Tinalikuran din ni Harry ang maraming tao at sumunod naman si Leia sa boyfriend niya palayo doon. Napunta sila sa likod ng isang building. Wala na gaanong dumadaan doon.

"Harry-"

"Your best friend likes you." he spat.

Umawang ang labi ni Leia. "H-Harry... What are you saying,"

Nakatingin si Harry sa kaniya. Mukhang galit ito kay Levi.

Umiling si Leia. Tapos nilapitan pa niya si Harry at tiningnan ang maliit na sugat sa gilid ng labi nito. "Patingin-"

Pero umiwas si Harry. She sighed. "Akin na," inabot niya muli ang mukha nito. Hinayaan na siya ni Harry. "Magkaibigan lang kami ni Levi... He's just worried,"

Hindi na nagsalita si Harry. Sa huli ay sinamahan niya ito sa clinic at nanatili sa tabi nito hanggang makatulog ito doon. Mukhang pagod din kasi si Harry sa basketball nito.

"Levi, why did you do that?" hindi na siya naiwasan ni Levi kasi pinuntahan na niya ito sa bahay nito.

"It's his fault."

"What?" she sighed. "Levi-"

"Nagkasakit ka dahil hindi ka niya sinipot sa date n'yo, right? Wala siyang pakialam. Pinaghintay ka pa niya doon? Paano kung may nangyaring masama sa 'yo-"

"Levi!" hindi na niya napigilan. Mag-aaway pa yata sila na hindi naman nangyayari noon. Natigilan ito. Leia sighed. "Levi, noong isang araw pa 'yon. It wasn't Harry's intention. Makikipagkita naman talaga siya dapat pero biglang kailangan siya sa kanila. Biglaan hindi agad nasabi sa kanya." she tried to explain Harry's side. Ayaw niyang tuluyang mag-away ang dalawang lalaking mahalaga sa kaniya.

Hindi na nagsalita si Levi at parang ayaw na siya nitong kausapin. Hinayaan na lang muna iyon ni Leia. Naisip pa niya iyong sinabi ni Harry pero inalis din niya agad sa isip. Not possible, she thought.

Okay naman sila ni Levi. At least kinakausap pa rin naman siya nito kapag kinakausap niya ito. Nga lang parang may wall na talaga sa pagitan nila. Syempre nalulungkot si Leia. Na-m-miss pa rin niya ang kaibigan. Ang dati. Pero okay naman sila... Levi also attended her eighteenth birthday. It was grand. Her mother was hands on with the preparation. They invited everyone. And syempre si Harry and escort niya.

Napangiti si Leia nang makita ang gift sa kaniya ni Levi. It was the next day after her debut. She was opening gifts. Hindi rin naman siya napagod sa party niya. May after party din but Harry was with her at binilinan ito ng Dad niya kaya hindi rin sila nagtagal doon at inuwi agad siya ni Harry sa kanila. Hindi rin sumama si Levi doon. Parang bigla na lang itong nawala sa party niya. She pouted.

Nakatingin siya sa regalo sa kaniya ni Levi. It was an expensive bag na pwedeng isa sa mga magagamit niya sa college. At ngayon pa lang favorite niya na iyon. While Harry gave her a necklace na ang Mommy raw nito ang pumili. Nagustuhan niya rin ang magandang necklace and she kissed Harry matapos niyang makita ang kuwintas. It was their first kiss. Nasa loob sila noob ng hotel suite kung saan rin ang venue ng party niya. Kakatapos lang siyang inayusan at pinalabas muna ang mga tao doon nang pumasok si Harry para mapag-isa silang dalawa. Binati siya nito at biniga sa kaniya ang kahon na naglalaman ng regalo nito sa kaniya. Napangiti siya nang makita iyon at hinayaan si Harry na isuot iyon sa kaniya. Napatayo siya pagkatapos at nagkatinginan sila bago ang halik.

Napangiti si Leia nang maalala iyon. Naisip niyang buksan ang bag na regalo sa kaniya ni Levi. May isang regalo pa pala sa loob no'n. Isa rin kuwintas. Hinawakan niya iyon at napatayo. Pupuntahan niya si Levi.

Nga lang nang makarating doon ay naabutan niyang nagpapaalam na ito. "W-Where are you going, Levi?"

Tiningnan siya ng kaibigan. "I'll study abroad."

"Huh? W-Wala ka namang sinabi sa 'kin-"

"Oh, Levi? You did not tell Leia about this?" baling ng Mommy ni Levi sa anak nito.

Nagpaalam muna si Levi sa pamilya nito at hinila siya sa garden ng bahay ng mga ito. "Leia, sorry I did not tell you. Nag-usap na kasi tayo na mag-e-enroll sa school na gusto natin,"

Tumango si Leia. Nakatingin lang kay Levi.

Levi sighed. "I changed my mind and now I want to study abroad."

Tumango muli si Leia. "Sana nagpaalam ka pa rin sa 'kin. Maiintindihan ko naman."

"I'm sorry," Levi was looking at her.

Niyakap na lang ni Leia ang kaibigan. "Kung hindi ba ako pumunta rito hindi ka talaga magpapaalam sa 'kin?" naiiyak niyang sabi habang nakayakap kay Levi.

Niyakap na rin siya nito. "No, dadaan nga ako ngayon sa bahay n'yo para magpaalam..."

Tumango na lang si leia. "I will miss you, Levi."

"I will miss you, too..." Levi said and tightened the hug.

He kissed her forehead bago ito tuluyang pumasok sa sasakyan na naghihintay at patungo na sa airport.

Revenge of a Broken HeartWhere stories live. Discover now