....

42 5 0
                                    

Kung darating ang araw na tuluyang maglaho ang pag-ibig na ating pinagsaluhan.

Kung darating ang araw na namamait na ang iyong panlasa sa dating matatamis na salita.

Kung darating ang araw na makita mong ubos na ang kulay na aking ibinigay lahat sa iyo,

At wala ka ng ibang makita kundi pasanin at kawalan ng gana...

Masaktan man ako'y palalayain kita.
Gaya sa kasabihang, 'kahit masakit ay bibitawan ka'.

Dahil ang pagmamahal na tunay hindi ay raw nakakasawa,
O kaya nama'y bumabalik kapag nakitang wala nang mas hihigit pa
O kaya nama'y malaman na ako'y mahal mo pa.

Palalayain kita't hihintayin sa abot ng aking makakaya.

Pipigain pa lalo ang pasensiya at uunawain ang iyong nadarama.

Iiyak at ipagdarasal,
Na sana'y bumalik ka at sabihing
Mananatiling ako ang nag-iisa sa puso mo't walang ibang makakapantay.

Subalit, huwag sanang dumating sa punto...
Na wala na kahit katiting akong nadarama.
Huwag sanang umabot sa puntong magmakaawa ka
At ako ang magiging masama sa mata ng iba.

Huwag sanang umabot sa puntong
Ikaw naman ang masasaktan dahil tuluyan nang naghilom
Ang sugat na dulot ng iyong pusong hindi naging kontento sa isa.

BRUHANGMEOW ♡

Ang Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon