Chapter 5

88 5 2
                                    

Ito na Yeppuda_Kim, para sayo to.

Pinilit ko lang mag UD ngayon kaya pasensya na sa nakayanan ko. HAHA

COMMENT, VOTE, FAN and LIKE po sa GUSTO

THANKS SO MUCH. MWAAAAAAAAAAAHHHHHH!!!

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Tapos na ang klase ko, nagkape muna ako dito sa malapit na coffee shop. Sumakit na naman ang ulo ko sa Andrei na yon, san ba kasi pinaglihi ang batang yon! Padabog kong inilipag ang tasa ng kape sa mesa.

Hindi bale, 2 weeks nalang matatapos na ang kalbaryo ko sa mga makukulit na batang yon. Humigop ulit ako ng kape.

“Hi!”


Familiar ang boses, tumingin ako sa lalaking nasa harapan ko.

“Mr. Deltiero, no I mean Alec kanina kapa?” tanong ko. Nagulat kasi ako sa bigla nyang pag sulpot.

Naupo sya sa harapan ko. May inorder din syang cappuccino.

“Kamusta si Andrei sa school?” nakangiti nyang tanong. Nakz naman ngayon ko lang napansin gwapo din naman pala sya.

“Si Andrei? As usual number 1 pading pasaway sa classroom. Di ko na nga alam ang gagawin sa batang yon.” Sagot ko sa kanya. Napailing naman si Alec sa sinabi ko.

“Pasensya na sa batang yon ha? Hindi ko talaga maintindihan minsan si Andrei kung bakit nagiging pilyo sya lalo na pag may kausap o kasama akong babae, inaaway talaga nya.” Paliwanang ni Alec. Seryoso yung mukha nya, hirap na din siguro sya sa pasaway nyang anak-anakan.

Nagkwentuhan kami nang kung ano-ano, nalaman ko na isa pala syang architect at sya ang nang design ng school ni papa. Sya din ang magdedesign ng extension ng school pag naaprovan na ng depEd ang extension permit nina papa. Hindi boring kasama si Alec, tawa pa nga ako ng tawa sa mga kinukwento nya. Sa sobrang sarap ng pakikipag kwentuhan ko inabot na kami ng gabi.

“Ah, Alec… Kailangan ko nang umuwi gabi na pala, napasarap yata ang kwentuhan natin.” Tumayo na ako at dinampot ang bag ko. Tumayo na di si Alec.

Nasa talyer yung kotse ko kaya magtataxi nalang muna ako. Lumabas na kami ng coffee shop. Kamalasan pa nga at umuulan, wala din akong dalang payong.

“May sasakyan kabang dala?” Tanong nya sakin.

“Pinapaayos ko pa sa talyer e, magtataxi nalang ako.” Nginitian ko sya.

“Ihahatid na kita.” Offer nya sakin. Hinubad nya ang suot nyang coat at ipinatong sa ulo ko.

“Let’s go” Inakbayan nya ako at sumukob sa coat saka kami naglakad papunta sa parking lot.

Nilalamig ako pero ramdam ko ang init ng katawan ni Alec. Napatitig ako sa mukha nya habang naglalakad kami.

It Takes Two  < ONGOING >Место, где живут истории. Откройте их для себя