3-The Bullies

1.6K 40 1
                                                  

Naging kaibigan ng mommy ko ang mommy ni Khaye.

Kaya naman ay lagi na kaming sabay pinapa-enroll, ang resulta, lagi na kaming magkaklase ni Khaye, kasabay nun ay kaklase ko parin si Gelo.

Nalaman ko na ang lola pala ni Gelo ay teacher ng Social Studies sa Grade 6 kaya lagi syang pinapa reserve ng section.

Nagtuloy tuloy ang pagiging magkaklase nmin ni Gelo hangang Grade 6.

Pero di ko na naging kaklase si Khaye kasi lumipat na siya nang school nung Grade 4 pa lang kmi.

Nung Grade 6 kami ni Gelo,

Marami nang nagbago.

Syempre kasi nagbibinata na sya pero kasabay din non ay marami ng babae ang nagkakagusto sa kanya.

Nalaman ng mga babaeng iyon na may gusto rin ako Gelo kaya naman simula non naghanap sila ng paraan para wag magkagusto sakin si Gelo,

Kasama nilang mga babae ang mga boys, karamihan pa nga sa boys ay barkada ni Gelo at dun nagsimula ang pang aasar nila sa kin ng kung ano ano... Kasabay nun ay ang hindi pag pansin sakin ni Gelo, hindi nya na ko kinausap, at iniiwasan nya na ko.

Wala kong naging kaibigan nung taon iyon.. kung meron man ay iisa lang, pinaplastic nya pa ko at yun ay si Kylie...

Lahat ng mga babae doon grupo grupo, kaya wla kong makausap.

Wla akong hinangad kundi ang matapos na ang taon iyon...

Natupad naman ang hiling kong iyon, at naka Graduate ako ng Grade 6 ng walang inaalala at walang binagsak na subject.

Ang EX Crush koTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon