Entry 02 [ Mar. ] : Wattpad Testimonial

259 16 1
                                    

'Ma, I Made It! : A Testimonial of a Student and Watpadder at the Same Time
written by Endee (loveisnotrude)

I graduated With Honors, having an average of 94.43, when I was in SHS taking HUMSS or Humanities and Social Sciences strand, two years ago (April, 2018), while reading a lot of Wattpad books and trying to update every single on-going stories I'm writing back then — a true and avid Wattpader it is. I'm not saying those things to brag, but I just want to let you know how Wattpad itself influenced me as a student and reader-writer at the same time.

Bilang isang Humanista, masasabi kong ang mga salita ang isa sa naging katuwang namin. Ganoon din sa pagiging Wattpader. Lahat ng gumugulo sa iyong isipan, mga opinyon o kahit paniniwala ay gumagamit ng makakapangyarihang salita. At noong mga panahon na iyan, maraming itinuro sa akin ang Wattpad o sa madaling salita, talaga namang na-impluwensiyhan ako nito habang ako'y nag-aaral. Mas lumalim at lumawak ang aking pag-iisip, mas naging matanong ako sa mga bagay-bagay, mas nadagdagan ang aking mga opinyon, at mas naging matibay ang mga pinaniniwalaan ko sa buhay. Sa paglalagi sa reading-and-writing platform na iyon, I can say that they imparted a lot of knowledge to me in terms of life lessons, love stuff and everything in between. Sa totoo lang, mas marami akong natutunan na mga bagay-bagay sa Wattpad na hindi man lang naituro sa eskwelahan.

I remembered this one class: Creative Writing. May dalawang kategorya na itinuro sa amin — fiction and non-fiction. Nang malaman kong may ganoon kaming subject sa aming strand, natuwa talaga ako. Syempre, pakiramdam ko ay may advantage ako sa aking mga kamag-aral; na 'di kalaunan ay aking napatunayan. Walang masyadong nakakaalam noon sa pagiging writer ko. Buong akala nila, isa lang akong simpleng Wattpader na mahilig magbasa nang magbasa. Kaya naman takang-taka sila na nag-e-excel ako sa asignaturang iyon. Bukod sa may ideya ako sa mga terminolohiya na ginagamit, alam ko rin ang bawat lesson — iyong tipo bang hindi ako naliligaw. Pati sa mga takdang aralin at akitibidades na nire-require ang pagsusulat ng mga short stories, screenplay, movie and book reviews, even making a script out of the story you wrote, nag-i-standout ako. Muli, hindi ko sinasabi ang mga bagay na iyan dahil gusto kong magmayabang. Gusto ko lang ipakita kung paano at gaano na-impluwensiyahan ang aking pag-aaral bilang isang Wattpader.

That's why I owe that a lot to Wattpad. Without it, I don't think that I am molded into who am I right now. Being a student is hard, but being a student and Wattpader at the same time is quite difficult too. Balancing things was never easy, to be honest. But Wattpad somewhat taught me that if you love what you're doing and that's really your passion, sooner or later, everything will run smoothly.

Look at me, I made it.

'Ma, I made it! Hindi naging hadlang ang Wattpad sa aking pag-aaral katulad ng lagi niyong sinasabi na, "Puro ka na naman Wattpad! Wattpad ka lang nang Wattpad! Wala ka na namang ibang ginawa kundi mag-Wattpad!"

***

DATE WRITTEN: March 03, 2020
DATE POSTED: March 04, 2020

***

#WattpadTestimonial

***

A/N: Gusto ko lang pasalamatan ang dalawang mahalagang tao sa buhay ko sa mga oras na 'to: Gian & Gwen.

Thank you sa lahat! Lalo na sa pagtulong na i-proofread ang entry kong 'to ngayon. I love you both!

***

Hello!

Gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng nagbasa rito. Ka-a-announce lang ng AmbassadorsPH today (March 30, 2020), ten minutes ago, ang mga nanalo para sa buwan ng Marso at isa na naman ako roon! Kaya maraming salamat po talaga, huhu.

 Ka-a-announce lang ng AmbassadorsPH today (March 30, 2020), ten minutes ago, ang mga nanalo para sa buwan ng Marso at isa na naman ako roon! Kaya maraming salamat po talaga, huhu

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Congrats din po sa ibang nanalo! Ikaw na nagbabasa nito, if you have some spare time, please check out the other winning entries. Thank you!

Write-A-Thon Challenge EntriesWhere stories live. Discover now