Chapter 11

4.6K 122 6
                                    

EARYL'S  POV

1 month na ang nakalipas simula nung pumunta ako dito sa Sta. Elena at masasabi kong naging masaya ako kahit papaano dahil nakakagala ako kahit saan ng walang nakakakilala sakin sa manila kasi bahay at restaurant lang ang punta kp dahil kung may pupuntahan man ako o kaya ay mamamasyal at lagi nalang akong napapagkamalang si Cia

Kaya dito malaya ako at hindi ko na kailangang mag panggap

Nagluluto ako ng makakain ng may kumatok sa pintuan ko sa isang buwan ko dito wala ako halos kakilala dahil hindi naman ako pala kaibigan

"Saglit lang"-sabi ko at hininaan yung apoy nung niluluto ko at pumunta ako sa may pintuan at binuksan ko yun at nanlaki ang mata ko ng makita ko kung sino yun

Agad ko syang niyakap at ganun din sya

"Kuya!!!"-sabi ko at napaluha na

"dito lang pala kita mahahanap"-sabi nito bumitaw na ako sa pagkakayakap ko sa kanya at pinapasok ko sya sa loob at pinaupo

"Kelangan ka pa bumalik dito kuya"-tanong ko dito 5 years din kasi kaming hindi nagkita

"Nung isang buwan pa pumunta ako kila mommy at wala ka daw dun at sinabi din nilang pinalayas ka nila"-sabi nito kaya napayuko nalang ako

"Sorry kung wala ako sa tabi mo nun, sorry bunso, babawi ako sayo promise"-sabi ni kuya at nginitian ko naman sya

"Hayaan mo na yun kuya ayus lang yun saka di naman alam nila mommy ang totoo kaya wala silang kasalanan"-sabi ko dito

"Kahit na dapat inaalam pa rin nila kung ikaw ba talaga yun"-sabi ni kuya

"Kuya ayoko ko rin namang mapahamak pa si Cia kambal ko pa rin naman sya kahit papaano at saka isa pa siguro may kasalanan din naman yata ako sakanya"-sabi ko dito

"Wala kang kasalanan sa kanya hindi sa kinakampihan kita pero mali talaga si Cia dahil ipinapahamak ka nya nalaman ko yung nangyari sa restaurant at nalaman kong si Cia ang may gawa nun at kahit kapatid natin si Cia at hindi ko sya kukunsintihin sa mga ginagawa nya"-sabi ni kuya

"Hayaan nalang natin sya kuya kung yun ang ikakasaya , masaya na ako ngayon dito, dito hindi ko kailangan na magpanggap na si Cia , dito malaya kong masasabi kung anong totoo kung pangalan hindi pangalan ng kakambal ko "-sabi ko sa kanya at ngumiti

"At gusto kong manatili dito"ako

"Hindi kita pipigilan sa pasya mo dahil kung saan ka mas sasaya  dun ako"-sabi ni kuya kaya naman niyakap ko sya

"Thank you kuya kasi kahit papaano may kakampi pa rin ako at isang tao na itinuturing akong pamilya;-sabi ko dito habang nakayap at napaluha ako ng maalala ko sila mommy

"Hindi na ako aalis pangako hindi na kita iiwan lagi nalang si kuya sa dito sa tabi mo"-sabi ni kuya at niyakap ako  at nanatili lang akong nakayakap sa kanya hanggang sa

"Teka ano yung parang nasusunog?"-tanong ni kuya kaya nanlaki naman ang mata ko at agad na kumalas sa pagkakayakap ko kay kuya at tinakbo ko yung niluluto ko

________________

Nagpakilala na po si someone 😅 sorry po kung nag isip pa kayo kung sino sya.

Thank you po sa mga nagbabasa ng story ko and sorry po kung maikli lang yung update ko

Being He's Subtitute Wife [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon