Chapter One

12.5K 256 10
                                    

"Happy birthday, Levi!" malaki ang ngiti ni Leia nang batiin ang matalik na kaibigan.

Levi just smiled at her. Hindi niya nakakalimutan ang kaarawan nito. Madalas pa siya ang nauunang bumati rito.

"Paunahan tayo sa punong 'yon," tinuro niya ang isang malaking puno hindi kalayuan.

"Kapag ako ang nauna doon-"

"You will use my birthday wish." pagtatapos ni Levi sa sinasabi niya.

She just grinned from ear to ear.

"Yay!" tuwang tuwa si Leia nang manalo.

"Hanggang ngayon, Levi, ang bagal mo parin tumakbo." she giggled a bit.

"Make a wish." Levi said, instead.

Excited na tumango si Leia at pinikit ang mga mata.

Habang humihiling naman ang dalaga ay tumitig lang si Levi rito. Leiana's beautiful. Her dark hair's thick and long with natural waves. Her eyes... nose... Her lips... Namumula ito na bagay sa maputing balat.

Nakita niya ang bahagyang pagkunot ng noo nito nang magmulat ng mga mata ay naabutan siyang nakatitig dito. Levi blinked once or twice at niyaya na itong umalis.

"Why do you like using my wishes, anyway?" naalala niyang tanong niya kay Leia isang beses.

Malaki ang ngiti nitong bumaling sa kanya. "Kasi nagkakatotoo 'yung wishes ko kapag birthday wish mo gagamitin ko! Kapag kasi birthday ko parang hindi naman natutupad... Weird." Leia explained, shrugging her shoulders.

Lumakas ang bulung bulungan at halos magkagulo lalo ang mga babae sa cafeteria habang kumakain sila ni Levi doon. It was lunch break.

Kasama ang ilang kaklase ay dumating si Harry Samaniego. Bago lang ito sa school nila at isang transferee. Pero nakuha na agad nito ang loob ng mga babaeng schoolmates at isa na siya.

Nahinto siya sa pagkain at hindi na naalis ang tingin sa binata.

"Finish your food, Leia." saway sa kaniya ni Levi.

Leia sighed nang lumampas na sa mesa nila ang crush niya. "You think Harry will like me?" she asked him.

Hindi agad nagsalita si Levi. "Everyone likes you." binalik nito ang atensyon sa pagkain.

She pouted her cute lips.

Ngumiti lang si Levi sa kaniya.

"Leviticus!" malakas na tawag ni Leia sa best friend niya habang umaakyat pa lang sa grand staircase sa bahay ng mga Gozon.

Napatakip siya sa bibig nang mapuna ang kaingayan. Kinalma niya ang sarili at nagtuluy tuloy sa kwarto ni Levi.

"Levi!" agad niyang niyakap sa leeg ang kaibigan matapos siya nitong pagbuksan ng pinto.

Pinakawalan ni Leia sa yakap ang kaibigan at gigil na pinisil ang mga pisngi nito.

"What-" inayos ni Levi ang eyeglasses nito.

"Guess what?" she was obviously excited.

"What?"

Ngumuso nalang siya sa kaibigan. Pero hindi nabawasan ang saya niya. "Harry invited me to his birthday!"

Binagsak ni Leia ang katawan sa malaki at malambot na kama ni Levi. Kasing laki ng kama niya sa bahay nila. Sinugod talaga niya ang kaibigan nang gabing 'yon para personal na sabihin dito na inimbita siya ng crush niya sa birthday nito!

Napa-iwas naman ng tingin si Levi sa dalaga na nakahiga sa kama niya. Leia wasn't aware that her nightgown already reached her thighs. Umangat ang laylayan ng suot at kita na ang mapuputi nitong hita.

Revenge of a Broken HeartWhere stories live. Discover now