"Ah. Sorry I disturbed you last night.." Napalunok ako pagkatapos magsalita. Damn bakit ba ako kinakabahan ng ganito?




Napaangat ako ng tingin sakaniya. I saw him glanced at me with those serious eyes. Bumaling na siya sa ginagawa habang nagpapatuyo ng buhok. I bit my lower lip. Naglabas siya ng isang white v-neck tshirt at isang sweat shorts. Inihagis niya iyon sa kama at naghanap na ng damit niya.




"Wear those." Tumango naman ako ng parang sunod sunuran. I went to the room's bathroom and changed my clothes. Amoy ko sa mga damit niya ang amoy niya! Hinubad ko na ang damit ko at pinalit ang mga damit niya. Uminit ang psingi ko. Talaga bang nasa puder niya ako? Hindi pa nga kami masyadong close eh!




I opened the door and already finished dressing up. Nakita ko rin siya na nakadamit na at nag aayos ng kwelyo at nang pagtutupi sa gulo ng polo. I even saw him fixed his neck tie pero nang bigo ay inis niya itong tinanggal. He doesn't know how to wear that? Nanliit ang mga mata ko.




"Uhh. Thanks for the help. I should probably go now." Aamba na sana ako na aalis but he stopped me.




"Hatid na kita." Napahinto ako sa paglalakad. What? Hindi nalang ako nagsalita at tumango. I should just accept his kindness right? 




Pumasok na kami ng elevator. And it's fucking awkward here! Pinagdasal ko nalang na sana bumukas na itong elevator! My phone rang. Thank goodness Paige called! I answered her call.




"Hmm?" I talked first.




"Nasan ka na ba? Your car is here right now sa condo ko. Pinadala ata ng dad mo." Napakunot ang noo ko. Bakit naman ni Dad papadala sa condo nila Paige?




"Ah sige.. Didiretso na ako diyan. Sabay na rin tayo pumasok." Sabay na kami papasok dahil malapit lang naman ang workplace niya sa amin. 





After the call nagpaalam na ako. Sumunod na ako kay Kairo papuntang parking. He opened the front seat. I saw his jaw clenched. Napahinto ako. I saw his expression telling me to get in. Pumasok na ako at isinara niya ang pinto. This is going to be our first time together in a damn car! Uminit ang pisngi ko. 

Nothing has changedWhere stories live. Discover now