✔Confession Plan #1

683 161 58
                                    

👓Hope👓

"Sige lang. Just keep doing that, tulad nung ginawa natin sa practice. Pero h'wag mong kalimutang maging natural," bulong ko sa mic na nakakonekta sa earpiece ng mga kasamahan ko. habang nagsasalita ay pasimple akong nakatingin sa kinaroroonan ni Jake at Clarisse.

Mukang kalmado naman si Jake ngayon kung ikukumpara doon sa kilos n'ya nung practice namin nung isang araw.

Maganda ang execution ng mga linya, so far ay hindi naman sablay ang mga kinikilos n'ya, at idagdag pa ang improvement sa itsura n'ya. Eto na yata ang pinaka maayos na version ng lalakeng 'to. Parang ang hirap isipin na ang lalakeng punong-puno ng confidence ngayon ay isang dakilang nerd.

"Ui, natatandaan mo pa ba yung nangyari nung University Week nung second year tayo?" Tanong ni Jake kay Clarisse.

"Uhm, hindi ko kasi gustong pinag-uusapan 'yon Jake," nahihiyang sagot ni Clarrise kay Jake.

He messed up, yon ang unang sablay ni Jake ngayong araw. Minsan talaga kahit anong practice pa ang gawin n'yo, may pagkakataon na sasablay ang plano niyo, Kaya dapat talaga ay may nakahandang backup plan.

"Reyna sumablay si Jake, kilos na," bulong ko sa mic.

Matapos ang ilang segundong paghihintay ay medyo naiirita na ako, kitang-kita ko sa posisyon na kinaroroonan ko kung paanong unti-unting nagiging awkward ang sitwasyon sa pagitan ng client at ng target.

"Hoy Reyna? Nasaan ka na ba?" Asar na bulong ko sa mic.

"Hay nako Hope you never learn 'no? I told you before that we need to use our codename when we're doing field work," Nang-aasar na sagot ni Reyna sakin. "And I won't move until you say mine," dagdag n'ya pa.

"At ngayon ka pa talaga nag-inarte 'no Reyna?" Asar na sagot ko sa kanya.

"Sasabihin mo or we'll fail this plan? Remember our success rate Hope?" Ayaw n'ya talagang magpapigil sa pang-aasar n'ya sa'kin.

"Alright then. Queen of Hearts pwede bang gawin mo na yung dapat mong gawin?" Nahihiyang sagot ko sa kanya.

"Good girl," gamit ang malandi n'yang boses.

Nang sabihin niya 'yon ay may isang babaeng lumapit sa pwesto ni Jake at Clarisse. Mula sa pwesto ko ay kitang-kita kung paano napangiti si Jake at medyo namula naman ang mukha ni Clarisse. Ilang minuto pa silang nag-usap at umalis na rin agad ang babae.

"Okay na ba 'yon boss?" Sarcastic na tanong n'ya.

"Oo na, umalis ka na nga d'yan" naiinis kong usal. Binalik ko na ang atensyon ko sa nangyayari at natuwa naman ako ng makita ang kilos ng dalawa.

"Hahaha" natutuwang tawa ni Jake

"Hahaha" medyo nahihiyang tawa naman ni Clarisse.

"Okay, Jake Line E5 malapit ng matapos 'to," utos ko sa kanya.

"Nakakatawa 'di ba Clarisse? Tayo? Mag boyfriend at girlfriend? Parang sobrang imposible naman non? HAHAHA" Overacting na pahayag ni Jake kay Clarisse.

"Hmmm, imposible ba talaga ha?" Mataray na usal ni Clarisse.

Pagkasabi niya non ay biglang tumayo si Clarisse at nag-umpisang maglakad papalayo. Napansin kong tatayo na rin sana si Jake kaya pinigilan ko muna siya.

"Oops wag ka munang tatayo d'yan, pag medyo malayo na siya tsaka ka mag-umpisang humabol". Bulong ko sa mic.

"Okay ch-" magbibigay na sana ako ng instructions

"Pebble," sabat ni Reyna

"Anong pebble?" Reklamo ko kay Reyna.

"Pebble ang codename ni Chris," pang-aasar niya ulit.

"Anong pebble? Kailan pa ako nagkaroon ng pebble na codename?" Reklamo si Chris.

"Angal ka?" Pag tataray ni Reyna.

"Hindi," takot na sagot ni Chris.

"Okay okay, Edi Pebble. Naglalakad na si Clarisse papunta sa pwesto mo kumilos ka na," Utos ko kay Chris

"Yes boss," masiglang sagot ni Chris.

Nang makarating si Clarisse sa may pinto ay may nakabanggaan siyang matangkad na lalaki. Sakto naman na naabutan ni Jake si Clarisse na nasa sahig.

"Hala sorry Jake, nabangga ko ata yung Girlfriend mo, medyo nagmamadali kasi ako. D'yan na kayo ha?" Nagmamadaling sinabi ng lalaki.

"Hindi ko s'ya Girlfriend," Sagot ni Jake pero hindi na s'ya narinig ng lalaki dahil nagmamadali na itong naglakad papalayo.

"Okay ba boss?" Pagmamalaki sa'kin ni Chris.

"Okay na okay Chris," natutuwang sagot ko sa kanya. Although medyo sablay yung acting n'ya.

"Pebble sabi eh," reklamo ni Reyna bago ko pinatay yung linya n'ya.

"Okay Jake tulungan mo s'yang tumayo," utos ko kay Jake.

"Ayos ka lang ba?" Habang inaabot ang kamay niya kay Clarisse.

"Okay lang ako!" Nagtataray na sagot ni Clarisse habang tumatayo na s'yang mag-isa.

"Okay Jake kalma lang, wag kang sasagot titigan mo lang s'ya," utos ko ulit kay Jake.

Nagtitigan lang silang dalawa.Mga limang segundo silang ganon bago nag salita si Clarisse

"Tititigan mo lang ba ako ha? D'yan ka na!" Tapos sabihin yon ni Clarisse ay naglakad na sana s'ya palayo.

"Okay Jake line C6 pag nakatalikod na s'ya sa'yo," turo ko kay Jake.

Pag talikod ni Clarisse ay nag salita na agad si Jake, medyo excited din 'to 'di manlang pinag lakad ng dalawa or tatlong hakbang ang target.

"Ano bang problema mo?" Nagtatakang tanong ni Jake.

Perfect yung pagkakasabi ni Jake sa linya na 'yon. Nakakatuwa.

"Anong problema ko? Habang nakatalikod ay sumagot si Clarisse. Humarap s'y kay Jake at nagsalita ulit, "sobrang Impossible ba ha!? Sobrang impossible ba na maging tayo ha!?" Sigaw n'ya

"Okay Jake, wag kang bibigay agad stick ka sa character mo," sabi ko kay Jake.

"Ano bang pinag sasasabi mo dyan?" Nalilitong sagot ni Jake kay Clarisse.

"Alam mo ako tagal kong naghihintay ha!? Biruin mo ang tagal na nating magkakilala tapos ngayong nagpakita ka ng konting sign na interesado ka sa'kin? Sasabihin mong imposible?" Paiyak na sagot ni Clarisse.

"Okay Jake. Ikaw na ang bahala" huling instruction ko saka ko pinatay ang mic piece ko. Plan success, flawlessly done in my opinion. Hindi ko na kailangan panuorin ang mangyayari sa sitwasyon na 'to.

Confession Plan : Season 1 (Under revision)Where stories live. Discover now