Chapter 46: Quarrel of sexual tension

9.7K 353 221
                                    

Diana's POV

Halos umapaw ang laman ng basong hawak ko habang nire-refill yun, nagmamadaling hinigop ko agad yung juice bago pa ako tuluyang mabasa. Habang ginagawa yun ay pasimple kong sinisipat sina Nephra at Mark.

Mahigpit at matigas ang pagkakatayo ni Nephra sa tabi ni Mark, halos hindi ito gumalaw.. pero tila palaging nakakaisip ng paraan si Mark para kabigin palapit sakanya si Nephra.

Halos madurog ang puso ko.

Mabigat sa loob akong nag-iwas ng tingin at sinubukan ko nalamang magfocus sa juice na iniinom ko.. na hindi ko naman lubos na malasahan dahil masyado akong distracted.

Idinako ko ang paningin ko sa ibang parte ng ball at habang ginagawa yun ay napansin kong papalapit saakin si Dustin. Suot ang kanyang beanie, labas din ang nakabraces nitong ngipin.

"Nag-e-emote ka naman dyan.." Sabi nya nung makalapit na siya saakin at nilalagyan na ngayon ng bbq at potato salad ang plato niya.

May sumilay na kaunting ngiti sa labi ko sa komento nyang yon.. too naman kasi. Mukha talaga akong loner sa gilid. Pero hindi na bago iyon.

"Hindi naman.." mahinang sagot ko sakanya. Nabura na ang kaninang seryoso kong mukha, napalitan na iyon ng mas magaan na ekspresyon. Pilit ko nalamang binalewala ang kung ano mang nangyayari sa taas ng stage.

"I'm glad that you're back." Sabi nya ng may parehong galak sa kanyang boses. Bumeso ito saakin at kinamusta ako pati na si papa.

Kinwento ko lahat sakanya, magmula sa kung paano nagkasakit si papa hanggang sa pagbisita ko sakanya sa ospital. Pagkatapos nun ay hindi ko namalayang unti-unti na palang napupunta kay Nephra yung topic namin.

"Man! That sucks, I'm sorry you had to go through all of that.." pagbibigay simpatya nito.

"Salamat, Dustin.. mas panatag na ang loob namin ngayong na-operahan na sya."

"Mabuti naman kung ganoon.. nga pala, I think it was Nephra. Siya yung gumawa ng paraan para mapapayag si Mrs Acosta na palabasin ka dito."

Natigilan ako sa ginagawa ko at napatingin sa mukha ni Dustin.

My brain stutters for a moment, nanatiling nakabuka ang bibig ko. Hindi makapaniwala.

"Si Nephra?..."

"It was her.." ulit niya habang pinagmamasdan ang gulat kong mukha.

Dahan-dahang gumalaw ang ulo ko para tignang muli si Nephra, and there she was... nakatayo at kausap parin ang mga tao. Palagay ko ay nagpabaling-baling ang tingin ko kay Nephra pagkatapos ay kay Dustin, kay Nephra ulit tapos kay Dustin ulit.

"Si Nephra??" Sawakas ay sambit ko.

"Yes. Ms Maya told me. Nakita kasi kita nung araw na yun.. you were so distraught. Hindi na ako lumapit dahil nandoon naman si Nephra. Kaya ayun, nung mabigyan ako ng pagkakataon, nagtanong ako kay Ms Maya. Sabi nya na si Nephra daw ang namilit sa principal." Pagbibigay detalye nito.

"..ano? Hindi ba sinabi ni Nephra sayo?"

"Hindi.." umiling ako. "Bakit.. bakit hindi niya sinabi saakin na siya pala yun?" Paulit-ulit na tanong ko, para na akong sirang plaka. Hindi nawala ang titig ko kay Nephra pagkatapos non. Siguro ay hindi big deal ito sa iba kung iisipin, pero malaking bagay ito para sakin. Bakit kailangan niya iyong itago?

(GxG) Let somebody love you 2019Where stories live. Discover now