" Ate Angel, andito ka pala, hinihintay ka na namin sa parking lot. Tara na! "- tifa

" Ah--- ganun ba. Tifa, pwede bang.... palit tayo ng pwesto? Ako dun sa tabi ng driver, tapos ikaw sa tabi ng kuya mo. "-me

" Bakit naman? Hindi ka pa ba nasanay kay kuya? "-tifa

" Hindi naman... kaso gusto ko sa harap naman umupo para ma- try ko ring umupo doon. Hindi pa kasi ako nakakaranas umupo sa tabi ng driver e ^_^ "-me

" Ahhahaha... talaga?! Sige ba! Mag-eenjoy ka, tapos buksan mo yung bintana at ilabas mo yung ulo mo, NAKU!!! ----"-tifa

" Matatangal ang mga masasamang iniisip ko?! "-me

" Hindi.. Mamamatay ka! "-tifa

" TARA NA NGA! "

Ayun, pumunta kami sa parking lot at sumakay na sa kotse. Gaya ng nakapag-sunduan, ako sa harap at si Tifa naman sa likod.

☻ Tifanny☻

Ano kaya ang nangyari sa dalawang 'to? Kapag kasama ko sila, lagi yang magtatalo kahit mababaw pa ang pinagtatalunan nila! 

Kumuha ako ng papel at ballpen. Sumulat ako doon.

Tifa: Pst... ok lang ba kayo ni tiger?

Pinasa ko naman kay Michael yung paper, parang pass the letter lang.

M : Ano sa tingin mo?

T: Ano bang nangyari. Kwento naman diyan oh!

M: Hindi kami ok, dahil sobrang hirap ng test kanina! Ikaw kaya ang sumagot sa test na yun, sinong di maiinis! 

Talaga bang dahil sa test lang? O may L.Q sila?!

T: Kamusta naman ang pag-cocommute, ok lang ba? Mahirap ba? Ano size ng train? Siksikan ba?!

M: Hindi ok mag-commute, mapapahamak ka lang. Hindi mahirap pero delikado, pwede kang maaksidente. 'tural mahaba ang train, kaya nga maraming tao sa train kaysa sa bus e. At, oo sobrang siksikan, mawawalan ka na nga lang ng balance, mamalasin ka pa!!! Pagkatapos, hindi na kayo magpapansinan W.T.H!!! 

ANO DAW?!!! Klaro pa sa akin yung mga ibang words e, pero yung panghuli niyang statement, hindi ata tugma sa topic. 

*bright idea*

Siguro, naaksidente silang dalawa ng hindi sinasadya dahil nawalan ng balance si kuya Michael. Tapos nun hindi na siya pinansin ni Ate Abgel dahil sa nangyari, kaya ayaw nilang magpansinan. Pero, anong aksidente kaya ang nangari?

_____________________Bahay_____________________

☻Angel☻

Pagka-stop pa lang ng train, leggo na ko. Pumunta agad ako sa room house para makapag-palit.

" Angel..... ano bang nagyayari sayo?!!! " tanong ko sa aking sarili habang nakatingin sa salamin.

*knock*

*knock*

Sino naman kaya yan?! Baka si Ericka lang. Hindi ko muna binuksan ang pinto. Tinanong ko muna ang kumakatok.

" Sino 'yan? "

" Maam, pinapatawag po kayo ni Young Master."

" Sige, pupunta na ako. "

*sigh* " Sermon.....nanaman..." bugtong-hininga ko.

Pumunta ako sa kwarto ni Michael. Kumatok muna ako.

" Ikaw na ba 'yan?! " tanong ni Michael

" O-oo, ako na nga 'to. " bakit ako nag-stu-stutter? Imposibleng kinakabahan ako!

Binuksan ni Michael ang pinto.

" Pasok. "

Pumasok ako at sobrang namamasmado ang aking mga kamay. Sinara niya ang pinto.

" Anong sasabihin mo? " -me. Unti unti siyang lumalakad papunta sa akin, kaya ako napapa-atras.

" Naiilang ka ba sa akin? " -michael

" Si-sinong hindi maiilang sa----"

Bigla niyang sinalpak ang mga kamay niya sa dingding, kaya nagulat ako.

" Baka nakakalimutan mo na..... asawa kita? "

" Alam ko naman 'yun e, pero diba, FAKE lang naman ang contract na yun? "

" Paano kung sabihin ko na.... hindi yun fake? "

ANO?!!! All this time ang akala ko fake lang yun?!!! MY LIFE IS A LIE>>>>

" Yan lang ba ang sasabihin mo? Pwede mo na bang tanggalin yang mga kamay mo?"

" Guso ko lang naman sabihin na... Ang nangyari kanina ay aksidente lang, isang malaking aksidente. Siguro, ok na rin na nangyari yun, nang malaman mong asawa kita! "

" Alam mo, nakatatak na sa utak ko na asawa kita dahil sa singsing . Pero, gusto ko lang na malaman mo na.. naiilang ako sa nangyari dahil first time ko 'yun at ang mas malala.... ang taong humalik sa akin ay ang taong kinamumuhian ko! "

Unting-unting binaba ni Michael ang kamay niya.

" Umalis kana. " mahinahon niyang sinabi. Para siyang tunganga.

Umalis naman ako. Wala na siyang sasabihin diba?!! 

☻ Michael☻

Napa-upo na lang ako sa kama ko. Tapos, naramdaman kong

.

.

.

.

.

..

bumibigat ang pakiramdam ko.

" Alam mo, nakatatak na sa utak ko yun dahil may singsing naman. Pero, gusto ko lang na malaman mo na.. naiilang ako sa nangyari dahil first time ko 'yun at ang mas malala.... ang taong humalik sa akin ay ang taong kinamumuhian ko! "

Talaga bang..

..

.

.

.

.

.

I've got feelings for her?!

Tiger Girl (editing)Where stories live. Discover now