Chapter 12

19 0 0
                                    


Nasa 60% na ang renovation ng building namin ni motherlu and I am so excited. Habang inaayos ang building namin nagrerent naman si Motherlu ng pwesto para sa mga designs nya. Hindi kasi kasya ang mga yun sa maliit kong boutique.

Nandito ako ngayon sa temporary boutique ni motherlu. Sabay kaming nag lunch.

"Junakiz, sama ka nextweek sa Hongkong?"

"Sinong mag babantay ng renovation?"

"Si papa Alec. Masyado mong kinakareer ang pag babantay sa building junakiz ha. O baka naman iba binabantayan mo." Tatawa tawang sabi ni Motherlu. Kainis.

"Gusto ko lang maganda kalabasan ng bago nating building no. Sayang naman ang nainvest nating pera para sa renovation kung palpak lang diba." I said sabay inom ng frap ko.

"wushuuu. If I know." Tatawa tawa si motherlu.

"Maiba tayo mudrabels. Nabanggit mo kahapon ikaw ang magsusuply ng ibang damit sa US-mart? Anong balita doon? International clothing kana talaga mudrabels. I'm so proud of you."

Tumayo si mudrabels at nag fashion show sa harap ko.

"WAPAK! Well unti unti ng natutupad ang dreamlalu ko junakiz. I will be the next Michel Cinco. Pak pak pak! Ganern!" Bumalik na sya sa kinauupuan nya pagkatapos magpasikat sa tsunami walk nyang ewan. "Pero naisip ko junakiz, what if I market ko ng bonggang bonga ang mga designs ko?"

"Ay OO. Yes na Yes motherlu. May kilala akong agency para dyan. We need models or celebrity for that syempre kunin natin yung mga sikat."

"Aaahhyyyy! OO." Napatayo kami saka nagkapit kamay sa sobrang excite. "Dadamihan ko ang design ng mga panlalaki para madaming hot fafables." Hinampas ko sya sa inis.

"Yun pala habol mo. Magbagong buhay kana mudrabels. Magiging sikat kana kaya dapat demure image mo." Biro ko sabay aktong pademure na umupo. "Ganun! Motherlu isasabay ko na ang mga bags ko sa pag mamarket para isahan nalang. Makakatipid ako. Love you motherlu may fairygod mudrabels." Nilapitan ko sya saka niyakap.

"Tse! Tyanak ka! Hilig mong maki ride on. Kung hindi lang kita anak!"

"Tyanak talaga? So ano ka impakta?" Biro ko sabay peace sign.

Tuloy kwentuhan namin sa marketing ng designs namin. Ayyiiie! Super excited na ako. Naiisip ko palang kinikilig na ako. Makikilala din ang mga designs namin worldwide. After naming magchikahan tinawagan ko kaagad yung agency na kakilala ko.

**

"Sir Stanley." Sigaw ni Allison Naka headset kasi ako habang nagpapahinga after ng nakakapagod na shoot.

"Sir, may bisita po kayo. Nasa labas ng tent"

Tumayo ako. Napangiti nalang ako. Si Jekz siguro ito. Namiss na naman ako.

"Hi Stan." Bati ni Jenica. Sya lang pala. Napakamot tuloy ako ng ulo.

"Dapat sinabi mo tulog ako. Tss!" Bulong ko kay Allison.

"What's bring you here?"

"I just want to see you. I brought your favorite snack. Cubano Sandwich!" Pinakita nya sakin yung paper bag na bitbit nya.

"Busog ako. May sasabihin ka paba? Magshoshoot na kami eh."

"Sabi ni Derik kakabreak nyo lang. Please Stanley, wag mo naman akong iwasan." Lumapit sya sakin at yumakap. "Please... I love you Stan. Please give me another chance, magbabago na ako." Inilayo ko sya sakin. Nakakainis. Sana walang paparazzi.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 09, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

It Takes Two  < ONGOING >Where stories live. Discover now