Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte

05

53.7K 1.6K 143
                                    

"Yeah, she's pretty. She's pretty ugly, Mommy."

Nilingon ko si Theon at sinamaan ng tingin. I actually thought he was complimenting me but I was so wrong! Sabi ko na nga ba't wala talagang ibang lalabas sa bibig ng lalaking ito kundi puro panlalait lang sa akin.

"Theon Franco, that's not how you should say things about someone," pinagalitan ni Tita Rain ang anak. Sa pagkakatanda ko naman ay maayos naman kaming napalaki ng mga magulang naming lahat, hindi naman din nagkukulang ng pangaral at pagmamahal sina Tito Thunder at Tita Rain kay Theon, pero hindi ko na lubos maunawaan kung saan ba nagkulang ang pag-iisip ni Theon at gano'n na lamang ito kagago.

Hindi naman kumibo si Theon at nagkibit-balikat na lang habang nakangisi. Napailing naman si Tita Rain at tumingin sa akin. "Don't mind him, okay? You're pretty, just like your mom," sabi niya sa akin. Ngumiti naman ako nang matamis kay Tita Rain.

"It's okay, Tita. I'm used to it, alam ko naman pong hindi talaga marunong tumingin ng maganda si Theon," nakangiti ko pa ring sabi bago lumingon sa katabi ko. Natawa naman si Theon bago nag-angat ng tingin sa akin.

"I know how, you're just not my type," sagot nito sa akin. Humigpit naman ang hawak ko sa tinidor. Parang ang sarap biglang ibaon sa leeg ni Theon ang hawak ko. Pilit akong ngumiti at tumingin kay Theon.

"Don't worry, hindi rin naman kita gusto," sabi ko bago nagpatuloy sa pagkain.

Narinig ko ang pagtawa ni Tito Thunder. "Theon, make sure you won't put my friendship with Blue at stake, okay?" sabi nito na ikinakunot ko ng noo. Ano naman kaya ang ibig sabihin nito?

"Sweetheart." Tita Rain glared at Tito Thunder. He just chuckled.

Naging maayos naman ang dinner ko kasama sila, madalas naman din kaming nakakapagsalo sa pagkain kapag naiisipan ng mga magulang namin na magkita-kita.

"Theon, make sure to drive Lean home safely, okay?" bilin ni Tita Rain kay Theon nang magpaalam na ako. Kahit anong tanggi ko ay hindi sila pumayag na hindi ako ihatid ni Theon kaya naman wala na rin akong nagawa sa bagay na iyon.

"Yes, Mommy," tango nito bago kinuha ang susi ng sasakyan sa lamesa. "Let's go," aya niya sa akin at nauna nang lumabas.

I looked at Tito Thunder and Tita Rain. "Thank you po sa dinner. Mauna na po ako," paalam ko bago lumabas na rin para sundan si Theon.

Naabutan ko naman itong nakasandal sa sasakyan nito kaya nilapitan ko siya. "Bakit hindi mo sinabi sa akin na para kay Tita Rain pala yung damit na 'yon?" tanong ko sa kanya. Nilingon niya naman ako at kumunot ang noo.

"Bakit naman kailangan kong sabihin sa 'yo kung para kanino 'yon?" balik na tanong niya sa akin. Napaismid ako.

Kung alam ko lang na kay Tita Rain pala niya ibibigay ang damit na iyon, hindi na sana ako nakipag-away sa kanya at hindi na sana ako nagsabi ng kung anu-ano.

"Sumakay ka na, ihahatid na kita," sabi ni Theon na binuksan ang pinto ng sasakyan. Tumango naman ako at sumunod sa kanya.

Habang nasa biyahe kaming dalawa papunta sa bahay namin, hindi maawat ang patuloy na pagtunog ng cellphone ni Theon. Tumingin na lang ako sa labas habang pinagmamasdan ang mga nadadaanan naming poste ng ilaw.

Marami pa ring sasakyan sa labas kahit pa nga gabi na. Hindi naman na natatapos ang problema sa traffic kaya hindi na rin ako nagulat sa bagay na iyon.

Napalingon ako kay Theon nang bigla itong kumaliwa sa isang hindi pamilyar na daan sa akin. "Where are we going?" tanong ko sa kanya. Hindi naman siya nagsalita kaya hinampas ko ang braso niya gamit ang kamay ko. "Sabi ko, saan tayo pupunta?" muling tanong ko sa kanya.

Tempted to TouchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon