Chapter 2

93 8 2
                                    

I’m free today. Makakapagpahinga na din mula sa mga pasaway na mga bata. Sabado ngayon at nagpapalipas oras ako dito sa isang exclusive mall. Tumitingin ako ng mga designers bag na mula pa sa France. May nagustuhan akong isang design na pikit mata kong binili, may kamahalan sya pero pakiramdam ko hindi ako makakatulog hanggat di sya napapasakin, HAHA. 

Naglalakad ako papunta sa parking lot ng mall nang may makabanggaan akong lalaki na balot na balot ang mukha. Naka hoodie na jacket tapos naka sunglasses pa. Bigla akong napayakap sa bag ko. Baka holdaper,snatcher o terorista ito, omygosh! 

“I’m sorry, okay ka lang?” Tanong nya sakin. Maganda ang boses nya, nakakainlove. Lalo kong hinigpitan ang hawak ko sa mga dala ko. Member yata ito ng budol budol gang at pati boses nya ay nalove at first heard ako.

“Yes I’m fine. Kung may balak kang iehfjdfjnj,dbfvjdbvkjdbfvkdbz…” Sagot ko sa kanya pero feeling ko di nya narinig yun dahil sa malakas na tilian ng mga babaeng tumatakbo papunta sa direksyon namin. 

“Ayun sya!!!”

“Stanley my love!”

“Stanley!!! Marry me!”

“I love you Stanley! Pa-Autograph!” 

Yan ang ilan sa mga narinig kong sigaw ng mga babaeng tumatakbo papalapit sa amin. Sino kaya ang lalaking to at nababaliw ang mga babaeng yon sa kanya. Bago pa makalapit ang mga babaeng yun ay nakatakbo na si Stanley daw at hila hila ako sa pagtakas nya. What’s wrong with this guy? Kelangan kasama talaga ako?

Nang makarating kami sa exit ng mall ay may naka-abang ng sasakyan doon. Tinulak nya ako papasok sa loob saka sya tumabi sa kinauupuan ko. Grabe! Kidnapper ba ito? Ow no!

“Sino kaba at bakit mo ko kinaladkad!” Sigaw ko sa kanya.

Hinubad nya ang hoodie jacket nya at pati ang sunglasses. Wow! He’s soooo handsome. Ang ganda din ng skin nya at kissable lips pa. Mukha syang kpop ng pilipinas! Shemay!

“Now you know me?” Nakangiti sya sakin.

“No!” Mataray kong tugon sabay irap.

“Seriously? Hindi mo ako kilala? Titigan mo ako.” 

Tumitig naman ako pero hindi ko talaga sya kilala. Kung artista man sya dito well, sorry ka di ka yata sikat e. 

“Hindi nga! Sino kaba? At tsaka san mo ba ako dadalhin? Pwede itigil nyo na ang sasakyan. Now na!” Sigaw ko sa kanila ng driver nya.

“ Wag mo itigil manong! Kung hindi mo ako kilala then magpapakilala ako. I’m Stanley Cullin.” Inilahad nya ang kanyang kamay.

“Okay Stanley Cullin. Hindi talaga kita kilala, kung celebrity ka man dito hindi ka siguro sikat kaya di kita kilala. Pwede mo na ba akong pababain?” Pang-aasar ko sa kanya.

“What?! Hindi sikat? Haha” Sarkastikong tawa niya. “Pasalamat ka hinila kita palayo sa mga fans ko, kung hindi sayang naman yang maganda mong buhok at makinis na mukha.” Sinuot nya ulit ang shades nya. “Stop the car. Get out!” Mahinahon pero nakakaasar ang pagkakasabi nyang yon.

Sumilip ako sa bintana ng kotse. “What the… Dito talaga sa gitna ng tulay? Haaist!” Hindi ko na tinuloy ang mga sasabihin ko. Padabog akong bumaba ng kotse. Haaiissst! Ang init init, wala pang taxing dumadaan. Badtrip talaga ang lalaking yon. Jerk! Kinuha ko ang cellphone ko sa bag. Oh, si fairy mudrabels tumatawag.

It Takes Two  < ONGOING >Where stories live. Discover now