Chapter Three

4.8K 185 7
                                    

"L-Levi, puwede mo ba akong puntahan?" kausap ni Leia sa kaibigan sa phone.

"Leia? Why? Where are you? Gabi na-"

"D-Dito sa," nanginig siya sa lamig. It was raining at wala siyang dalang payong. May usapan kasi sila ni Harry na magkikita sa isang park pero biglang may pupuntahan raw ito kasama ang family nito kaya hindi sila tuloy pero naroon na siya at kanina pa naghihintay nang sinabi niti iyon sa kaniya.

"Leia, are you alright?"

"Y-Yes, Levi. Puntahan mo na lang ako, please. Hindi kasi ako nakapagpaalam kaya wala akong kasamang driver." hindi kasi siya papayagan pumunta basta sa public places. Gusto niya kasing ma-experience 'yung simpleng date sa isang park gaya ng nabasa niya kasama si Harry. She thought it was nice.

She told Levi where she's at. Napatayo siya mula sa swing na inuupuan nang makita ang pamilyar na sasakyan. Lumabas mula doon si Levi na may dalang payong. Mabilis siya nitong nilapitan at agad pinayungan. "What are you thinking?" mukhang galit si Levi. Hindi naman talaga ito nagagalit sa kaniya. "Lumabas ka sa mataong lugar without bodyguards or even your driver? Everyone know Tito Gaudencio, Leia. Alam kong alam mo 'yun. Paano kung may nangyaring masama sa 'yo? What if na-kidnap ka? Since when did you become stubborn?"

Nakapasok na sila sa sasakyan. Nag-drive na rin ang driver nila Levi. Nanginginig siya sa lamig at sa pagkabasa sa ulan. Binalot siya ni Levi ng towel.

Pagdating nila ay napagalitan nga siya. Agad siyang pinaakyat sa kwarto. Nakahiga na siya sa kama niya nang makatanggap ng message mula kay Harry. She opened it and read.

Harry:

Sorry about earlier, Leia. I didn't know about my Mom's plan.

She typed a reply.

It's okay, Harry. I understand. Mas important 'yung family dinner n'yo.

Harry:

I'm really sorry.

She typed in another reply:

It's really okay. Don't worry about me.

Nakatulog na rin siya nang gabing 'yon. The next day she had fever. Naka-absent tuloy siya. When Harry asked she told him that she's sick. Lalo itong na guilty but she assured him. Hindi rin pumasok sa school si Levi at piniling alagaan siya. Ganito na sila kahit noong mga bata pa.

"Thank you, Levi."

Pero seryoso lang ito habang sinusubuan siya ng soup na dinala doon sa kwarto niya ng katulong.

"Levi... Are you mad?"

Umiling ito pero seryoso pa rin. "No."

"I'm sorry,"

"Magpahinga ka nalang." tumayo na ito nang maubos niya ang pagkain.

Gumaling din naman siya agad at nakapasok na sila sa school. Palabas lang siya sa classroon nanh salubungin ng isang kaklase.

"Bakit, Marie-"

"Si Levi! Hinarang niya si Harry tapos sinuntok!" pagpapaalam nito sa kaniya.

"W-What?" kaya ba nagmamadaling lumabas si Levi ng classroom nila nang mag-break time? Inayos pa kasi niya ang bag niya.

Agad siyang sumama kay Marie. At naabutan nga nila na nagsusuntukan si Levi at Harry. Pareho ng tangkad at laki ang dalawa. Agad pumagitna si Leia para matigil ang mga ito. "Levi, what are you doing?!"

Tumingin lang sa kaniya si Levi. Pagkatapos ay tinalikuran lang sila ng kaibigan niya at iniwan sila doon. Her lips parted.

Bumaling siya kay Harry. "Harry, are you okay? What happened?"

Revenge of a Broken HeartWhere stories live. Discover now