Sino Ako Sa Iyo Noon

81 5 0
                                    

Humanda na sa pagwawakas
Totoong basura ay mananangis sa hirap
Kahit sinong poncio pilaso ang maghugas
Makakaranas ng matinding paghihirap

Mangungusap ng taos-puso
Subalit sarado na ang Kaniyang puso
Panaghoy ng tao'y hindi na makararating sa tarangkahan
Pagkat Siya'y darating at ika'y hahatulan ng walang katapusang kaparusahan

Binigyan ka ng mahabang panahon
Napakaraming beses niyang itinatak sa bilyon-bilyong dahon
Katotohanan ay tinakpan,
Mas pinaniniwalaan ang puro kasinungalingan

Huhusgahan ka ngayon at ito sa iyo'y itatanong,
SINO AKO SA IYO NOON?



BRUHANGMEOW

Ang Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon