I received a text message from my.... Mom. Wow she finally decided to message her daughter! I sarcastically rolled my eyes. I opened the message and I expected it to be a good message but not.



Mom:

You should enroll on the school near there, April. Kami na ang bahala sa paaralan at para makapagenroll ka na ng maaga. Papadalan ka namin ng pera para sa pagbili ng mga gamit mo.




She messaged me a very long one but never cared to ask me if I am fine here. I replied a simple okay. Bakit nga ba ako mag eexpect pa ng pag aalala mula sa kaniya?



After a long day, I finally went home. Nilibang ko muna ang sarili sa magandang tanawin sa paligid. Malapit na ang paglubog ng araw. I'm very excited to see it! Nawala ang pagmumuni muni ko nang may kumatok sa pintuan sa baba. Kumunot ang noo ko. Maybe Pea again?



Tinakbo ko ang pagbaba at binuksan agad ang pinto. Napawi ang ngiti ko nang hindi si Pea ang bumungad sa akin. It was Kairo. He is wearing a simple gray shirt and a sweat shorts. Napatingin din ako sa dala niyang pagkain.


"Magandang gabi.." He smiled.



I opened the door for him. Goodness, I didn't know I was this quick to open a door for a visitor.



"Mayroon akong pagkain dito. Ngunit hindi na siya ganoong kainit. Gusto mo bang initin ko muli ito, miss?" Huminto siya sa harap ko para hintayin ang isasagot. Nakatulala lamang ako at gulantang pa rin sa sinabi niya. I nodded. He proceeded to out kitchen to start cooking.




Bakit ba siya biglang nagdala ng pagkain dito? Pero mabuti na nga at hindi pa rin dumarating si kuya Leo! I don't have any food here yet.




Pinagmasdan ko siya habang iniinit ang ulam at kanin. His messy hair looked really good to him. I chuckled a bit when he bitted his lip while cooking. Napakapula ng labi niya para sa isang lalaki! I took a photo of him secretly at baka magsungit na naman ito kapag nalaman. I sent it to Paige. I heard some plates na hinanda ni Kairo. The dish smells so good! Naglabas kaagad ako ng kutsara at tinidor para simulan ang pagkain. Shit! It tasted so good!



Narinig ko ang pagtawa niya. Pati ang pagtawa kailangan manly? Damn.



"Kain ka!" Inalok ko siya. He only nodded so I started eating again. I saw him opened the fridge and pulled some water. Nagsalin siya sa isang baso ng malamig na tubig. I thanked him for that dahil sobrang kailangan ko na non.





"Bakit ka nga pala nandito?" I suddenly asked. Nakakapagtaka nga naman kasi diba? He went here to bring me food and cooked for me. Uminit ang pisngi ko.





"Gusto kong malaman kung maayos na ang lagay mo. At mukhang malungkot ka rito mag isa, miss." Diretsong sabi niya. Hindi siya nagbigay ng kahit anong ekspresyon kung hindi ang seryoso niyang titig.




Tumango ako, "T-thanks for saving my life. Anong gusto mong kapalit?" Nag aalinlangan ko pang tanong. Damn, bakit ba ako nagsasabi nang ganito! Paano kapag mahirap ang hingin niya?


He smirked, "Hayaan mo akong puntahan ka rito nang madalas, miss. Iyon lamang ang hinihingi kong kapalit."



Uminit ang pisngi ko. For what? Naguguluhan na ako!



"Tutulungan kita sa paglilinis ng iyong tinutuluyan. Unahin natin ang hardin ninyo. Bukas ng umaga.." nagulat ako sa sinabi niya. We have a garden! I didn't know! Anong klaseng may ari ako ng bahay?



I looked out the window. Malapit na ang paglubog ng araw! Tumayo ako ng mabilis. Hinila ko siya paakyat sa veranda. Wala na akong pake kung magtaka siya alangan namang iwan ko siya rito!




I smiled. Napakasarap sa feeling ng paglubog ng araw! Tinignan ko ang katabi ko na kanina pa ako pinagmamasdan. Ngumiti ako.




"I'm sorry I act like this. Hindi ko kasi ito madalas makita sa maynila. Just city light, you know." Sabi ko at bumaling na sa harapan. I saw some couples taking a photo. Napangiti ako. Siguro ay dayo iyon dito.




Dinama ko ang presensyang handog ng paglubog ng araw. I smiled. From now on, this is going to be my favorite place. Sobrang totoo sa feeling. I am now learning to be true on my own. Parang ang paglubog ng araw ay ang paglinis ng mga masasamang nangyari sa buhay. Parang mapapatawad mo ang lahat ng may sala sayo at sa lahat nang pinagkait saiyo.


"I think this place is what I'm longing for. Hindi pa naman siguro huli ang lahat noh? Lahat ng tao nagbabago." I said. Hindi ko alam kung bakit ko sakaniya sinasabi ang mga ito pero I just feel like I need to.



Kita ko ang mga pagtataka niya. Someday masasabi ko rin lahat sayo..

"Thank you for being here." I smiled. All I know is that my words are pure right now.


"Walang anuman, miss. Kahit kailan pa 'yan." He smiled and viewed the surroundings. Hindi ko mawala ang tingin sakaniyang mukha.


|Next|

Nothing has changedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon