayo dito hangga't hindi ka uma-agree!" Pagmamatigas niya.

Nakakainis ang babaeng 'to, paano naman kasi ako papayag kung hindi ko alam kung anong sitwasyon diba? Ang plano ko sana ay kausapin siya ngayong araw para malaman kung anong nangyayari atsaka ako mag-de-desisyon kung anong hakbang ang gagawin.

"Umayos ka nga! Saang parte ng pag-uusap natin kahapon ko sinabing hindi kita tutulungan?" Tanong ko habang tinitignan ang mga estudyanteng nakatingin sa'min. Hayyy! Pag nagtagal pa 'to for sure ay ma-i-issue ako, ayaw ko pa naman din na maging center attention.

"Ang sungit mo kasi sa tawag kahapon, so akala ko hindi ako tutulungan," paawa niya habang nakatingala sa'kin.

"Nagsungit lang? Hindi na agad payag? Hindi ba pwedeng na-istorbo lang ang tulog kaya ganon?" Pagsusungit ko. "Alam mo tumayo ka na dyan para mapag-usapan na natin ang probleam," atsaka ko siya hinila papatayo.

Hinila ko siya papalabas ng school papunta sa tindahan ni Manang Tessie. Habang naglalakad ay kinu-kwento niya sa'kin kung anong nangyari at kinakailangan niya ng tulong.base mga narinig ko, sobrang sablay nga ng naging kilos ni Althea. Tulad ng dati at umandar nanaman ang pagiging mapag-isa ng babaeng 'to.

Pero hindi ako nawalan ng pag-asa para sa kanila. Habang naglalakad ay pinagmamasdan kong maigi ang ekspresyon ng mukha niya. Walang anumang bahid ng pag-aalangan makikita sa kanyang mukha habang kinukwento niya sa'kin kung anong nangyari. Base sa ekspresyon n'yang yon habang sinasabi niya sa'kin ang mga nangyari, alam kong totoo ang lahat ng sinasabi niya.

Sa dalawang taon kong kakilala ang babaeng 'to ay lag niyang pinapakita kung gaano kalakas ang personalidad niya, kung gaano kataas ang kumpiyansa niya sa sarili. Pero sa kabila ng lahat ng 'yon ay batid pa rin sa mukha niya ang pag-aalangan, para bang lahat ng pinapakita niya ay inimbento niya lang para maitago ang kahinaan na meron siya.

Kaya nakakatuwang makita na hindi na siya nagtatago sa personalidad na inimbento niya lang. Hay, kung ganito lang sana siya ka-honest kay Ian ay siguradong walang issue ngayon.

"Hey? Nakikinig ka ba?" Tanong ni Althea habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. Medyo nahiya naman ako dahil sa titig niya.

"Oo naman 'no!" Nagpapanic na sagot ko.

"Eh bakit hindi manlang nag-react doon sa sinabing bading mga customer ko," nagtatakang tanong niya habang nakatingin pa rin siya sa'kin.

"Eh given naman kasi na hindi tunay na lalake ang mga client mo!" Sagot ko. Well, obvious naman kasi talaga. Saan ka nakakita ng straight na lalakeng magbabayad sa isang babae para maging fake girlfriend niya.

"Oh? Ang galing mo talaga no?" Puri niya sa'kin.

"Hala? Compliment ba talaga 'yan? Walang halong sarcasm? 'Yan ba talaga ang epekto ng pag-ibig sa tao?" Manghang sagot ko.

"Hindi naman," sagot niya habang medyo namumula pa. "Sadyang sawa na lang talaga ako sa attitude kong 'yon. Ayaw ko ng maging peke kahit kanino man, wala naman akong napalang matino dahil don," dagdag na paliwanag niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 03 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Confession Plan : Season 1 (Under revision)Where stories live. Discover now