8- Why Gelo? Why?

1.4K 31 1
                                                  

Tuwing nakikita kong may kasama si Gelo na babae. Di ko maiwasan magselos :(

Eh pano ba naman..... 8 years ko na syang crush.

Ako naman tong si feelingera! Na akala mo ex Boyfriend si Gelo!

Kung makapag selos parang umamin na si Gelo na may gusto rin!

Eh kung may gusto rin sya sayo.. edi sana umamin sya. At kung umamin sya noon pa man. Edi sana KAYO NA!

Lagi ko silang nakikita na magkasabay na kumakain sa canteen.

Minsan iniisip ko na sana ako yung girl na kasama nya kumain.

Magkaklase sila.

Nalaman ko yun kasi ang locker ko nasa 4th floor. At nakikita ko sila dun sa floor na yon.

Minsan pa nga sinundan ko sila ng tingin kung saan sila pupuntang classroom. Nalaman ko na section B pala sya...

Hindi impossibleng magustuhan ni Gelo yung girl kasi Maganda, Maputi, Matalino, at Classmate nya pa....

Kaya dahil doon.

Nawalan ako ng pagasa kay Gelo.

Pano nya naman ako magugustuhan eh simpleng tao lang ako.

Hindi naman ako kagandahan. Hindi naman ako ganun katalino. Ang kutis ko hindi naman kaputian.

Sobrang LAKI ng pagkakaiba ko sa Girlfriend nya ngaun.

Pero syempre ako BITTER. Naniniwala na WALANG FOREVER!

Iniisip ko na "Maghihiwalay din yan! Sa tamang Panahon!!"

One time nga nung 1st month palang of School year nag Message sa akin sa FB si Gelo,

Nagulat nga ako eh. Akala ko nagkamali lang ako ng basa. Totoo pala si Gelo yung nagmessage. Agad kong binasa ito.

Him: "(A link appears linking it to a Picture in an Fb account of girl)"

Me: "Anu yan??"

Him: "I like mo yung picture nya"

Me: "Baket??!! Eh hindi ko naman kilala yan!"

Him: "Eto naman ila-like mo lang naman tapos bumili ka narin ng ticket"

Me: "Like lang wala kong pera!"

Him: "Sige thank you!"

Me: "Welcome"

Him: " :) "

Me: "wew! Happy face? Ikaw ba yan?"

Him: "Seen 7:46 pm"

Nagulat ako kung paano sya nag rereply kasi hindi naman sya ganun!

Nung First year kami nagMessage rin ako sa kanya

Pero hindi naman sya ganun kabait magreply.

Me: "Hi!"

Me again: "Snob? Pmus?"

Me again: "Busy sa pag dota ha"

Him: "wag ka nga makulit!!"

Me: " :( "

>>>End of Conversation<<<

Meaning yung girl yung nag message sakin noon. Umasa ako!!!

Diba nakwento ko na na mayroon akong mga naging kaibigan na nagpareserve na din.

One time nagkita kami bumisita sya sa classroom ko upang mangamusta.... kaklase nya ngaun si Gelo...

tinanung ko sya tungkol dun sa Gf ni Gelo....

Me: Kilala mo si Gelo?

Her: oo. Kaklase ko yun eh.

Me: may Girlfriend na ba sya??

Her: oo

Me: mabait ba??

Her: oo naman!! Mabait sya kaibigan ko nga sya eh. Pala kaibigan sya. Matalino. Tapos ang sweet pa nila ni Gelo ^_____^

Mine-make upan pa nga sya nun eh. Tapos lagi sila magkasama lalo na pagkakain sa canteen. Matalino yun tapos nakakatawa silang dalawa.

*nanahimik nalang ako dahil sa selos at inggit*

3rd Grading na ngaun...

Pilit ko syang kinakalimutan. Naghahanap ako ng ibang magiging crush para makalimutan sya. Kinakalimutan ko na sya. Tuwin nakikita ko sila at nakakasabay sa pila sa canteen. Umiiwas ako ng tingin. Pero hindi ko sya magawang kalimutan.

Sya ang First love ko. At sabi nga nila "First love never dies"

Kaya panu ko sya mapapatay. Eh immortal sya!!!

Kung patayin ko talaga sya edi nakulong ako!!!

Ang EX Crush koTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon