"Ang Magkatipan"

303 13 0
                                    


Sa bawat katipan ba'y kailangan may sumuko?

Kailangan ba na dapat iwan kapag may pusong nagugulumihan lamang?

Pusong pinili ang bagong daang umusbong, at
pusong kinalimutan ang mabubulaklak na ibinigkas noon.

Dahil sa mga balakid na bigla na lamang papagitan,

May isang katipan na bigla na lamang aayaw,
Marahil ay nakakita ng panibagong araw,
At pati ang bugso ng puso ay hindi na tumanaw
Sa kasalukuyan ay nagpasilaw,
Ang pangako noon ay tatalikuran lamang na tila tuluyan ng pumanaw.

Ang isang katipan ay naiwang naguguluhan,
Kung may maling nagawa o
Sadyang siya'y kaiwan-iwan.

Sa ganoong paraan,
Ang mga pangako nila noo'y naglaho nang biglaan.

_
BruhangManunulat

Ang Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon