Isang Malaking Aso

123 2 0
                                    

Teacher J


Si Jessa Litao cortez ay isang bagong graduate na guro mula sa Philippine Normal University. Bachelor in Secondary Education- Social Science ang kanyang natapos. Ito ang kanyang pangarap simula ng siya ay bata pa. Kapag naglalaro siya ay nagkukunwari siyang may mga mag-aaral na kinakausap at tinuturuan. 

Pangarap niyang makapagturo sa isang paaralan na sa tingin niya ay makakatulong siya sa mga mag-aaral. Pinanagrap din niya na pagsilibihan ang kanyang mga kababayan sa kanilang probinsiya kaya nang siya ay nakatapos ay agad siyang umuwi upang doon maghanap ng paaralang kanyang pagtuturuan. Escuela De San Agusteen ang kanyang napasukan. Dito siya magtuturo at nagrereview pa siya upang makapasa sa Licensure Examination for Teachers. 

Ilinilagay si bilang adviser ng Grade 10, hindi niya inaasahan ito dahil katatapos lamang niya at 5 taon lamang ang agwat ng kanilan edad. Ngunit tinatnggap niya ito katwiran niya ito ay challenge sa kanyang pagiging guro.

Sa unang araw ay nakilala niya agad ang lider-estudyante na si Henry. Ita itong responsableng estudyante. Matalino ito at magaling sa pagguhit.  naging maganda ang samahan nila bilang mag-aaral at guro. Minsan ay napapagalitan din niya ang mga ito lalo na kung may mga kalokohan ding nagagawa ang mga ito.

Makaraan ang ilang linggo ay napansin niyang lahing balisa si Henry at laging nahuhuli ito sa pagpasok sa klase. Tinanong niya ito ngunit ngunit lang ang sinasagot. Ano kaya ang nangyayari sa batang ito?

---Ahhhhh! Biglang bangon ni Henry, humihingal, pumasok ang kanyang ina na may dalang isang  basong tubig.

"Ano ba naman ang iyong napanaginipan mula ng mag-disi-sais anyos ka ay lagi ka nang ganyan? Ano ba ang gumugulo sa isip mo? Manong tumigil ka na nga sa pagbabasa at panonood ng kung anu-ano."

Hindi sumagot si henry, bagkos ay tumayo siya at namintana at malayo ang kanyang tingin. Nabahala naman ang kanyang ina. Masayahing binatliyo si Henry, nilapitan niya ito.

"Kung ano man ang gumugulo sa iyong isipan ay kalimutan mo na, magdasal ka bago matulog nang magkaroon ka ng kapayapaan". hinagod ng ina ang buhok at likod nito pagkatapos ay nagpaalam na siya na matutulog nang muli. Tumango naman si Henry at sinabing gagawin niya ang bilin ng kanyang ina at matutulog ng muli.

Maya-maya nga ay humiga na siyang muli at muli ay binalikan niya ang malinaw na mga pangyayari sa kanyang mga panaginip. Hinahabol siya ng isang malakin aso na kulay itim, takbo raw siya ng takbo hanggang sa makarating siya sa isang medyo may kataasang bakod at inakyat niya ito ngunit sinundadn pa rin siya ng aso kaya napatalon siya at bumagsak at  nagising na siya. Kung tutuusin ay parang hindi naman nakakatakot ang kanyang panaginip napasigaw lamang siya dahil siya ay bumagsak. Ngunit hindi iyon ang unang araw ng kanyang mga panaginip na parang walang katuturan o anupaman, at tama ang kanyang ina, nagiging madalas na nga ito. Kaya rin siya napagsasabihan ni Teacher J. Ang adviser nilang cool kaya iyon ang tawag nila.

Hindi na lamang pinansin at gaya ng sinabi ng kanyang ina ay nanalangn siya presto nakatulog na siya. mahibing na pagkatulog.

Escuela De San Agusteen - Teacher JWhere stories live. Discover now