CHAPTER 1

3 0 0
                                    

Chapter 1: Intro

Sab's POV

*Acckkkk! Ano ba iyan, napaka swerte talaga ng araw na'to! Kung bakit ba naman, ugh! Sino ba ang magaling na may ari ng aso na 'to at hinayaan nya lang na dito sa labas mag poop ang aso nya at ito na nga, dahil sa napagka-swerte ko ngayong araw, natapakan ko! AAAAAAAAHHHHHHH! Sobra na to. Kanina palang pagkagising ko ng umaga, nalaglag sa kama ang kadyosahan ko, tapos walang tubig sa banyo kaya hindi ako nakaligo. Naputulan ata kami ng tubig. Tapos magluluto ako ng breakfast, bigla namang wala ng laman ang tanke. Yung totoo? Tapos eto na naman. Arghhhhh! Kadiri.

Lumingon lingon ako sa tabi tabi, at naghanap ng medyo madamo at malupang parte, para matanggal ko to. Anak naman talaga e. Kaya nung may nakita ako, ay nagmadali na akong tumakbo doon. Habang ipinupunas ko doon ang poops ng aso, bigla naman may dumaan ulit na malas. May igaganda pa ba ang araw ko? Ang ganda ng almusal ko ah!?

May dumaan na kotse and thankyou sakanya, doon nya pinagulong yung gulong nya sa parteng may tubig, at hulaan nyo ang nangyari? Oo! OO! Tama na naman kayo! Naligo ako ng di oras! Natalsikan ako ng tubig! Napaka gandang umaga talaga saakin (note the sarcasm) damuhong lechugas! Makain ka sana ng zombie. Leche ka! Buti nalang may shower room sa school at buti nalang din may extra akong uniform doon. Kung hindi. Wala ng magandang nangyari sa umaga ko. Pagkarating ko sa school ay nakita ako ni Kuyang Guard.

"Oy neng saan ka?" guard

"O kuya! Maganda sana ang umaga mo ako kasi hindi. Papasok po ako ng school."
Napakunot naman ang noo nya.

"Papasok ka? Ganyan ang itsura mo? Aba't hindi pwede! Nasaan ang Id mo?"

Abay siraulo to si kuya ah!? Discrimination to the highest level to! Pinakaita ko sakanya ang aking id.

"Kuya Sabrina Sison! Ayan oh, nakikita mo yan? Don Hernaez Prestige University,kita mo yan? Okay ka na? Papasok na ako!" derederetso kong sabi sabay lakad papasok. Kaso hinila nya ako pabalik. Damuhong to.

"Aba't! Aba't! Hindi pwede tingnan mo nga yang itsura mo!"

Aba'y akala ko estudyante lang sa lintik na paaralan na to ang mga mapanghusga, eto din palang panget na guard nato na akala mo kung sinong gwapo! Akala mo mananalo ka saakin? Huh! Nagkamali ka ng hinamon!

"Ganon po ba kuya?" Kunwari malungkot kong tono. Eto naman tong gagong guard na'to tinaboy ako na parang aso. Arghhh!
"Oo doon! Shushushu!" argh! Pagnagkaroon ng zombie ikaw sana unang makain, sunod yung siraulong driver ng kotse na yon. Naglakad na ako palayo, kaya nung nakita kong nakatalikod na sya ay dali dali akong tumakbo papasok. Hahaha! Akala mo!
"HOOOOOOY! BUMALIK KA DITO!" sigaw ng mukhang bulldog na guard. Bumelat nalamang ako sakanya atsaka tuloy na tumakbo habang tatawa tawa hanggang makaabot sa shower room. Haynako, perks ng maganda ang school. Bagay na bagay sa mukha ko. HAHAHHAHAHAHAHHAHAHA

Oh baka isipin nyo na mayaman ako. No! No! No! No! Isa lamang akong scholar ng paaralan. And unfortunately ang nag iisa. Kaya naman mag isa ko rin hinaharap ang araw araw na pang aalipusta ng sanlibutan. Chaaaar. Nang buong estudyante sa paaralan nato lang. Pagkatapos kong maligo at makapagpalit ay tumakbo na ako papunta sa canteen para bumili ng kahit juice at tinapay manlang. Wag na sanang makasalubong ang mga demonyitang feeling magaganda dito. Hahays.

Pagkatapos kong bumili at kainin ang aking agahan ay nagmadali na akong maglakad papalabas nitong canteen para makarating sa aking room, meron nalang akong 10 mins. Aiiish!

Dahil sa pagmamadali hindi ko na pinansin ang pagkakagulo ng mga estudyante, mlamang nandyan na naman ang nagsisilibing F4 nila. Tss. Pare-parehas lang namang tao. Pero kung makatili akala mo namang kung sinong gwapo. Well, tbh, gwapo naman talaga, varsity player, matatalino, mayaman, MAYABANG AT BABAERO. Tss! Akala mo naman kung sinong may ari ng school, - _________- oo na! Edi sila na may ari! Mga kupal. Nagmadali na ako maglakad at hindi na nag atubili pang tingnan ang daanan. Ayun ang pagkakamali ko. Nakalimutan kong bestfriend kami ngayon ni kamalasan at alam nyo na ang ending. TUMPAK KAYO! Nabangga ako, at hulaan nyo kung kanino! Tumpak na naman kayo, TAMA! sa leader lang naman ng kademonyohan na sa sobrang sama ata ng ugali ay tinubuan na ng ikatlong sungay! Pfh.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 05, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Apocalypse (Zombie Invasion) Where stories live. Discover now