Chapter 4

81 4 2
                                    

“Motherlu bat mo ba ako pinapasuot ng ganito, ang kati kati naman sa balat e” Reklamo ko habang kamot ako ng kamot sa leeg at braso dahil sa citrung tela na kumakapit sa balat ko. Mahilig sa mga damit si Motherlu at ako naman sa Bag.

“Junakiz wiz ka muna malikot, makati ba talaga? Di pa kasi tapos ang pagkakatahi nyan e. Isukat mo lang para makita ko ang mga dapat irevise.” Sagot ni mudrabels.

After ng makating dress, pinasuot naman sakin ni Motherlu ang isang balloon na dress na kulay cream. Elegant sya tingnan kaya di na ako nagreklamo sa kanya.

“Ganda nito motherlu, I like it!” Sabi ko habang paikot ikot ako sa harap ng malaking salamin.

“Yes, peg ko din yan. Palong palo ang design.”

Magbibihis na sana ako nang pigilan ako ni motherlu.

“Wiz kana mapalit, sa inyo na. I feel mo muna ang dress na yan okay?” Sabi ni motherlu saka ako pinagtabuyan sa kanyang bahay.

Minsan talaga may topak si Motherlu, o baka naman may parating syang bisitang jowa kaya pinag-mamadali akong umalis.Tsss, sumakay na ako ng kotse. Nasa may intersection road na ako, naka-red light pa kaya nakahinto ako sa tapat ng malaking building. Napatingin ako sa isang banner. Halos mapatalon ako sa sasakyan ng maalala ko na ngayon nga pala yung exhibit, sana hindi pa tapos. Nang mag-go signal na agad kong iniliko ang sasakyan papasok sa entrada ng hotel. I parked my car at halos magkandarapa ako papunta sa reception area to ask if where’s the exhibit. Sinamahan ako ng isa sa staff sa lugar kung saan ginaganap ang exhibit.

Asan na kaya si Stanley Cullin na yon. Utang na loob magpakita kana. Naglakad lakad ako, gumagala ang mga mata ko. Buti nalang formal attire ang tema ng exhibit dahil kung hindi baka COA(center of attraction) ako dito ngayon. Hays!

OMG! May dabyana!

Napaatras ako dahil may rumaragasang babaeng ubod ng taba na naka long gown pa na halos pumutok na sa sikip sa kanya. Walang pakundangan sa paglalakad kaya kahit mabangga nya ang makakasalubong nito ay wala syang pakialam. Nang dahil naman sa biglaan kong pag atras para makaiwas sa dabyanang yun may naatrasan naman akong tao. Super nagulat ako nang lingunin ko sya. Atlast!

“Stanley Cullin?” Bulyaw ko.

“Yes? Do I know you personally or you’re just one of my fans?” straight forward nyang tanong. Kapal ng mukha fans ka dyan. Ugh!

“No. Naiwan ko kasi sa kotse mo yung paperbag ko na may lamang signature bag na bago kong bili sa mall. That was the time nang kaladkarin mo ko palayo sa mga FANS mo.” Inempasized ko talaga ang FANS dahil hindi ako isa sa mga fans mo. Duh! Ni hindi ka nga sikat.

“ah!” Maikli nyang sabi.

“So sayo pala yun” dugtong pa nya.

Naging seryoso ang mukha ni Stanley nang makita nyang papalapit samin ang babae na kung hindi ako nagkakamali ay si Jenica Sia. Ngumiti sya kay Stanley.

“Hi Staley, Thank you for accepting my invitation.” Tumingin sya sakin.

“Who is she?” Nakangiti naman sya sakin.

Bigla akong inakbayan ni Stanley. Saka sya ngumiti, ako naman windang parin sa pagkaka-akbay nya.

“S-she’s my girlfriend.” Masigla nyang sabi kay Jenica. Ohmygad! Anong pinagsasabi nito!

“Ha?! Anong…” react ko sa sinabi nya pero di natuloy yung sasabihin ko ng sumabat si Stanley.

“C’mon sweetheart, bwasan mo na kasi ang paginom ng kape. Pasensya na Jen, she’s kinda nervous sometimes.” Paliwanag ni Stanley.

“It’s okay. Nice to meet you…”

“Jekz, her name is Jekz” Dugsong niya.

“Nice to meet you Jekz.” Ngumiti sya, ngumiti nalang din ako. Sasakyan ko nalang ang leycheng Stanley na to.

May lumapit kay jenica at may binulong, that moment naman nakakuha ng chance na bumulong si Stanley sakin.

“Just act okay? Kung ayaw mong hindi na mapabalik sayo ang bag mo.” Bulong nya.

Punyemas ka talaga. Ikaw naman talaga ang may kasalanan kung bakit naiwan sa kotse mo ang precious bag ko. Nakakagigil. After magbulungan nung lalaki at ni Jenica nagpaalam na sya samin saka nag speech sa stage. Bumitiw na sa pag kakaakbay si Stanley.

“Hah! Grabe ka papangalan mo na nga lang ako ang baduy pa. Jekz jekz ka pang nalalaman.” Sabi ko sa kanya.

Di sya sumagot. Binigyan lang nya ako ng isang matinding irap. Wiset talaga! Naglakad na sya palayo sakin.

“Hoy Staley! San ka pupunta? Yung bag ko?!” Habol habol ko sya.

Nang maabutan ko sya hinila ko ang suot nyang gray coat.

“Ano ba!” Iritable nyang sigaw.

“My god Stanley Cullin. Gusto ko lang mabawi ang bag ko kaya pwede ba ibalik mo na sakin.” High speech na din ako.

“May ballpen ka?” Tanong nya.

Hinalikwat ko ang bag ko para kunin ang ballpen at inabot sa kanya.

“Anong gagawin mo sa ballpen?”

Hinila nya ang kamay ko at nagsulat sa napaka-lambot kong palad. Grabe na talaga ha! Bumibingo na tong lalaking to. The heck na gawin nyang papel ang palad ko. Ibinalik nya ang ballpen at tuluyan ng umalis.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

This is my second story sa wattpad...   Please support me... THANKS...   VOTE, COMMENT, LIKE naman po pag nagustuhan nyo.   Sa unang mag comment sa kanya ko idedeDICATE ang next Chapter. :)))    

It Takes Two  < ONGOING >Where stories live. Discover now