Tania_Archi

Hahaha! Nakakaawa naman yong ibang napag iwanan na. Kinapos ka na ba sa disenyo?






She even inserted some laughing emoji! What an evil! Nakita ko naman na nag comment iyong babae na kasama niya kanina.






Wendy23

Ganon talaga kapag hindi propesyonal. Nagtataka nga ako kung bakit siya nasa posisyon niya ngayon eh. Maybe because she has connection with the owner.





I felt some tears falling down my cheeks. April!





Rean__3

Uy! I know that ah. Hahaha. Yeah she doesn't fit to be an architect.





Mas lalong bumuhos ang luha ko. Mabuti nalang at hindi tumulo sa draft ko! Sobra naman ata yong paratang nila. Hindi naman nila ako kilala ah! But maybe I'm really that not good? Siguro dahil pinasok ako rito sa kompanya at dahil sa tatay ko ang may ari? Mas lalong nag unahan ang mga luha ko.






I heard someone entered the office. Pinunasan ko kaagad ang mga luha ko at umayos ng upo. Maybe some janitors or what. Bago pa ako makapag simula sa gagawin may nakita kaagad ako. Someone placed a dinner on my table. Inangat ko ang tingin kung sino iyon.






"E-engineer.." mas umayos ako nang upo. Bakit siya nandito?





Tumikhim siya at nakita ko ang pagkagat ng kaniyang pang ibabang labi, "I brought you a dinner.."





Tinignan ko ang dala dala niya. Nakakahiya naman. Maybe I should declined the dinner. Nag abala pa siya.





"A-ayos lang po.. I don't need that.." napayuko ako at napakagat ng labi. Damn.





Binitawan niya na ang dinner nang tuluyan, "I don't know why you have to decline my offer when you haven't eaten yet."






Napalingon ako sakaniya. Nakatingin siya nang direkta sa akin. His cold stares. Bakit ba ang hirap titigan ng mga iyon?






"Thank you.." Tumango ako at tinanggap na ang dinner na bigay niya. Umupo na ako at nag akalang aalis na siya. Pero hindi siya umalis.





"Bakit hindi ka pa umaalis?" Tanong ko. Kita ko naman ang pagtitig niyang muli. Wala bang naghahanap sa kaniya? Girlfriend niya? Or what.





"Kailan ba ako umalis?" Shit. Napakagat ako sa labi ko. What did he mean? Hindi ko alam kung bakit may mga luha na naman na nagbabadyang tumulo sa mata ko. Ang hirap kapag ganito ka kalambot!






Tinagilid ko ang ulo ko at tumango nalang sakaniya. I heard him walked near me. Kumuha siya nang isang upuan at tumabi sa akin.






"You look very lonely here. Sasamahan na kita." Seryoso niyang sabi. Tumango nalang uli ako. Hindi ko alam kung bakit ako laging tumatango na parang nag papaalipin sa kaniya. Hindi naman ako sunod sunuran. But why do I keep on following his words?





Humikbi ako nang kaunti pero satingin ko ang narinig niya.





"W-what's wrong?" Bakas sa boses niya ang pag aalala. Bakit siya nag aalala? Ha! Bakit?





Now. Umiling na ako. Maybe I shouldn't say always to others what I feel. Ano nga ba talaga ang iniiyak ko? Maybe because of what I heard and saw earlier. Lahat nang pang mamaliit nila sa akin. Which I suddenly questioned myself too na, Ganoon ba talaga ako? Ano pa ba ang ibang dahilan ng pag iyak ko? Sa mga sinasabi ni Kairo?




Kailan ba ako umalis.




Hindi ka naman umalis. I hope you know that. Hindi ka kailan man umalis. Siguro ako lang naman talaga ang umalis. Not because I wanted to stay away from him but because I wanted to make everything alright before. My uncle is at jail right now. Paying his sins and faults. Hindi ko man alam ang buong storya niya pero alam kong nagkasala siya. Ako, I have reached my dream. Pero may mga balakid pa rin pala kahit naabot mo na ang mga ito. And now, him. Kairo already reached his dream. He's now an ultimate engineer.





Taking a risks would mean so much. It may result in a good way or sometimes bad. But in our situation right now, maybe I could say it's not bad at all.





"Wala.. Ayos lang ako."





And maybe pretending will always be part of life.







|Next|

Nothing has changedWhere stories live. Discover now